[Megan's POV]
3days na simula ng lumabas ako sa Hospital at ng malaman ko na si Kevin pala yong tinatawag kong Prince Charming. Lumabas na agad ako dahil may padating na press, ayoko naman ng ma-issue yong nangyari samin ni Darren. Ayoko na din pag-usapan. May pumupunta punta pa din dito sa bahay para lang mabalita nila pero ayoko lang talagang magpa-interview.
Nandito kami ngayon ni Shanna sa kusina para sa bine-bake namin, ang tagal na din kasi namin 'tong hindi ginagawa dahil nagtagal siya sa pag-aaral sa ibang bansa. Na-miss ko din 'tong gawin kasama siya. Chocolate cake nanaman, as always. Paborito naming magkapatid, eh. Hahaha.
"Oh ate, okay na 'to oh." Saad niya. "Tara na para makakain na tayo. Haha. Gutom na gutom na 'ko kanina pa." Dinala na agad niya yong cake sa dining area kaya sumunod din ako. "Eto na ang pang-malakasang cake namin ni ate!" Nagtawanan naman agad sila mama at papa. "Hmm, sarap kumain."
"Nako, tara na nga kumain na tayo." Aya ko. "Hmm, lolobo nanaman yong tyan ko nito. Hahaha. Sarap sarap." Kumain na agad ako ng kumain, sobrang sarap ng luto ni manang. "Hmm..."
"Oh baby girl, dahan-dahan naman. Baka mabulunan ka." Natawa naman agad si papa. "Hindi ka naman maagawan. Haha." Sambit ni papa. "Parehong pareho kayo ni Shanna."
"Eh kasi naman papa, ang sarap naman po kasi talagang kumain." Sagot ko.
"Ahm baby girl, yong tungkol sa mga taong dumukot sa inyo ni Darren. Magf-file tayo ng kaso bukas." Sinamid agad ako kaya inabutan ako ni mama ng tubig. "Wrong timing pala si mama. Haha."
"Ma, wag na po. Siguro naman po titigil na sila, wala naman po silang mapapala sakin, eh. Tsaka mama, mahibirapan lang po tayo at ayoko ng mas lumaki pa yon. Okay naman na po ako," Nginitian ko si mama para hindi na siya mag-alala pa. "Siguro po magpapa-kuha nalang ako ng guard kahit isa o dalawa." Sambit ko. "Kaya ko din naman pong ipagtanggol ang sarili ko kahit papaano."
"Nako si ate, nagyayabang." Singit ni Shanna.
"Wag ka nga. Hahaha." Saad ko.
Napabugtong hininga nalang si mama kaya nginitian ko nalang sila. "Okay, maghahanap na agad ang papa mo ng mahusay na guard para sayo, para sa inyo ni Shanna." Sambit ni mama. "Hindi na namin hahayaan na mapahamak kayo ng sobra, mahal namin kayo ng papa niyo."
"Hala mama! Bakit pati po ako hahanapan niyo ng guard? Ligtas naman po ako." Sagot ni Shanna. "Nako si mama, nagd-drama nanaman po kayo, mahal din po namin kayo ni ate."
"Hindi natin masasabi kung dadating ba o hindi ang isang pahamak ng tao, mas mabuti ng handa baby girls." Sambit ni papa.
"Salamat ma, pa." Nginitian ko sila. "Mahal na mahal ko po kayo." Sambit ko.
"Oh tama na po ysn, kumain na po ulit tayo. Hehe. Baka may mangyari pa pong iyakan, eh." Nagtawanannaman kaming lahat. "Oh, kainan na ulit." Sambit niya.
Kumain nalang kami ng kumain. Nagkwentuhan din kami, tungkol sa business ng family, sa buhay ni Shanna sa ibang bansa at sa career ko ngayon. Halo halo na, random stories. Pati pa yong tungkol samin ngayon ni Kevin pinag usapan na namin. Nakakailang man pag-usapan dahil wala namang kami ni Kevin at mag kaibigan lang kami pero gusto ng parents ko kaya hindi ko talaga matanggihan.
Halo halo din yong nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung masaya ba talaga, kung nakakailang o masakit dahil sa nangyari sakin nung party. Basta ang alam ko, kuntetnto na ako ngayon sa kung anong nangyayari lalo na kasama ko yong family ko. Ngayon nalang kami nagsama ng ganito dahil sa sobrang busy namin.
Masasabi ko lang na, isa 'to sa mga masasayang araw sa buhay ko. Sobrang na-miss ko sila, talagang sobra pa sa sobra.
Naiwan nalang kaming dalawa dito ni Shanna dahil may biglaang meeting daw sila mama at papa, naiintindihan naman namin yon kaya ayos lang samin. Tapos na din kaming kumain at nandito nalang kami ngayon sa music room namin.
BINABASA MO ANG
Lost stars
Novela JuvenilAkala niya nagmahal siya sa maling tao. Pero, yung tadhana lang talaga yung mali sadyang hindi niya lang inisip na mapaglalaruan sila. Masyado siyang nagseryoso sa isang bagay na walang kasiguraduhan na tatagal. When Darren Lim love the girl.