Chapter 57: Official

14 1 0
                                    

[Megan's POV]

"I love you, Megan."

Biglang tumayo lahat ng balahibo ko. Ewan ko ba pero kinilabutan agad ako ng marinig ko yon kay Darren. Oo nasasabihan na ako ng ganon ng mga lalaki kay Daddy, Nathan, Zsch at mga manliligaw ko palang non sobra sobra na. Pero yong kay Darren iba yong epekto sakin, para akong mababaliw anytime. Alam mo talagang seryoso siya na galing talaga sa puso.

Napangiti nalang ako sa narinig ko. Ang sarap naman talaga sa feeling na marinig mo na mahal ka din ng mahal mo. Sino ba namang tao ang hindi matutuwa don diba?

Oo mahal ko na talaga si Darren. Hindi naman siya mahirap mahalin, eh. Nagbago siya para sakin tapos inayos niya yong sarili niya. Pinakita niya skin ng todo na seryoso talaga siya sakin kaya hindi naman ako ganon kataray para hindi mafall sa mga ginagawa niya.

"I love you too, Elyen."

"Pwede ko bang halikan girlfriemd ko?" Nag puppy eyes pa siya para pumayag lang ako.

Tumawa ako tapos ngumiti. Onti onting niyang nilapit yong mukha niya sakin, nang malapit ng magdikit yong labi namin hinarangan ko agad yon ng dalawa kong daliri kaya yon yong nahalikan niya. Tumawa agad ako ng malakas dahil sa reaksyon niya. Para siyang bata na inagawan ng candy.

"Ang daya naman." Nag pout pa siya na parang tampong tampo. Hahaha.

"Pwedeng kiss pero sa noo lang muna. Nakanakaw ka na ng halik sakin non. Sobra na nga yon, eh. Hahaha." Sambit ko.

"Matagal naman na yon." Sagor niya. "Tsaka, girlfriend naman na kita."

"May reklamo ka?" Nilagay ko yong dalawang kamay ko sa bewang ko at tinaas yong isang kilay ko.

Umiwas agad siya ng tingin. "Wala po, boss."

"Hmp! Ang cute cute talags ng boyfriend ko." Pinisil ko ng madiin yong ilong niya tapos namula agad. "Hahaha. Ang cute!"

"Ouch! Masakit kaya Megan." Nag pout nanaman siya. Dinaig pa ako ng lalaking 'to, napaka pabebe. "Megan, tignan mo oh. May butterfly." Biglang may tinuro siya sa taas.

Lumingon naman agad ako don. "Ha? Nasaan? Nako gusto makita." Nakatingin oa din ako sa taas. "Nasaan ba? Bakit parang wala naman?" Tanong ko. "Pinag titripan mo lang ata ako, eh." Humarap ako skaanya ng nakasimangot pero bigla niya kong hinalikan ng tapos tumawa. "Sabi ko sa noo lang! Madaya ka talaga."

"Hahaha. Butterfly lang pala katapat mo, eh." Tawa pa din siya ng tawa.

"Heh! Bahala ka dyan ha. Sige tumawa ka pa." Bigla naman siyang nagpigil ng tawa. "Duwag."

Nagkaroon ng sandaling katahimikan.

Hinawakan ni Darren yong kamay ko kaya tumingin ako sakanya. "Megan, thank you." Seryosong salita na lumabas sa bibig niya.

"Para saan naman yon? Dahil ba sinagot kita?" Tanong ko.

"Oo, pero hindi lang yon." Sambit niya. "Alam mo bang wala ng kwenta yong buhay ko non pero nung nakilala kita lahat nagbago."

"Tapos?"

"Binigyan mo ng buhay at kulay yong buhay ko. Korni man pakinggan pero yon talaga, eh." Sambit niya.

Natawa nalang ako. Ang cute talaga niya.

"Mag promise ka sakin na hindi mo 'ko iiwan." Tumitig siya sa mga mata ko. Jusko, nakikita ko nanaman yong maganda mata na kinababaliwan ko. Ang ganda talaga ng mata niya jusko.

"Promise." Nginitian ko siya, ganok din siya.

"Pinky swear?" Hindi ko alam pero ang cute. Hahaha. Nakakabakla yon pero sinasabi niya. Nakipag pinky swear nalang ako.

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon