[Megan's POV]
"Hindi siya bagay sayo."
Aray ko naman talaga. Hindi pa nga ako nagiging girlfriend ni Darren ayun agad yong maririnig ko sa kapatid niya? Sabi ko na nga ba amli 'tong pagsama ko. Nakakatawa diba? Hahaha.
"Bagay siya para sakin." Ngumiti siya sakin na parsng ngiti ng kuya niya.
Gusto din pala ako ng batang 'to para sakanya. Hahaha. Pareho talaga sila ng kuya niya.
Natawa nalang ako sa dahilan niya, ito namang si Darren namumula ka sa inis sa kapatid.
"Aish, akin na siya Dean!" Tulak ng tulak si Darren sa kapatid niya, childish din talaga 'tong lalaking 'to. Papunta kami ngayon sa favorite Restaurant ng lolo ni Darren, nag aya kasi. Saktong nagpa-reserve na si Dorries don.
"Ah! Hindi ka naman boyfriend ni Ate Megan!" Nagkaka gulo talaga sila.
"Hindi ko pa siya girlfriend pero akin na siya!" Namumula na ng sobra si Darren sa inis. May pinsglalaban talaga 'tong lalaking 'to. Pati kapatid na mas bata sakanya, pinapatulan aish. Ang sama ng tingin nila sa isa't isa na parang kahit anong oras mag aaway ng parang tigre.
Nung nakita na namin yong table ni Dorries, umupo na agad ako sa tabi niya. Uupo sana sa tabi ko si Dean pero inunahan siya nung kuya niya.
"Ginugulo ka ba ng dalawang yan ate Megan? Hahaha." Sambit ni Dorries. "Mahihirapan ka dyan." Jusko, ngayon pa nga lang.
"Sanay naman na 'ko sa kuya mo." Lagi naman siyang ganyan sa tuwing may aagaw sakanya ng atensyon ko, para talaga siyang bata.
"Mabaot kaya ako sayo, Megan." Mabait ka lang naman pag tulog ka. Hahaha.
"Tignan mo, pinagtitiisan ka lang ni ate Megan." Sambit ni Dean. Namumula na ng sobra si Darren. Umupo bigla si Dean sa inuupuan ni Dorries kaya nakagitna na ako sa kanilang dalawa. "Hi Ate Megan!"
"Ah! Megan is mine!" Tinutulak nanaman ni Darren si Dean palayo sakin. Nagtinginan nanaman sila ng masama na anytime mag sasapakan na sila.
"She's mine!" Sigaw ni Dean.
"Boys! Tumigil na kayo." Saway ng lolo nila.
"Ate Mdgan, eat this.".Nilagyan ni Dean ng steak yong plato ko pero inalis naman ni Darren.
"Ito kainin mo, Megan." Nilagyan naman ni Darren ng tempura yong plato ko. Ano ba 'to? Aish, pakainin niyo muna ako, pwede?
"Kuya bakit mo ginawa yon?" Nakatingin nanaman sila sa isa't isa ng masama.
"Akin siya, wag kang mangealam!" Nagtitinginan na yong mga tao samin dahil sa gulo ng dalawang 'to. Nako naman!
"Tignan mo Ate Megan, si kuya Darren badboy. Gusto mo ba boyfriend mo ganyan? Hahaha. Tignan mo ako, mabait na tsaka gwapo na." Sambit ni Dean.
BINABASA MO ANG
Lost stars
Teen FictionAkala niya nagmahal siya sa maling tao. Pero, yung tadhana lang talaga yung mali sadyang hindi niya lang inisip na mapaglalaruan sila. Masyado siyang nagseryoso sa isang bagay na walang kasiguraduhan na tatagal. When Darren Lim love the girl.