[Darren's POV]
1 year later...
Isang taon na ang nakalipas simula ng mawala si Megan. Naging maayos ang takbo ng mundo namin, masaya naman kahit papaano pero wala pa din tatalo sa kasayahan noon.
Si Sky at Allysa, sila pa din hanggang ngayon. Next step na ata sila, nagbabalak ng magpropose 'tong si Sky pero kabaklaan kinakabahan daw sa isasagot ni Allysa kaya next month nalang haha.
Si Kevin at Xien naman, as always sweet. Mas sweet pa ata sa asukal, mga lokong 'to wala pa ding poreber. Itong dalawang 'to, engaged na din haha. Ito pang si Kevin eh matinik 'to sa babae, ayaw ng pakawalan si Xien haha. 2 years from now pa ang kasal ng dalawa. Hinfi naman daw sila nagmamadali.
Ako? Hahaha.
Mas sumikat ako kaysa noon. Masaya naman kahit tropa lang ang meron ako. May girlfriend na ako pero sa mata lang ng showbiz, walang personalan. Ayoko munang pumasok sa isang serious relationship, hindi pa ako nakakatakas sa sakit ng nakaraan.
Hindi madaling kalimutan ang lahat. Paonti onti ko lang ginagawa hanggang sa makalimutan ko na talaga siya. Mahal ko pa din siya pero mahirap naman magmahal ng isang nasa kabilang mundo na diba? Wala na akong nararamdaman na galit sakanya kahit papaano. Hinfi ganon kasobra tulad ng dati, ngayon konti nalang.
Hanggang ngayon umaasa pa din ako na may makikita akong balita na tungkol sa kanya pero mukhang imposible ng may lumabas sa balita nyan. Pinupulot ko pa din ang sarili ko isa isa dahil sa pagkakadurog ko. Ganito pala yong nararamdaman nila non, sobrang hirap. Napaka hirap na hindi mo na alam kung saan ka pa ba patungo o may matutunguan ka pa ba.
Hay. Makakatakas din ako sa nakaraan.
Kakadating ko lang dito sa New York. Hays. Namiss ko dito, ilang taon na din bago pa ako nakapunta dito.
Nandito ako para sa isang awarding pero tatlong linggo pa bago yong awarding na yon, pinaaga ko lang talaga ang punta dito tutal wala naman akonc gagawin sa pinas. Mas mabuti na din siguro 'to. Baka matulungan pa akong makalimot ng bansang 'to.
Pagtapos ng awarding, hindi pa ako uuwi sa pinas dahil dito na ako magt-trabaho. May kompanya din dito ang Shinyu at napag desisyonan kong magpalipat dito, hinayaan naman nila ako.
Tingin ko magiging masaya ako dito, nararamdaman ko yon.
Nandito ako sa second floor ng airport, sumilip muna ako sa firdt floor. Napangiti ako dahil panatag ako na maayos magiging buhay ko dito. Baka nga dito ko pa makita ang babaemg talagang para sakin.
Onti onting nawala ang ngiti ko ng may makita akong pamilyar na mukha, si Megan. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Isang taon na ang nakalipas ng huling tumibok 'to ng ganito. Yon yong huling gabi na nakasama ko si Megam. Hindi ako pwedeng magkamali, siya nga 'to.
Pero parang imposible. Patay na si Megan, hindi pwedeng siya 'to. Hindi ganon pumorma si Megan, hindi din ganon ang buhok niya. Alam ko mahilig siya sa mahabang buhok at hindi siya mahilig mag pony tail.
Tumakbo ako papuntang first floor para sundan yong babaeng kamukha ni Megan. Kahit may dala akong malaking maleta, binilisan ko pa din yong takbo ko.
"Megan!"
Ayaw lumingon, argh! Hinabol ko pa din siya ng hinabol pero huli na pala ang lahat, nakasakay na siya sa isang sasakyan ng onti onting palayo sa kinatatayuan ko.
Bakit ganito? Sa isang babae lang tumitibok ng ganito ang puso ko, kay Megan lang yon. Hays.
Ano ba 'tong pinasok ko? Sa dami ng pwede kong mahanapan ng kamukha, bakit ikaw pa Megan? Bakit ikaw pa?
Nananadya ka ba talagang tadhana ka? Handa na akong kalimutan ang nakaraan pero ano nanaman 'tong kalokohan mo. Hays.
Makakalimutan din kita.
I feel like I'm waiting on something that isn't going to happen. Blue Megan Castillo.
----- THE END -----
Hello reader! End of book1 na. Thankyou sa pagsuporta hanggang sa dulo. Iloveyou so much! Take care!
BINABASA MO ANG
Lost stars
Teen FictionAkala niya nagmahal siya sa maling tao. Pero, yung tadhana lang talaga yung mali sadyang hindi niya lang inisip na mapaglalaruan sila. Masyado siyang nagseryoso sa isang bagay na walang kasiguraduhan na tatagal. When Darren Lim love the girl.