[Megan's POV]
Bumungad sakin ang mga pagkain sa lamesa, puro paborito ko yung nakahain. Alam na alam na talaga ni manang yung mga gusto ko. "Goodmorning manang!" Ang sigla ko ngayon eh hindi naman ako nakainom ng Moo. "Parang gusto niyo kong tumaba manang ha."
"Good morning din iha." Sambit ni manang. "Ikaw talaga oh, ang hilig mong magbiro. Alam ko naman na kulang pa sa'yo yan." Pag bibiro ni manang.
"Manang naman. Diet na ko ngayon." Umupo ako sa paborito kong upuan. "Manang sabay na po tayo mag breakfast."
"Osige iha, teka lang kukuhanan lang kita ng paborito mong inumin." Alam ko na yung tinutukoy ni manang. Pumunta siya sa Kusina para kumuha ng Moo. Ilang minute lang dumating na si manang. May dala siyang isang gram ng Moo. "Ito na ang paborito mo iha." Umupo si manang sa tabi ko. "Iha, kumain kana baka ma-late ka pa."
Sabay kaming kumain ni manang. Ang sasarap ng luto niya para bang hindi ka magsasawa. Naka-dalawang plato nako at nakalahati ko na din yung Moo. Pakiramdam ko sasabog na yung tyan ko. Sobrang sarap ng luto ni manang.
"Iha, kamusta naman sa trabaho?" Tanong ni manang.
"Ayos lang po manang. Busy po pero hindi naman ako napapagod ng sobra." Sambit ko. "Tinutulungan naman po ako ni Nathan."
"Ang bait talaga ni pogi. Kaya botong boto ako sa batang iyon." Ang laki ng ngiti ni manang katulad kay Tito Arthur, hindi ko maintindihan.
"Manang ano ka ba? Bestfriend lang po kami ni Nathan." Depensa ko. Lagi nalang sinasabi yun ni manang.
"Ganun na din yun iha." Sambit niya. Hindi pa din nawawala yung ngiti ni manang hanggang ngayon. Bigla kong narinig na may nag doorbell. "Teka lang iha, titignan ko lang kung sino yun."
Pumunta sa labas si manang para tignan yung tao. Sino naman kaya yun? Ang aga aga andito sa bahay. Pinagpatuloy ko nalang yung pagkain ko para makapasok na ko sa Restaurant. Maya-maya dumating na din si manang.
"Manang sino po yung tao?"
"Si Pogi iha. Hinihintay kana sa labas ayaw pumasok eh." Sambit niya. Si Nathan lang pala. Sanay na sanay si manang na tawaging pogi si Nathan. Mas pogi ako dun eh.
"Manag, Nathan po hindi po Pogi." Sambit ko. "Sige manang una na po ako." Kinuha ko yung bag ko at lumabas. Bago pa ko Makita ni Nathan may naalala akong dalhin. Bumalik ulit ako sa loob at dumeretso sa kusina. Kumuha ako ng dalawang Moo. Lumabas ako at nakita ko si Nathan na nakatitig sakin. "Goodmorning dude!" Bati ko. "Aga mo ha."
"Hindi ka man lang nagpahatid sakin kagabi." Sambit niya. Nag pout pa siya sa harap ko. Bigla akong natawa sa itsura niya. "Anong nakakatawa ha?"
"Haha. Wala naman dude. Mukha ka lang kasing bata pag nagpa-pout." Mas nag pout siya sa sinabi. Mukhang bata talaga. "Tama na nga yang pout. Oh inom." Inabot ko sakanya yung isang Moo at sumakay sa kotse niya. Pumasok na din siya sa kotse, kinabit niya muna yung seatbelt ko bago yung sakanya. Naka-pout pa din siya habang nagda-drive. "Saan ka ba pumunta kahapon?"
"Uy, concern siya." Saktong nag stop light kaya tumingin siya sakin. "Miss mo ko no?" May pataas-taas pa siya ng kilay.
"Assuming ka talaga no." Tumawa ako ng napaka lakas nag pout nanaman tuloy siya. "Oo na namiss na kita, Oh yan happy na?" Sambit ko. "Oh san ka nga nagpunta?"
"Sa bar." Tipid niyang sagot. Tumingin na siya sa harap kasi nasa green light na. Ako naman yung nag pout. "Biro lang, pinapunta kasi ako ni Daddy sa Office."
Sinungaling 'to.
"Wag mo na nga akong lokohin. Alam ko namang nagsisinungaling ka lang eh. Kailan ka ba cinontact ni Tito na nasagot mo ha?" Sambit ko. Napabugtong hininga nalang siya.
BINABASA MO ANG
Lost stars
Teen FictionAkala niya nagmahal siya sa maling tao. Pero, yung tadhana lang talaga yung mali sadyang hindi niya lang inisip na mapaglalaruan sila. Masyado siyang nagseryoso sa isang bagay na walang kasiguraduhan na tatagal. When Darren Lim love the girl.