Chapter 55: Deal

18 1 0
                                    

[Xien's POV]

Miss ko na yong dalawa, hays. Ako lang tuloy nandito ngayon sa bar, lonely nanaman. Busy kasi sa mga love life nila, hindi na nila ako napapansin. Sige lang, ganon naman sila eh.

"Hi miss." Rinig ko sa likudan ko. Tch, mga lalaki talaga dito malalandi. Hindi ko lang siya kinibo. "Ay snob." Pumunta siya sa harapan ko, tinignan ko kung sino at halos maluwa na yong mata niya. "I-ikaw yong kaibigan ni Megan diba?"

"Who you?" Tanong ko.

"Ay. Hahaha. Suplada."

"Oh, ano naman sayo?" Nag pout lang siya. Tch, pabebe.

"Xien Ramos, right?" Tanong niya. "Ang ganda mo pala pag malapitan."

"Oh tapos?" Bigla siyang ngumisi.

"Ang suplada mo naman. Hahaha. Gusto ko lang naman makipag kilala." Sagot niya. Tch, kilala? Haha, sorry pero kilala na kita Kevin. "Bakit nag iisa ka lang?"

"Wala ka ng pake don." Inirapan ko nalang siya. Paalis na sana ako kasi nahihilo na 'ko sa nainom ko kaso hinila niya ako sa braso. "What do you want?! Ha?!"

Hinila niya ko bigla at hinalikan sa labi.

Ohmygosh. Wah! First kiss ko nakuha ng isang lalaking 'to?! Wah! Ayoko na! Lupa kainin mo na ako! Halos maluwa yong mata ko sa gulat, halos nawala na din yong sakit ng ulo ko. Nakakainis! Kinuha niya, huhu. Para sa papakasalan ko yon, eh! Pero kinuha niya.

Tinulak ko siya, ngumiti agad siya sakin. "Ang lambot ng lips ko miss diba?" Ngumisi pa siya sakin.

Sinampal ko siya bigla ng malakas, kita ko sa mukha niya na nagulat siya pero nginisian ko nalang din siya. "Wag ako, brad. Kung tingin mo bibigay ako sa halik mo? Tch, nagkaka mali ka haha." Nilapitan ko siya at tinuhod bigla sa tyan, ngumisi lang ako.

"Argh! Ang sakit."

"Hahaha. Bagay lang sayo yan, kapalit sa pag nakaw mo ng first kiss ko! Tse!"

Umalis na agad ako sa loob dahil nagtitinginan na yong mga tao, baka pag tulungan din ako ng ibang babae don kasi gwapo din naman si Kevin.

Naglakad ako papuntang kotse ko. Malayo layo kasi dito yong pinag paradahan ko kaya ang haba pa ng nilakad ko, hays. Nahihilo nanaman ako, ang sakit ng ulo ko. Para akong hinahampas ng kahoy.

Binuksan ko na yong pinto ng kotse ko pero may biglang pumigil sakin. Hinila niya 'ko paharap sakanya, hindi ko na masyadong maaninag yong mukha niya dahil nanlalabo na yong paningin ko pero mukhang matino naman siya.

"Bakit kuya?" Tanong ko.

"Tch, lasing kana. Ako na mag-uuwi sayo."

Ayun na ang huling salita na narinig ko dahil nawalan na agad ako ng malay.

~~

Hmm. Ang bango ng kwarto ko, ang lamig lamig pa sobra. Aish, natatawag pa tuloy ako ng kama.

Minulat ko yong mata ko at kinukos. Hala teka! Hindi ko kwarto 'to ha? Nasaan ako? Bakit ako nandito? Jusko, baka nasa mga sindikato na ako. Lagot, wah tulong. Baka may gawin na silang masama sa akin bukas.

Inisip ko yong mga nangyari kagabi pero sumasakit yong ulo ko. Inaway ko si Kevin tapos dumiretso ako sa pinag psradahan ko ng kotse ko tapos, tapos.. Wah! May lalaking humila sa braso ko tapos nawalan na ako ng malay. Wah, siya ba nag dala sakin dito?!

"Oh, gising kana pala." Napatingin ako sa lalaki na lumabas sa banyo.

The fish?! Si Kevin?!

"Bakit ako nandito?! Anong ginawa mo sakin?!" Napstingin agad ako sa suot kong damit na hindi naman sakin. "Wah! Bastos! Hinubadan mo ko! Bastos!" Binato bato ko siya ng unan.

"Chill Xien, haha. Si manang nagpalit sayo tsaka wag ka maarte. Wala naman akong pagnanasaan sayo."

"Aba! Bastos ka talaga!" Sigaw ko, tumawa lang siya aba abnormal. "Ah sige, tutal mukhang nagsasabi ka naman ng totoo. Salamat na din pala sa pagpapatulog sakin dito tsaka sa damit na 'to. Babalik ko nalang pag nalabhan ko na." Sambit ko.

"Samahan mo na kami sa agahan, Xien."

Tatanggi pa ba ako? Eh, kumakanta na din naman 'tong dragon ko sa tyan. Hays, ngayon ko lang naman kakapalan yong mukha ko. Hindi ko naman kasi matatanggihan kazi pagkain yon.

Dumeretso agad kami sa pool area pag baba namin. Bakit kaya dito? Eh, kakain daw kami ah. Bumungad agad sakin yong maraming pagkain na nasa lamesa sa gilid ng pool. May nakita agad akong maganda babae.

"Good morning mom."

"Good morning po Mrs. Garcia." Bati ko.

"Tita Klea nalang." Nginitian niya ako, ganon din ako. "Anong pangalan mo miss? May maganda babes palang dala ang anak ko kagabi." Sambit niya. "Ang ganda ganda naman nito Kevin."

Ngumiti nalang ulit ako.

"Girlfriend ka ba ng anak ko?" Pareho kaming nasamid dahil sa sinabi ni Tita Klea. "Hmm. Mukhang oo nga."

"Mom! Hindi ko siya girlfriend." Sagot ni Kevin.

"Opo tita, hindi niya po ako girlfriend." Asa naman na maging boyfriend ko 'tong Kevin na 'to. Eh, ang yabang yabang! Aish, naiinis nanaman tuloy ako sa lalaki na 'to. "Ako po si Xien."

"Ang ganda naman ng pangalan mo, kasing ganda mo." Ngumiti nalang ulit ako. "Osige na, mauna na ako. Kevin ikaw ng bahala kay Xien ha, kumain ka lang iha." Sambit niya. "Nice meeting you, Xien."

"Ingat po kayo Tita Klea." Sambit ko.

Umalis na siya kaya naiwan nalang kaming dalawa ni Kevin dito. Nahihiya na tuloy akong kumain, hays. Nagmumukha na din kasi akong matakaw. Kahiya kaya.

"Ahm Kevin, mauna na ako. Salamat sa pagtulog tsaka sa pagkain." Sambit ko. Tumayo agad ako tapos dumeretso na agad sa labas. Hindi ko na hinintay yong sagot niya kasi wala naman akong pake don.

Naglakad nalang akong mag isa dito dahil hindi naman mainit tsaka wala akong makita na Taxi. Medyo masakit yong ulo ko, may konting hang over pa ako. Aish, hindi naman kasi talaga ako sanay uminom ng marami.

Bigla nanaman pumasok sa isip ko yong nangyari kagabi. Aish, nakakainis pa din! Kinuha na niya yong first kiss ko. Wah! Nakakainis! Akala mo kaman kung sinong gwapo, hmp! Sarap niyang lutuin. 

Osige, sabihin ko ng gwapo yong kumuha ng first kiss ko pero kasi para lang sa papakasalan ko talaga yon, eh! Hindi naman siya yon kaya big deal na agad sakin yon. Huhu, para kasi yon sa first love ko na papakasalan ko.

Bigla nalang may humila sa braso ko mula sa likod. Pag lingon ko, nainis nanaman ako.

"Ano nanaman bang problema mo?! Kagabi ka pa ha. Hila ka ng hila sa braso ko, pag ito nabali lagot ka sakin!" Sigaw ko. Ang sakit daw ba naman kasing manghila? Sino ba naman ang hindi maiinis don, tch. "Ano?!"

"Sa loob ng dalawang linggo, tayo lang ang magsasama. Magd-date tsaka kahit ano pa. Basta tayo lang dalawa ang pwede sa loob ng dalawang linggo." Sambit niya.

"Oh ano naman mapapala ko don? Mababalik ba yong first kiss ko?" Tanong ko.

Tumawa lang siya ng bahagya. "Sa loob ng dalawang linggong yon at hindi nagbago yong ugali mo sakin. Titigilan na kita." Sambit niya. "Ano, deal?"

Mukhang maayos naman yong gusto niya, dalawang linggo lang naman eh. Sige na, gora na this.

"Dalawang linggo lang ha?" Tumango siya tapos ngumiti. "Osige, deal."

"Yun! Hahaha." Tuwang tuwa siya na parang bata, tch. "Usapan yan ha. Bukas tayo magsisimula."

"Okay, sige." Sagot ko.

"Partner kita sa Engagement party nila Darren." Sambit niya.

"Tuloy ba yon? Eh, sige." Sagot ko. Biglang dumating si manong Julius. "Hala lagot. Hahaha. Sige na, mauna na ako. Sigurado akong hinahanap na ako sa bahay."

Sumakay agad ako sa kotse pero bago ko masarado sumigaw siya.

"Ingat ka Miss Xien Ramos!"
---------------------------
Vote and comments are really appreciated, thank you! Enjoy reading, loveyah all.

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon