[Darren's POV]
Argh, ang lakas ng ulan. Nawawala wala tuloy yong signal ng phone ko, aish. Si Megan naman kanina pa hindi sumasagot sa mga text ant tawag ko. Nag aalala na 'ko sa girlfriend ko.
"Wala pa ding reply, brad?" Kasama ko 'tong Kapreng Kevin ngayon.
"Wala pa din brad, nag aalala na talaga ako."
Palabas kami ngayon para puntahan siya sa bahay nila. Hindi ko na makakaya kung hindi ko pa siya makikita ngayon. Nag aalala na talaga ako sa babaenh yon. Hindi man lang kasi sumagot sa mga text at tawag ko, baka ano ng nangyari don.
"Uh, teka brad. Diba si Megan yon?" Tinuro niya sakin yong baabeng nakatalikod at basang basa na sa ulan.
Ugh, siya nga yon! Anong ginagawa niya don sa gitna ng ulan? Tch, andito lang pala kaya hindi sumasagot. Binuksan ko agad yong payong tapos tumakbo sakanya. Hinila ko agad siya sa braso, nakita ko agad na mugtong mugto na yong mata niya kaya natigilan ako.
"M-megan?" Umiyak agad siya pero hindi ko alam kung bakit.
Imbis na sagutin niya 'ko, niyakap niya ko ng mahigpit. Sobrang higpit na parang mawawalan na 'ko ng hininga, hinayaan ko nalang siyang umiyak sa balikat ko.
Letche, hindi ko kayang nakikita siyang umiiyak. Bakit ba kasi umiiyak girlfriend ko?
"Ano bang ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pumasok sa loob? Tignan mo, basang basa kana." Sambit ko. Umiling lang siya. "Aish, tara na nga sa loob Megan." Hinila ko siya papunta sa loob.
Hindi siya pumalag, parang wala na siyang lakas para kumilos. Nag aalala na talaga ako sa girlfriend ko, argh. Ano ba kasong nangyari sakanya?
Dinala ko agad siya sa room ko. Kailangan niya ng magpalit ng damit dahil basang basa na talaga yong damit niya. Nakisuyo muna ako kay Kevin na bumili ng ice cream at pizza para kay Megan, punayag naman siya.
Medyo tumigil naman na yong iyak niya kaya pinag palit ko muna siya ng damit ko. Malaki naman yon kaya nag kasya sakanya. Paglabas niya ng closet room, umupo agad siya sa sofa at nakatulala lang. Mugto pa din yong mata niya hanggang ngayon.
"Ah, ano bang problema?" Tanong ko.
"Si Nathan," Nang gigilid nanaman yong luha niya. "Iniwan na ako.." May tumulong luha sakanya pero pinunasan niya agad tapos huminga ng malalim. "Haha. Wag mo ng isipin yon."
Biglang dumating si Kevin na dala yong ice cream at pizza kaya napatigil kaming pareho. Hingal na hingal siya na hindi malaman.
"Anong nangyari sayo?" Tanong ko.
"Ah, kasi yong mga babae hinahabol ako sa labas." Natawa nalang ako. Hindi man lang kasi nag disguise ang loko. Nilapag niya agad yong mga binili niya. "Sige, una na ako brad " umalis na agad siya kaya naiwan na ulit kaming dalawa dito ni Mrgan.
Inabot ko kay Megan yong Ice Cream tapos tumabi sakanya. Nagulat ako ng dumikit siya sakin tapos pinatong niys yong ulo niya sa balikat ko at kumain. Para siyang bata na ang amo amo. Ang cute niyang tignan, medyo nakahinga na ko ng maayos ng makita kong okay na siya.
"Alam mo ba na isa 'to sa nagpapagaan sakin?" Kain lang siya ng kain. Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Ito yong laging binibili sakin ni Nathan pag wala ako sa mood." Sambit niya. "Tapos manunuod pa kami ng movie habang kumakain."
"Ah, edi miss mo na siya?" Tanong ko.
Tumango siya. "Oo naman! Miss na miss ko na yon, bestfriend ko yon eh." Sagot niya. "Buong buhay namin mag bestfriend na kami."
BINABASA MO ANG
Lost stars
Teen FictionAkala niya nagmahal siya sa maling tao. Pero, yung tadhana lang talaga yung mali sadyang hindi niya lang inisip na mapaglalaruan sila. Masyado siyang nagseryoso sa isang bagay na walang kasiguraduhan na tatagal. When Darren Lim love the girl.