[Megan's POV]
Nakatulala lang ako sa bintana. Hindi ko ba alam pero wala naman akong iniisip, blangko lang yong isip ko.
Muntik ko ng malaglag yong phone ko dahil sa pagtunog bigla. Tinignan ko agad kung anong meron, text message lang pala. Jusko, ayun lang pala nagugulat na agad ako. Napailing nalang ako.
Text message galing kay Nathan? Himala.
From: Nathan
Magkita tayo sa park, malapit sa subdivision niyo. Hihintayin kita.
Hala, anong meron? Miss na kaya ako ng bestfriend ko? Gosh. Kinuha ko agad yong salamin ko tsaka yong cap pati na din yong bag ko tapos tumakbo ako pababa. Napahinto ako sa pinto dahil naalala ko na may ginawa pala akong mga donuts kanina. Tumakbo ako papunta sa kusina tapos kinuha yon.
Dumeretso na agad ako sa park na sinasabi niya. Nakita ko agad siya na nakatalikod kaya dali dali akong bumaba ng kotse ko. Tumakbo ako papunta sakanya.
"Nathan!" Huminto ako sa likod niya, humarap agad siya na walang emosyon yong mukha. "Miss na miss na kita. Buti nalang nag text kana sakin. Hindi kana ba galit, hm? Sorry ulit ha." Sambit ko. "Oh, ito pala donuts. Ginawa ko yan kanina, naisip kong dalhan ka kasi alam ko namang miss mo na yong bake ko." Tumawa akong ng bahagya.
Kinuha naman niya yong box tapos nilapag sa katabi naming bench. "Salamat dito." Malamig na sagot niya.
May problema ba? Bakit ganito siya sakin? Wala naman akong ginagawa ah. Kinakabahan ako, parang may mali. "Uh, anong meron? May lakad ka? Saan tayo?" Tanong ko.
[EXO - Moonlight]
Nakatingin lang aiya sakin ng deretso, kahit na konting emosyon wala akong makita. Ano ba 'to? "Nakipag kita ako sayo para mag paalam.."
"H-ha? Teka, saan ka pupunta?" Tanong ko.
"Aalis na 'ko, Blue." Sagot niya. "Actually, papunta na nga akong airport. Hinihintay lang kita. Ngayon yong flight ko papuntang Korea."
Aray ko, ang sakit naman non. Bakit siya aalis? Dahan dahan tumulo yong luha ko. Ang sakit talaga, Nathan.
"Bakit? Bakit ngayon ka lang nag sabi? Bakit ka aalis, bakit ka pupunta don? Iiwan mo na agad ako? Bakit kasi Nathan?" Hindi ko na napigilang umiyak.
"Na realized ko ng ito yong time para lumayo ako sayo, Blue. Marami na agad nagbago, alam mo naman yan." Sambit niya. "Mas mahihirapan ka lang kung non ko pa sinabi."
"Bakit ka lalayo? Wala naman tayong galit sa isa't isa diba? Bakit kailangan pang ganito?" Tuloy tuloy pa din yong pagtulo ng mga luha ko.
Napailing nalang siya. "Makakabuti sayo 'to, hindi sa lahat ng bagay kasama mo ako. Andyan na si Darren, kaya niyang gawin lahat ng ginagawa ko. Hindi mo na 'ko kailangan pa, Blue. Kailangan din natin lumayo sa isa't isa, hindi yong tayo nalang laging nag sasama." Sambit niya.
"Ano bang problema, Nathan?! Hindi naman porket nandyan na si Darren lalayo kana agad. Kailangan din kita Nathan! Bestfriend kita."
Ganon ba yon? Pag may bagong dumating kailangan may aalis? Hindi ba pwedeng mag stay nalang? Hindi naman kailangan yong ganito, eh.
"Wag kanang makulit. Mal-late pa ako sa flight ko. Sige na, basta alagaan mo lagi yong sarili mo, wag kang pabaya. Mag iingat ka lagi." Sambit niya. Tumalikod na agad siya sakin, palayo ng palayo kung nasaan ako.
Hindi, hindi pwedeng mawala yong bestfriend ko. Hindi ko kaya. Kailangan ko din si Nathan.
Tumakbo ako papunta sakanya at hinila siya sa braso. "Wag kang umalis!"
"Tama na," Iniwas niya sa kamay ko yong braso niya. "Ayoko na sayo, sawa na ako."
Hindi na ako nakapag salita, tinitignan ko nalang yong likod niya habang palayo sa akin. Sumakay na agad siya sa kotse na hindi man lang tumitingin sakin ng kahit ilang segundo lang. Napayuko nalang ako, parang sinasaksak ako. Ang sakit sakit ng nararamdaman ko, ang hirap huminga.
Ano bang mali? Tch, akala ko pa naman okay na kami yon pala hindi. Umasa ako na babalik kami sa dati. Na gagawin ulit namin yong mga ginagawa namin dati. Umasa ako na okay na kami, na ngayon masaya na kami. Pero nagkamali pala ako, lahat pala yon exoectations ko lang.
Dapat pala hindi nalang muna ako umasa para hindi gsnito kasakit. Sa tagal na naming magkaibigan ngayon niya pa naisip na lumayo sakin. Ngayon pang malalaki na kami.
Ano bang mali sakin? Bakit sawa na siya sakin? Sa ugali ko ba? Kung may mali naman dapat sabihin niya nalang sakin hindi yong ganito. Ang hirap kasing tanggapin, eh.
Pwede ko naman baguhin yong ugali ko para sakanya, kung ayaw niya ng ugali ko. Lagi nalang bang option anf iwan ka pag sawa na? Hindi naman agad agad ganon diba? Pwede namang ayusin.
Ito na ba talaga 'to? Iiwan na ako ng bestfriend ko? Ano pa bang magagawa ko, eh sawa na nga daw siya sakin. Ang hirap naman kung ipag pipilitan ko yong sarili ko sakanya. Alam kong hindi siya sinungaling, siguro nga talagang over na.
Ayoko talaga ng may umaalis, nasasaktan lang ako. Kaso wala naman na akong magagawa, eh. Hindi ko na siya mapipigilan, ayaw na din naman niyang sumunod sakin.
Parang who you nalang ako sakanya, kung tumingin siya sakin kanina parang wala kaming pinagsamahan. Eh, buong taon na nabubuhay siya sa mundong 'to magkasama kami. Tapos mapuputol lang yon ng isang araw? Ganon lang pala kadali sakanya na itigil yong friendship namin. Wow, parang hindi ako mahalaga sakanya, eh.
Bumili nalang ako ng dalawang malaking ice cream na cookies and cream. Ito lang kasi yong nag papaamo sakin minsan bukod kay Nathan. Ito din yong flavor na paboritong paborito namin, kahit na pag magm-movie marathon kami. Hanggang makadating ako sa Shinyu kinakain ko pa din yong ice cream.
Namimiss ko na agad si Nathan, yong pang aasar niya sakin, pagiging concern niya tsaka yong pagsayaw at yong boses niya na masarap sa tenga. Lahat ng meron siya namimiss ko na. Sana bumalik nalang si Nathan, sana wag na siyang tumuloy don.
"Nathan!" Napatingin agad ako sa dalawang bata na nag hahabulan.
"Bahala ka dyan! Hindi ko ibibigay 'tong rabbit ko!" Takbo pa din sila ng takbo.
Naalala ko tuloy nung maliliit palang kami ni Nathan. Lagi ko siyang hinahabol kasi ayaw niyang ipahiram sakin yong mga laruan niya. Pag nawawala kasi yong akin, sakanya yong lalaruin ko. Kung ano kasing meron akong laruan, pinapabili niya din kaya lagi kaming pareho. Pag nahuhuli niya 'kong nilalaro yon, kukunin niya yon tapos magpapahabol sakin hanggang sa umiyak na 'ko. Gustong gusto niya 'kong umiiyak nung bata pa kami kasi ang ingay ko daw tsaka namumula daw yong mataba kong pisnge. Pag umiyak na ako tsaka niya ipapahiram sakin yong laruan niya.
Hindi ko nanaman napigilan umiyak. Nakakamiss na talaga si Nathan. Yong Nathan na bestfriend ko. Kahit anong punas ko tulo pa din ng tulo yong luha ko. Hindi naman ganon kadali para sakin na i-let go yong friendship namin. Sobrang malapit na sakin si Nathan, hindi ko kayang mawala siya.
Sabay ng pagtulo ng luha ko ang pagbuhos ng malakas na ulan. Hinayaan ko nalang na nandito ako na nababasa. Ang sarap pala sa pakiramdam na umiiyak ka tapos umuulan, medyo nakakagaan ng pakiramdam.
Tumingin nalang ako sa kalsada na pinag tutuluan ng ulan. Ang gandang tignan, ang sarap sa pakiramdam. Parang pinoprotektahan ako ng ulan sa mga sakit na nararamdaman ko ngayon.
Basang basa na 'ko na pati damit ko tumutulo na. Wala akong pake kung may makakita man sakin dito, kailangan konf ilabas yong nararamdaman ko.
Sisigaw na sana ako pero may biglang humila ng braso ko.
-------------------
Vote and Comments are really appreciated, thank you. Enjoy reading, lovelots!
BINABASA MO ANG
Lost stars
Fiksi RemajaAkala niya nagmahal siya sa maling tao. Pero, yung tadhana lang talaga yung mali sadyang hindi niya lang inisip na mapaglalaruan sila. Masyado siyang nagseryoso sa isang bagay na walang kasiguraduhan na tatagal. When Darren Lim love the girl.
