[Megan's POV[
Nagising ako dahil sa pagtunog ng pinto, nung nakita ko agad yong paa ni Darren umarteng akong natutulog hanggang sa makapasok siya. May dala siyang pagkain tapos nilapag niya yon sa mini table medyo malapit sa kama ko. Umupo siya sa gilid ng kama ko tapos tuningin sakin.
"Good morning boo, aish tulog ka pa. Tulog mantika. Gising na oh, may pupuntahan pa tayo. Nilutuan na kita ng breakfast mo, alam ko naman namalakas kumain girlfriend ko haha." Bilig niya kong tinitigan tapos yong labi ko, gosh Darren. "Ang ganda ganda mo pa din boo kahit tulog mantika ka." Tumawa pa siya. "Pakiss nga."
Nung malapit ng magdikit yong labi namin hinarang ko agad yon ng daliri ko. Nagulat agad siya kaya tinawanan ko siya. "Gising kana pala.""Opo, hahaha. Kanina pa bago ka pumasok ng kwarto ko." Bigla siyang nag pout. "Nanakawan mo pa ako ng halik ah. Tch, bad Darren." Tumawa ulit ako pero siya naka pout oa din, hihi ang cute! "Ah, kakain na 'ko. Nagutom ako sa amoy nung pagkain, hm, mukhang masarap."
Tumayo agad ako tapos dumeretso don sa mini table. Meron don na mushroom soup, fried rice, ham and bread tapos saging. May bacon din, yey. Kumain agad ako at tama nga ako, masarap. Gosh, hindi nakakabusog. Mas nakakagutom lang.
"Hm, ikaw nagluto nito boo?" Umupo siya sa kaharap kong upuan, tumingin siya sakin tapos tumango. "Talaga? Grabe boo, ang sarap. Hihi marunong ka palang magluto, jusmeyo boo. Ang sarap talaga." Sambit ko, tumawa lang siya.
"Sige na, kumain kana dyan boo. Pag tapos mong kumain mag ayos kana kasi may pupuntahan pa tayo." Sambit niya.
"Ha? Eh, ano, paano 'to? Hindi ko 'to huhugasan?" Tanong ko.
"Ssh, may mga gagawa dyan boo. Wag ng pasaway, ubusin mo nalang yan."
Tumango nalang ako. Sinunod ko yong sinabi niya, kumain ako ng kumain hanggang sa maubos ko. Jusko, simot simot lahat. Bigla akong nahiya nung narealize ko na mukha pala akong dragon sa harap ni Darren. Nahihiya na tuloy akong tignan siya. Iniikot ko nalang ng mata ko yong paligid para hindi siya matignan.
Tumayo siya tapos ginulo yong buhok ko. "Sige na boo, mag ayos kana. Hihintayin kita sa labas." Hinalikan niya ako sa noo tapos lumabas na. Ngumiti nalang ako kahit wala na siya dito.
Dumeretso agad ako sa banyo tapos naligo. Nag ayos agad ako pagtapos ko, nag bihis lang ako ng simpleng blouse at jeans tsaka sapatos. Lumabas na din ako ng matapos ako.
Tumingin agad sakin si Darren tapos ngumiti. "Sexy," Tumayo agad siya tapos hinawakan yong kamay ko. Hinampas ko naman agad siya sa braso apos tumawa siya. "Ano? Nagsasabi lang ako ng totoo boo. Hahaha. Sexy kasi ng kasama ko." Sambit niya.
"Sige, isa pa. Hindi talaga ako sasama sayo." Tumigil naman siya. Ayoko kasi sa lahat yong sinasabihan ako ng sexy, nakakailang kaya na ewan. Lalo na isang Darren Lim pa nagsabi sakin, hays nakakabaliw.
Dumeretso agad kami sa Pool Area, nagtataka man ako hindi na ako nagtanong sakanya. Sinalubong agad kami nung apat bestfriend ni Darren tsaka bestfriend ko. Mukhang ang saya saya nila, nginitian ko naman agad sila.
"Tara, swimming na." Sambit ni Darren. Nilingon niya ko tapos kinindatan. "Mag bihis kana boo."
"Ha? Ah, ano. Wala akong swim suit, kayo nalang." Sagot ko.
"Girlfriend ko pa ba mawawalan? Binili kita ng susuotin mo boo." Kinuha niya yong bag kay Kevin tapos kinuha yong damit. "Ito boo, oh." Isang long sleeve na fitted tapos leggings, tumingin agad ako sakanya tapos nginisian niya ko habang gumagalaw pa yong kilay. "Bakit ganito boo? Para hindi nila makita kasexyhan mo kasi ako lang dapat makakakita nyan."
Bigla naman akong inasar nung apat. Grabe 'tong si Darren, namumula na ata yong pisnge ko ramdam ko yong init. Kahit na ayaw kong suotin yon, hinila ko na sa kamay niya. Pag hindi pa ako umalis dito mas aasarin pa nila ako. "Mag bibihis na nga ako!"
Umalis na ko don at dumeretso sa banyo. Sinuot ko agad yon, kahit ang init ng damit tiniis ko kasi no choice naman. Paglabas ko ng banyo hinanap ko agad si Darren at nakita ko siyang may kausap na baabe na nakaswim suit. Tumingin agad ako ng masama sakanila. Nakatingin sakin yonf apat pero hindi ko sila pinapansin.
Kung makapag usap si Darren akala mo walang girlfriend. Kitang meron na siyang ako nagagawa pang lumandi sa ibang babae. Ibang klase talaga 'tong Darren na 'to. Naiinis na ako. Ang saya saya pa nilang magkwentuhan. Akala mo naman, eh. Aish!
"Bro, si Megan." Sigaw ni Kevin kay Darren.
Lumingon naman agad siya sakin at parang nakakita ng multo sa gulat. "Andyan kana pala, hehe." Nakatingin lang ako sakanya ng masama, halos hindi siya makatingin ng deretso sa mata ko. "Ah ano Megan, kaibigan ko pala."
"Kaibigan mo mukha mo! Magsama kayo nyan!" Bago ako umalis sa harap nila tinignan ko ng masama yong babae at nakangisi pa talaga siya sakin, psh. Dumeretso agad ako don sa apat, hindi ako umiimik sakanila. Wala ako sa mood.
Lumapit agad sakin si Darren tapos tumabi.
"Bakit ka galit boo?" Ang amo ng boses niya, akala mo talaga kung sinong maamong tuta.
"Galit ba 'ko? Hindi ah, wala ka namang ginagawa, eh. Nakipag kwentuhan ka lang naman don sa babaeng nakaswim suit at enjoy na enjoy ka pang kausap siya at nawala na sa isip mo na may girlfriend ka. Tapos tinawag mo lang naman akong Megan kanina. Ayun lang naman ang sa pagkakaalam ko. Anong mali don? May dapat ba kong ikagalit?" Sambit ko.
Narinig ko siyang bumuntong hininga. "Sorry na boo, nakipag kwentuhan lang naman ako don. Isa pa, hindi siya yong tipo kong babae." Sambit niya.
"Sus, niligawan mo nga yon dati pero tumigil ka lang." Tinignan ko agad si Darren na pinang lalakihan ng mata si Kevin, tumingin siya sakin at mukhang kinakabahan siya.
"Hindi pala tipong babae ah?" Tumango tango lang ako.
"Aish, oo niligawan ko siya pero tinigil ko din boo. Isa pa, matagal na yon, mga high school palang tayo." Sagot niya. "Boo, ikaw na yong mahal ko ngayon, ikaw na yong gusto ko. Wala ng iba, kaya hindi ka dapat nagseselos sa iba." Hinawakan niya yong magkabilang pinsge ko tapos tumingin ng deretso sa mata ko. "Walang makapapalit sayo, boo."
"Hm, oo na po." Pinisil ko yong ilong niya at tumayo sa kinauupuan ko. Tumalon agad ako sa swimming pool. "Ang lamig ng tubig boo. Tara swimming tayo, hihi." Pag aaya ko.
"Ikaw nalang boo, titignan nalang kita." Sagot niya.
"Takot ka sa swimmining pool no? Hahaha." Sambit ko, hindi nalang siya kumibo at tinitignan nalang ako sa ginagawa ko.
~~
Dumeretso kami sa Shinyu, kakausapin kasi si Darren ng manaager niya. Hiniram ko din muna yong kotse ni Darren kasi pununta ako sa Hospital. Magpapacheck up lang ako sa doctor ko kasi masama na yong pakiramdam ko. Babalikan ko nalang si Darren sa Shinyu pag tapos ko sa Hospital.Pumunta agad ako sa office ni Doctor Sandoval. Kinuha lang siya last week nila mama para sakin, ayoko na sana na may ganito pa ako kaso gusto ng parents ko.
Sinabi ko sakanya yong nararamdaman ko. Kinuhanan din ako ng dugo at mga itetest pa. Tsaka ko pa daw makukuha yong resulta kaya umalis na din ako pagtapos akong tignan ni Dr. Sandoval.
Bumalik agad ako sa Shinyu at buti nalang hindi pa tapos sila Darren. Hinintay ko nalang siya sa kotse niya hanggang sa makababa na siya.
Siya na yong nag drive jasi antok na antok na talaga ako. Sobra akong pagod ngayong araw tapos nang hihina pa ako dahil kinuhanan ako ng dugo.
Nakatulog nalang ako ng mahimbing sa kotse ni Darren.
----------------
Votr and comments are really appreciated, thank you! Enjoy reading, lovelots!
![](https://img.wattpad.com/cover/53632655-288-k168042.jpg)
BINABASA MO ANG
Lost stars
Teen FictionAkala niya nagmahal siya sa maling tao. Pero, yung tadhana lang talaga yung mali sadyang hindi niya lang inisip na mapaglalaruan sila. Masyado siyang nagseryoso sa isang bagay na walang kasiguraduhan na tatagal. When Darren Lim love the girl.