[Megan's POV]
Pagka-labas ko ng Hotel bumungad agad sakin si Kevin na pormang porma at nakasandal pa sa isang kotse. Sakanya ba yon? Hindi ko alam pero napangiti ako ng na-realized kong pareho pala kami ng suot na damit. Pag dating palang sa Shirt at Jeans pareho na isama pa namin ang Shoes. Nginitian niya agad ako, yong killer smile nanaman niya.
"Good morning, Gorgeous girl. Ready kana?" Tumango ako at nginitian siya. "How cute? Pareho pa tayo ng porma, mukha tuloy pinag-usapan natin yong susuotin. Hahaha." Sambit niya. Natawa nalangdin ako dahil sa kakyutan niya. "Tara na," Pinagbuksan niya ko ng pinto at nilagyan ng Seatbelt.
"If i know, ginagaya mo lang ako." Tumawa naman agad ako kaya natawa na din siya. "Seryoso, nakakagulat na pareho pa tayo ngayon. Hindi ko 'to expected at hindi ko din naisip na gagayahin mo 'ko. Hahaha." Sambit ko. "Okay na din, cute naman tayo eh."
"Hindi ka cute kasi maganda ka," Feeling ko namumula yong pisnge ko, umiwas ako ng tingin kahit hindi siya nakatingin sakin. "Kinikilig yan. Hahaha. Maliit na bagay yon Megan, obvious naman na napaka-ganda mo." Sambit niya.
"Nako, napaka-bolero nito. Hindi naman ako maganda, cute lang talaga ako. Sadyang ang lakas lang ng tama sa inyo kaya sinasabi niyo maganda ako kaya, wala na 'kong magagawa kasi cute lang talaga ako." Napatawa ko naman agad siya. "Oh, tatawa tawa ka dyan? Ikaw ha, ginagawa mo na kong clown." Natawa kaming pareho. "Mag drive kana lang muna dyan." Sambit ko.
Naalala ko bigla 'tong kotseng sinasakyan namin. "Teka lang Kevin, kanino 'tong kotse?"
"Ah, nakalimutan kong sabihin. Kakadating lang nito galing sa Pinas kaya ngayon lang natin nagamit, sorry hindi ko agad nasabi sayo." Sagot niya.
"Nako, napaka-liit na bagay lang yon. Hindi mo naman kailangang mag sorry, eh. Wala ka namang ginagawang masama no." Natawa nanaman siya. "Ikaw, tawa ka ng tawa ha. Nakakarami kana sakin, hala sige mag drive kana. Hahaha."
Nag drive siya papuntang Universal Studio. Pagdating namin don, bumili agad siya ng ticket namin na rides all you can kaya medyo na-excite ako. Pagpasok namin sa loob pumunta agad kami sa Transformer Rides, alam ko kasi maganda daw dito kasi 3D lahat mararamdaman mo.
Umupo kami ni Kevin sa unahan para damang dama namin, nag suot na din kami ng 3D glass. Medyo kinakabahan ako dahil hindi ko alam yong mga mangyari at magagawa ko, tapos ang lamig lamig pa dito hindi ako nakapag dala ng Jacket.
Napansin ata ni Kevin na kinakabahan ako kaya hinawakan niya ng mahigpit yong kamay ko, napatingin naman agad ako sa kamay naming magka-hawak at napangiti nalang.
Umandar na yong sinasakyan namin na style sasakyan kaya mas kinabahan ako, kung ano ano ng binubulong ko sa sarili ko. Napahawak ako ng mahigpit ni Kevin sa sobra kaba, parang siya hindi man lang natatakot at chill lang sa tabi ko pero ako parang masisiraan na ng katinuan.
"Wah! Nako po, gusto ko pang mabuhay! Ah!" Para talaga kaming pinag babalibag ng mga kalaban ni Transformer kaya grabe nalang yong kaba ko. "Nako, mama! Tulong, ayoko na!" Pinipisil pisil ko na yong kamay ni Kevin at tumutulo na din yong pawis ko sa sobrang takot. "Ay! May tubig, nabasa ako! Wah! Yong apoy!" Napapikit nalang ako dahil feeling ko tatama sa mukha ko yong apoy pero naramdaman ko siya sa legs. "Aray ko po, ang init!" Nagpapa-padyak na 'ko dito dahil sa takot. Ngayon, kinakaladkad yong sasakyan namin sa kalsada na puro may mga sira at may bigla nalang tatakbo saming kalaban. "Wah! Kevin!" Binalibag kami sa isang building at patagos na 'to sa kabilang building. Yong tuhod ko, jusko po, nanginginig na. "Wah! Hindi ko pinangarap tumalon sa building! Tulong, wah Kevin! Hindi ko gustong ma-fall. Wah!" Palaglag na kami ngayon sa napaka-taas na building at basag basag na salamin ang nakikita kong babagsakan namin. "Ayoko na! Hindi ko na kaya!" Napapikit nalang ako at naramdaman ko talagang nalaglag kmai. Maya-maya umandar na agad 'to at narinig ko yong boses ng isang Transformer kaya napa-dilat ako. Yong leader ng transformer, nakalimutan ko na yong pangalan pero ang laki niya para talagang kinakausap niya 'ko.
BINABASA MO ANG
Lost stars
JugendliteraturAkala niya nagmahal siya sa maling tao. Pero, yung tadhana lang talaga yung mali sadyang hindi niya lang inisip na mapaglalaruan sila. Masyado siyang nagseryoso sa isang bagay na walang kasiguraduhan na tatagal. When Darren Lim love the girl.