[Darren's POV]
Tingin nila, mga chicks at madaling makuha dyan tulad ng mga babaeng lumalapit sakin. Tss, tingin lang nila yon.
Pero ang totoo nyan.
Ang gusto ko sa babae, mapang-asar. Ang gusto ko sa babae, matapang. Ang gusto ko sa babae, masungit na mas matatakot pa 'ko. Ang gusto ko sa babae yong napaka-hard to get.
Yong kahit anong pilit ko, hindi pa din siya bumibigay na halos magkanda hirap na 'ko pero wala pa din. Yong lagi akong inaasar at bara sakanya dahil sa katarayan niya. Yong mauubos mgga words ko pag ngumingiti na siya. Yong mabait sa mga bata kahit hindi sakin. Yong napaka-moody. Yong napaka-lakas kumain. Yong minsan nawawakan ng hiya. Yong hindi mayabang kahit maganda. Yong matulungin hindi paoa-away. Yong oa minsan. Yong magaling sa lahat ng bagay.
Yong tinutukoy ko, yong may ari ng pangalang Megan.
5 years ago..
"Darren, gusto kita." Sambit ng babaeng nasa harapan ko. Inabot niya sakin yong regalo niya pero tinabig ko lang yon.
"Sorry pero hindi kita gusto, miss." Sagot ko.
Nauna na kong maglakad pero sinundan pa din niya 'ko, aish.
"Darren, sige na. Kahit tanggapin mo lang 'to."
Now, lumuluhod na siya para lang tanggapin ko yong regalo niys?
"Psh, wag ka ng lumuhod dyan para tanggapin ko lang yan. Kalat lang yan sa kwarto ko kung tatanggapin ko, miss. Kaya pasensya na."
Umiyak siya ng umiyak kaya iniwanan ko nalang siya. Hindi pa 'ko nakakalayo may biglang humila sakin, isang babae.
"Ang yabang mo naman! Bakit mo ginawa yon sa babae ha?" Tanong niya. "Hindi mo ba alam na mahirap ma-reject plus mapahiya?!"
"Hindi pupunta sa ganon kung hindi lang siya makulit." Sagot ko. "Alam mo palang mahirap bakit ginagawa mo sa mga lalaki dito?"
"Aminado akong ginagawa kong mang reject pero sa maayos na paraan hindi tulad mo." Nakatitig lang kami sa mata. Ang ganda niya pa din kahit galit na siya. "Ang bakla mo! Hindi ka marunong rumpespeto ng babae" Dagdag pa niya.
Ugh, first time kong masabihan ng bakla.
"Pare-pareho lang tayong estudyante dito kaya wag kang magyayabang tsaka isa pa, babae yun! Dapat nirespeto mo naman kahit konti lang pero wala eh, ang yabang yabang mo talaga." Saad niya pa. "Akala mo naman ang gwapo gwapo mo!'
"Megan, tama na yan." Biglang may humila sakanyang lalaki.
"Wag kang magyayabang. Hindi bagay sayo, nakakabakla lang." Dagdag pa niya.
Lahat ng tao dito nakatingin, umalis na din yong babaeng na-reject. Ugh, hahanapin ko yong babaeng yon. Magbabayad siya sa ginawa niya sa isang Darren Lim.
Kilala ko lang siya sa mukha. Isa siya sa maganda dito sa school at isa din atang sikat na DanceNakakainis pher, madaming manliligaw na lahat ni-reject.
Aish, badtrip!
Dumeretso ako sa parking at buti nalang nandon din yong dalawa. Si Kevin at Sky.
"Badtrip ata brad ah? Hahaha." Sambit ni Kevin. Bangag ata to, nakita naman na naiinis ako.
"Kita mo namang magka-salubong yong kilay Kevin, hays." Sagot ni Sky.
"Kilala niyo ba yong Choreographer dito?" Tanong ko. Nagka-tinginan silang dalawa. "Aish, nagtatanong lang."
"Ah, oo. Yong maganda, chicks yon." Sagot ni Kevin. Psh, basta talaga magaganda napapansin niya. "Natamaan ka don no? Hahaha." Binatukan ko naman siya, baliw. "Ouch!"
BINABASA MO ANG
Lost stars
Novela JuvenilAkala niya nagmahal siya sa maling tao. Pero, yung tadhana lang talaga yung mali sadyang hindi niya lang inisip na mapaglalaruan sila. Masyado siyang nagseryoso sa isang bagay na walang kasiguraduhan na tatagal. When Darren Lim love the girl.