[Megan's POV]
"Zach, Nathan, miss ko na kayo." Nakatingin lang sakin yong dalawa. "Gala tayo, ahm bonding ganon?" Aya ko.
"Uh, sige. Saan ba tayo?" Tanong ni Nathan.
"EK tayo?" Suggest ni Zach. "Gusto kong pumunta don, eh."
"EK? Ikaw Megan?" Tanong ni Nathan. "Gusto mo ba don?"
"Sige ba, after lunch nalang tayo pumunta para masaya." Tumango lang sila. "Maghanda din tayo ng extra na damit kayo pa naman ang mapawisin." Natawa ako ng bahagya. "So, Zach, kamusta naman mga araw mo dito sa pilipinas? Ayos naman?"
"Ah, oo, ayos naman. Masaya kasi nandito kayong dalawa tsaka mga malalapit sakin." Sagot niya.
"Iiyak na ba kami? Haha." Saad ko. "Joke lang! Buti naman ayos ka lang dito baka kaso nam-miss mo yong mga Chicks mo sa America." Biglang kumunot yong noo niya. "Joke again!"
"Bakit ba ang hilig mong iasar sakin yong mga babaeng liberated na yon? Crush mo ba sila?"
"Xrush niya nga yon Zach, hindi lang umaamin satinnsi Mwgan dahil nahihiya siya." Sagot ni Nathan.
"Aba! Oy hindi ah! Babae po ako duh, hindi kami talo. Mas maganda kaya ako sakanila." Sambit ko. Natawa lang yong dalawa. "Maganda po ako, bow."
"Nainom mo na ba yong gamot mo?" Sabay nilang tanong.
"Eh? Haha hindi pa nga eh." Pag-sasabay ko sa trip nila. "Ay teka lang, may kukunin lang ako sa kotse."
Tumango lang sila tapos lumabas na ko. Kinuha ko yong Charger ko dahil mal-low battery na yong phone ko. Bago ako makadating sa entrance ng Restaurant may humintong kotse sa harap ko na napakabilis. Bigla niyang binaba yong salamin.
"Sakay." Utos niya.
"Ayoko nga! Bakit ako sasama sayo? May schedule ba 'ko sayo?" Tanong ko. "Tsaka, bawal ako ngayon. May pupuntahan ako."
"Sasamahan na kitang bumili ng mga kailangan mo sa cake ni Dorries." Sambit ni Darren.
"Ayoko, magpapasama nalang ako kay Nathan. Hindi pa tayo close so shut up." Biglang lumabas si Nathan at Zach.
"Anong meron dito, Blue?" Seryosong tanong ni Nathan. "May problema ka ba Darren?"
"Sino yan, pipay?" Tanong ni Zach.
"Ah, wala. Tara na sa loob."
"Paano yong cake ni Dorries? Megan?" Tanong ni Darren.
"Matagal pa yon kaya may mahaba pang time. May schedule ako kung kailan ko gagawin yon at may kotse ako na pwedeng gamitin. Hindi mo na kailangan na samahan pa 'ko. "
"Yeah, Megan is right." Singit ni Nathan. "Hindi mo na siya kailangan samahan."
Biglang lumabas si Ninong at tumingin kay Darren. "Oh, bakit ka nandito?" Tanong ni Ninong. "May kaialngan ka ba?"
"Yes Mr. Wang, gusto ko lang pong samahan si Megan sa pagbili ng kailangan sa Cake ni Dorries. And, gusto ko po sana siya yong mag-asikaso ng Birthday Party ni Dorries, if it's okay Mr. Wang."
Tumingin muna sakin si Mr. Wang at ngumiti. "Is it okay for you Megan?"
Hindi muna ako nagsalita. Iniisip ko na pag hindi ako pumayag, pwedeng ma-cancel yong borthday party ni Dorries sa Restaurant kaya pwedeng magalit sakin non si Ninong. Pag sumama naman ako, hindi kami matutuloy nila Zach at Nathan. Nag-aalala lang ako baka magtampo sila sakin.
Tinignan ko yong dalawa tapos ngumiti lang sila at tumango.
Alam ko na pipiliin ko.
"Okay tito, kukunin ko lang po yong gamit ko sa kotse." Kinuha ko yong bag ko tapos hinagis kay Zach yong susi. "Zach, ikaw ng bahala sa baby ko ah. Ikaw nalang mag uwi kung okay lang sayo." Sambit ko. "Pag natapos 'to ng maaga, tutuloy tayo ah? Sorry sa inyo."
BINABASA MO ANG
Lost stars
Roman pour AdolescentsAkala niya nagmahal siya sa maling tao. Pero, yung tadhana lang talaga yung mali sadyang hindi niya lang inisip na mapaglalaruan sila. Masyado siyang nagseryoso sa isang bagay na walang kasiguraduhan na tatagal. When Darren Lim love the girl.