Chapter 42: Surprise

13 1 2
                                    

[Megan's POV]

Pagka-tapos ng gabing umamin sakin si Kevin, naging masaya lang kami at in-enjoy yong mga araw namin don sa Singapore. Masaya kasi lahat ng ginawa namin magkasama kami tapos walang paepal at wala kaming problema na iniisip.

Umuwi na kami dito sa Pilipinas kahapon at ngayon naman pinag-aayos ako ni Mr. Punsalan dahil may mahalaga daw kaming dadaluhan na Event. Sobrang wala akong alam sa mga gagawin ngayon pero sumunod nalang ako.

Sinuot ko yong pinadala ng Shinyu na Light Pink na Dress at Coat, may mini bag din dito na kakulay ng damit ko. Medyo komportable naman ako kahit na dress 'tong suot ko, may coat naman din kasi. Sinuot ko din yong may pagka-taas na shoes na pinadala din ng Shinyu.

Biglang may kumatok sa pinto ko. "Iha, nandyan na ang gwapo mong partner." Sambit ni manang.

"Andyan na po manang." Binuksan ko yong pintovat bumungad sakin si manang. "Hello manang." Bati ko. "Ahm, tingin niyo po ba mukha akong matino sa suot ko?"

"Hay nako, oo naman iha. Napaka-ganda mo sa suot mo," Sagot ni manang. "Basta tandaan mo lagi yong mga sinabi ng mama mo, wag kang bibigay sa kanila."

"Opo manang, lagi ko pong tinatandaan yan." Sambit. "Sige po manang, una na po ako sa baba ha. Baka po kasi mainip si Mr. Escort."

Bumaba agad ako at dumeretso sa labas. Bumungad sakin si Kevin na gwapong gwapo sa porma niya ngayon.

Tumingin agad siya sakin at ngumiti

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tumingin agad siya sakin at ngumiti. "Bagay na bagay sayo yong damit Megan.' Bungad niya. May inabot siya sakin na bulaklak kaya tinanggap ko nalang din.

"Ah, para saan 'to?"

"Para sa magandang tulad mo." Sambit niya. "Hmm, tara Ms. Princess?" Pinag buksan niya 'ko ng pinto at kinabitan ng seatbelt.
"Thank you, Mr. Prince.'

Nag drive agad siya papunta sa isang lugar, hindi ko 'to alam kung anong lugar 'to pero malapit lang 'to sa Shinyu. Mabilis lang yong byahe namin dahil gabi na din naman kaya walang traffic. Pinag buksan agad ako ni Kevin ng pinto at inalalayan akong bumaba. Kaya ko naman mag-isa pero mapilit siya kaya hindi ko nalang din tinanggihan.

"Pwede ko bang takpan yong mata mo, para mas masaya?" Tanong niya. Mukhang nahihiya pa siya, ang cute cute niya tuloy. "Okay lang kung hindi, lalagyan nalang kita ng scarf sa mata." Sambit niya.

"Hindi, okay lang Kevin." Alalay niyang tinakpan yong mata ko at hinawakan yong kanang kamay ko. Napapangiti nalang ako sa pag aalala niya sakin, hindi talaga mawawala yong pagka-sweet niya. "Ano ba talagang meron?"

"Basta Megan, magtiwala ka lang sakin. Hindi naman kita ipapahamak, eh." Sagot niya. "Ito na, teka, malapit na tayo."

Naglakad nalang kami ng ilan at tinanggal niya na yong kamay niys. Tinignan ko yong paligid at halos lahat sila nandito. Si mama at papa, Shanna, Mr. Punsalan, mga staff ng Shinyu, pati na din si Darren at Nathan. May mga tao din na mukhang bisita ng Shinyu. Nakakapag taka na andito din sila, parang ako lang tuloy yong walang alam sa nangyayari. Hays, malapit na kong magtampo. Hahaha.

"Ahm, anong meron ngayon dito?" Paninira ko ng pagkaka-walang alam ko sa mga alam nila. "Bakit parang ang lalaki ng ngiti niyo?"

"Tumingin ka sa taas, makikita mo yong dapat mong makita." Sagot ni Mr. Punsalan na nakangiti.

Tinignan ko yon at isang billboard na may takip na puti. Ang weird, anong meron don at kailangan ganito pa ang suotin ko? Ako nga lang talaga siguro ang walang alam sa mga nangyayari. Nag bilang sila bigla ng 1 to 3 at may hinila si Mr. Punsalan na tali at nalaglag sa harapan ko yong puting takip ng billvoard kaya napapikit ako sa akalang matatakpan ako non pero sa sahig lang dumeretso.

"Surprise Megan!" Sigaw nilang lahat sabay nag-palakpakan.

Tinignan ko ulit yong billboard at halos lumuwa yong kaluluwa ko sa nakita ko.

Mukha ko nasa billboard?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mukha ko nasa billboard?

"A-ano 'to?" Tanong ko. "Bakit nandyan mukha ko?"

"Presentation para sa pag balik mo dito at bilang pinaka-magandang babae at pinaka-sexy sa buong bansa." Sagot ni Mr. Punsalan. "Congratulations Megan." Nakipag shake hands siya sakin at pati yong mga staff ng Shinyu.

"Kailangan pa ba ng ganito? Nako, nakakahiya po kaya, ang laki laki pa po ng billboard." Sambit ko. "Hindi po ba pwedeng iba nalang na babae ilagay dyan?"

"Ikaw ang napiling pinaka-magandang babae para malagay sa billboard na yan Megan. Proud kaming mga Shinyu Family sayo, Megan."

Nginitian ko nalang sila.

Nilapitan agad ako nila mama at papa pati na din si Shanna. "Proud na proud ako sayo, baby girl." Sambit ni mama at niyakap niya ko. "Kitang kita naman natin kung kanino nag mana, sa akin." Natawa nalang kaming pareho.

"Tignan mo yong mata, nakuha sakin. Ako yong kamukha niya." Sambit ni papa. Hays, nagtatalo pa talaga sila ni mama dahil don. "I'm proud of you, Megan."

"Thank you, ma. Thank you, pa." Niyakap nila ako pareho.

Hinila agad ako ni Shanna sa isang gilid. "Nako ate, si Shanna ay proud na proud sayo! Hays, napaka-ganda kasi ng ate ko, eh. Nako nako. Hahaha. Congratulation Ate!" Hinalikan niya 'ko sa pisnge at niyakap. "Nako talaga, ang taray ng ate ko, pi aka-maganda na ngayon." Sambit niya. "Proud din ako sayo ate Megan."

"Hays, nambobola ka pa. Pareho lang naman tayong maganda, eh." Sagot ko. Natawa nalang din siya.

Maganda din naman yong kapatid ko tsaka sexy pa. Manang manang din siya kay mama kaya pareho kaming maganda. Hahaha.

"Sige na ate, una na kami ha. Kita nalang tayo mamaya." Hinalikan niya ulit ako sa pisnge. "See you ate."

"Ahm, ah sige Shanna. Ingat kayo."

Lumapit agad sakin si Kevin. "Megan, tara na? Dumadami na din yong mga reporters, eh. Baka maguluhan ka pa sakanila." Napangiti naman ako sa concerned niya. "Tara na." Aya niya at inakbayan ako sa kaliwang balikat ko.

Bumalik kami sa kotse at umalis na don. Tingin ko, hindi pa naman kami uuwi pero hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hindi naman din ako nagtanong kasi baka maistorbo ko pa si Kevin sa pagd-drive.

Tumingin nalang ako sa bintana para hindi ako mainip.

Mahaba haba din yong byahe pero nakadating naman kami ng ligtas sa dapat naming puntahan.

Hindi ko alam kung anong lugar 'to pero napaka-ganda dito at napaka-aliwalas. Nakakagaan ng loob tsaka malinis.

-------------------
Vote and comments are really appreciated, thank you! Enjoy reading babies! Loveyah all.

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon