[Megan's POV]
Nagising ako na nakahiga sa Sofa. Gabi na pala, tinignan ko yung kamay ko. Wala ng dugong lumalabas tsaka nalinis na din. Umupo ako sa Sofa, nanghihina pa din ako ngayon para bang lahat ng dugo ko lumabas. Pumunta ako sa kusina at naabutan ko si manang na naglilinis wala na dun yung mga bubog, napansin agad ako ni manang kaya tumigil siya sa paglilinis.
"Iha, kamusta na yung pakiramdam mo?" Alalang alala sakin si manang. Parang nanay na din yung turing ko kay manang simula pa dati.
"Ayos na po ako manang, wag na po kayong mag-alala." Nag sinungaling ako, ayoko lang naman mag alala si manang sakin. "Ah, manang si Nathan po?" Nahalata ata ni manang na ayaw kong pag usapan yung tungkol sakin.
"Pinauwi ko na iha gabi na din kasi, delikadong umuwi pag gabing gabi." Sambit niya. Tama nga naman si manang. Naalala ko yung Bowl na nabasag. Alam kong pwede pang bumili ng ganun pero napaka-importante sakin ng bowl na yun. Unang regalo na natanggap ko bilang isang baker, at galing pa yun sa bestfriend ko na si Nathan. "Iha?"
"P-po?" Masyado akong nawala sa sarili dahil sa bowl, ano na lang kayang sasabihin ni Nathan dahil dun? Ang lampa ko naman kasi, kung nagpatulong sana ako hindi mababasag yun. "May sinasabi po ba kayo manang?"
"Tinatanong ko lang iha, kung nagugutom ka ba?" Tumango-tango ako. "Ano bang gusto mong kainin?" Wala akong gusto ngayon na lutong bahay.
"Ah, manang sa labas nalang po ako kakain." Sambit ko. Pumunta ako sa Living area at kinuha yung bag ko. "Manang! May ipapabili po ba kayo?"
"Wala naman iha. Mag-iingat ka ha. Wag magpapagabi."
Nag 'okay sign' ako kay manang at pinaandar yung kotse. Pumunta ako sa isang convenience store, hindi kalayuan sa Plaza. Bumili lang ako ng isang pepero at isang Moo. Kinain ko yun sa Plaza, sa totoo lang wala talaga akong gana kaya hindi ako kumain sa bahay. Gusto ko lang makapag-isip ngayon, sa kahit anong bagay. Habang naglalakad ako sa Plaza, nakarinig nanaman ako ng tilian ng mga babae naalala ko tuloy yung lalaking naka-eye contact ko last night. Sino kaya yung lalaking yun? Tao ba yun, multo, alien o ano? Bigla nalang kasi akong kinilabutan nung nagka-eye contact kami, 'di kaya aswang yun? Grabe, kung anu-ano naman yung iniisip ko tungkol dun. Mabait naman siguro siya, siguro lang.
Umupo ako sa isang bench, kinuha ko yung phone sa bag ko at kinuhanan yung mga Christmas decoration na nandito sa Plaza. May katabi akong lalaking naka-coat, cap, glass, at face mask. Hindi ba 'to naiinitan? Balot na balot eh, suman lang? Psh. Tao naman siya hindi naman suman pero kung makapagbalot eh. Hindi ko nalang siya pinansin, kumuha pa ko ng madaming picture pero napatigil ako ng may pabango akong naamoy. Ang bango sobra nakaka-adik. Sa lalaking katabi ko siguro yun, ang bango talaga.
Biglang nag vibrate yung phone ko, tumatawag si Tito Arthur. "Hello Tito!" Bungad ko.
"Hi iha." Sambit niya sa kabilang linya.
"Bakit nga po pala kayo napatawag?" Tanong ko. Ang alam ko tulog na si Tito ng ganitong oras dahil bawal siyang magpuyat.
"Sasabihin ko lang sana sayo yung meeting place natin bukas."
"Para saan po yun Tito?" Wala naman akong natatandaan na may pupuntahan akong meeting bukas.
"Para sa Lim Family iha, nakalimutan mo na pala." Narinig kong tumawa si Tito sa kabilang linya. "Sa Restaurant nalang tayo magkita-kita iha."
"Nako Tito, hindi po ha! May reminder pa nga po ako na may meeting tayo sa Lim Family bukas at sa Restaurant yung pagkikitaan." Tumawa ako kahit pilit. "Wala na po ba Tito? Matulog na po kayo, bawal po kayong magpuyat."
BINABASA MO ANG
Lost stars
Teen FictionAkala niya nagmahal siya sa maling tao. Pero, yung tadhana lang talaga yung mali sadyang hindi niya lang inisip na mapaglalaruan sila. Masyado siyang nagseryoso sa isang bagay na walang kasiguraduhan na tatagal. When Darren Lim love the girl.