Chapter 14: Birthday

40 3 0
                                    

[Zach's POV]

"Anong lugar 'to?" Bungad niya sakin.

Hindi ko nalang siya sinagot, hinawakan ko yong kamay niya at ngumisi. Alam kong hindi niya expected 'to kaya mas hinawakan ko ng mahigpit yong kamay niya. Ang sarap hawakan, parang unan, ganun kalambot. Kaya mahal na mahal ko siya eh este yong kamay niya. Haha. Sobrang miss ko 'tong pipay na 'to eh, mas sobra pa sa sobra. Imagine, nag ingay pa yan sa Airport kakaiyak dahil paalis na 'ko non. Birthday ko nung araw na yon kaya isa yon sa mga naaalala ko tuwing dumadating yong araw na 'to, birthday ko.

"Hoy! Anong nginingiti ngiti mo jan ha? Mukha kang takas mental sa lagay mo ngayon." Ito nanaman kami, para siyang lola kung manermon eh. "Kanina pa kita kinakausap ha, sakit ng kamay ko dahil sa hawak mo. Grabe ka naman kasi, kung makahawak ka sa kamay ko para akong kriminal na ikukulong. Hindi naman halatang ayaw mo kong lumayo no? Psh." Sambit niya. "Pwede po bang pakiluwagan na hawak mo sa kamay ko po? Masakit na po kasi po yong kamay ko po."

"Sobrang galang naman ng pipay na 'to ah." Tinaarayan niya lang ako. "Tss, sungit mo nanaman. Ayoko lang na mawala ka sakin, natatakot ako." Biglang natahimik si Megan at hindi na umimik. alam ko na dahil yon sa sinabi ko, alam ko naman na sa ganun lang siya tatahimik. "Ay ewan, tara na nga! hinihintay na tayo don."

Bigla ko siyang hinila patakbo kaya napasabay din siya sakin. Ang sarap talaga sa feeling na kasama mo yong taong mahalaga sayo habang tumatakbo ng mabilis. Medyo mabilis lang kaming nakapunta sa Town House na binili ni Mom at Dad. Humiga agad si Megan sa sahig, hindi naman madumi dahil naka tiles yong sahig namin. Hingal na hingal siya kaya natawa nalang ako sakanya, para siyang bata na humahagulgol. Tumingin agad siya sakin ng masama kaya tumigil ako. Katakot talaga ng Megan na 'to. Pati din pala ako hihingalin, haha.

"Oh, anjan na pala kayo." Bungad ni Nathan.

"Ay wala wala, picture lang kami." Singit ni Megan. Nakahiga oa din siya hanggang ngayon sa sahig.

"Psh, sungit. Tara kain na tayo?"

Biglang tumayo si Megan at dali daling pumunta sa loob. Aish, basta sa pagkain nauuna si Megan. Napailing nalang kami ni Nathan at sinundan siya. Pagdating namin sa dining area kumakain na agad siya. Matakaw talaga. Umupo kaming oareho sa harap ni Megan, hindi ako makakain kasi ang cute titigan ni Megan habang kumakain. Para siyang batang malakas kumain pero hindi nataba.

"Bakit ang daming pagkain dito?" Hindi namin siya maintindihan ng maayos dahil mapupuno na yong bibig niya ng pagkain, jusko Megan. "Anong okasyon ngayon? Bakit hindi ako na-inform?"

Gusto ko man malungkot dahil sa mga tanong niya hindi ko magawa dahil sobrang cute niya talaga lalo na pag ngumunguya. Ang cute grabe, hahaha. Mamaya ko nalang sasabihin sakanya, baka kasi wala siyang regalo sakin. Mukha naman kasing wala talaga siyang alam kung anong meron sa araw na 'to. Tinignan nila ako na oara bang tinatanong nila sakin kung sasabihin ba nila o hindi kaya umiling ako at ngumiti. "Hindi ka kailangan ma-inform. Later malalaman mo din, kumain ka nalang pipay." Sambit ko.

Ang tagal namin bago matapos kumain dahil may kasama pang kwentuhan. Ewan ko ba, parang araw-araw nalang may iba ibang kwento sila sakin. Lalo na 'tong si Megan, siya na nga ata halos umubos ng oras namin eh. Buti nalang napatahimik na siya nila Tita, ubod ng daldal. Dakdak dito, dakdak dun, dakdak everywhere. Bigla akong nilapitan nila Mwgan at Nathan dito sa pool Area. "Oh?"

"Tara bro, may pupuntahan tayo." Aya sakin ni Nathan.

"Tara na! Wala ng madaming tanong basta sumama kana samin este sumama na ttayo sakanya."

"Okay." Nag-aya si Megan eh, hindi ko naman pwedeng tanggihan. Sa kotse ni Nathan kami sumakay, ako nakaupo sa passenger seat si Megan naman sa likod, nakahiga. Feeling Madam eh. Saan naman kaya kami pupunta? Wala naman akong alam na lakad namin ngayon eh. Masyadong nakaka-curious 'to, hihintayin ko na nga lang makadating sa pupuntahan namin. Tumingin ako sa likudan para icheck si Megan, naka-headphone siya habang busy kakakalkal ng bagpack niya. Ano kayang ginagalaw niya? "Boo!" Pag gulat ko.

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon