Chapter 28: Presscon

16 1 0
                                        

[Megan's POV]

Papunta kami ngayon sa Manila, para sa presscon tungkol sa Magazine na ilalabas ng Shinyu Entertainment. Kinakabahan ako dahil medyo madaming tao ang pupunta don, natatakot ako baka magkamali ako ng sagot.

Ipapakilala na din ako ng Shinyu bilang bagong model nila kaya doble doble yong nararamdaman ko.

"Hoy, wag kang kabahan dyan. Hindi ka naman nila kakatayin." Sambit ni Nathan.

Ngumiti nalang ako. "Ah, ano, hindi naman ako kinakabahan." Sagot ko. "Ahm Nathan? Bakit ka pa sumama? Masyado na 'kong nakaka-abala sayo, eh. Marami ka pa namang pwedeng gawin pero mas  pinipili mong samahan ako."

"Gusto ko, eh. Isa pa, wala ka naman ibang kasama kaya andito ako ngayon." Sagot niya. "Wag ng madaming tanong. Matulog kana lang muna jan. Medyo lamayo pa yong byahe natin, gigisingin nalang kita." Sambit niya.

"Okay, sige."

Natulog na lang ako. Medyo pagod pa din ako, eh. Baka mawala din 'tong nararamdaman ko pag nakatulog na 'ko. Ginising nalang ako ni Nathan nung nandon na kami sa Manila. Labas palang ang dami ng tao.

Pumunta kami sa backstage para makapag ayos ng konti. Sa totoo lang okay naman na 'ko, nakapag make up na din naman na 'ko pero light lang. Iniintindi ko pa din yong presscon mamaya.

Bigla ko nalang nakita yong manager ni Darren pati siya. Anong ibig sabihin nito? Teka, kasama ba siya sa presscon? Ang pagkaka-alam ko lang, ako lang at si Mr. Punsalan na manager ko ang nandito.

"Bakit nandito din po siya?" Bulong ko kay Mr. Punsalan.

"Kasama siya sa Presscon, Megan. Sinabay siya sayo ng CEO ng Shinyu." Sagot niya. Hindi nalang ako kumibo.

"Ssh. Wag kang kabahan jan, kaya mo yan. Mas madami pa nga ang nakakaharap mong tao kaysa dito diba? Wag ka ng kabahan." Napangiti agad ako kay Nathan. "Yan, dapat ngiti ka lang. Mas maganda ka pag ganyan." Sambit niya.

"Nako, bino-bola mo lang ako, eh. Hahaha." Sagot ko. "Salamat pala, Nathan ha? Lagi kang nandyan para sakin." Nginitian ko siya at niyakap. "Thank you bestfriend."

"Wala yon, wag ka ng ganyan. Ang drama drama mo, Blue. Seryoso. Hahaha."

"Megan at Darren, pumunta na kayo sa labas." Sambit ni Mr. Punsalan.

Mas kinabahan ako dahil don dahil nahihiya talaga ako. Hindi ko din alam yong mga sasabihin ng mga tao pag nalaman nilang ako yong bagong model. Baka mas magalit sakin yong fans ni Chasey at hindi ako magustuhan ng mga tao.

Hinawakan ng mahigpit ni Nathan yong kamay ko. "Kaya mo yan, Blue. Dun lang ako sa labas, papanuorin kita, wag kang matakot. Lagot sila sakin pag inapi ka nila. Haha." Sambit kiya. "Smile na ulit." Ngumiti nalang ako ng pilit para hindi na siya mag-alala.

Pumunta na kami sa labas at puro camera agad yong nakita ko. Pinilit kong ilabas yong totoong ngiti ko sa mga tao, kahit medyo mahirap dahil sa mga ilaw dito.

Pinagtabi kami ni Darren sa table kaya medyo nailang lang ako. Buong akala ko kasi si Mr. Punsalan yong katabi ko pero hiwalay pala siya samin ni Darren. Kumakabog tuloy yong puso ko ngayon dahil sa kaba.

Nagtanong tanong na sila, wala pa naman tinatanong sakin dahil mukhang wala silang pake. Puro kay Mr. Punsalan at Darren lang may binabatong mga tanong. Tungkol sa Shinyu yong mga tanong tsaka sa career ni Darren. Ako, tahimik lang dito.

Mas okay na din 'to para hindi ako kinakabahn. Nakakatakot kasi sila pag nagtatanong, aakalain mong pag nagkamali ka ng sagot, malalagutan kana ng hininga. Ganon talaga naiisip ko.

Pinakilala na din ako ni Mr. Punsalan at wala namang mali sakanila yon. Natuwa din naman sila kahit papano at naglabas din ng konting scene ng pictures ng magazine ang Shinyu. Nakakatuwa din na nagustuhan nila yong itsura ko sa pictures. Haha.

"I have a question for Ms. Megan Castillo."

Biglang bumilis yong tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa itatanong ng babaeng 'to.

"Kalat na pinagselosan ka ni Ms. Chasey Mendoza dahil sa pag-uusap niyo ni Darren Lim. Anong feeling na ka-trabaho mo ngayon si Darren Lim? At ikaw pa ang pinalit kay Ms. Chasey Mendoza. May possibility ba na magustuhan mo si Darren?"

Simpleng tanong lang.

"Hindi ko masasabi ang future pero tingin ko, imposibleng magustuhan ko siya." Sagot ko.

"Darren Lim, ngayon na sinabi ni Ms. Megan na imposibleng magka-gusto siya sayo. Ikaw ba, posible bang magustuhan mo si Ms. Megan?"

Aba, pati ako nadamay kay Darren na yan.

"Imposible." Tipid na sagot niya.

Totoo naman. Imposible ang tingin namin sa isa't isa. Lalo na galit pa 'ko sakanya, dahil sa ugali niya at dahil sa Chasey na yon.

Wala naman ng binatong tanong sakin. Puro kay Mr. Punsalan nalang kaya nakomportable ako. Buti nalang wala ng sumunod na tanong sa babae na yon kung meron pa talaga, jusko hindi ko na makakayang magsalita.

Natapos na din agad yong presscon dahil may emergency daw sabi ni Mr. Punsalan. Hindi ko naman alam kung ano yon na pati kami ni Darren kadamay pa. Hindi muna sinabi ni Mr. Punsalan kung ano yon at dumaan muna kami sa isang malapit na Restaurant kasama si Nathan at yong manager ni Dareen, siya din.

"Ano ba yong emergency, Mr. Punsalan?" Tanong ni Darren.

"May shoot tayo sa Tagaytay, after dito deretso na agad tayo don. Binigla nila yong schedule kaya kailangan magmadali." Sagot niya.

Kumain nalang ako ng kumain dahil ayokong sumali sa usapan, ganon din si Nathan. Kain lang kami ng kain. Hindi naman ako naiilang dahil kasama ko 'to, eh isa din naman 'tong matakaw. Haha.

"Megan, boyfriend mo ba 'to?" Tanong ni Mr. Punsalan.

"Hindi po, bestfriend lang po kami." Sagot ko.

Hindi naman na nagtanong si Mr. Punsalan. Pagkatapos namin dumeretso agad kami sa kotse, hiwa-hiwalay kami dahil tatlong kotse dala namin ngayon. Yong isa samin ni Nathan, yong isa kila Darren at yong isa kay Mr. Punsalan. Magkikita kita nalang daw kami don.

Habang nasa byahe naisip ko nanaman yong bracelet na nakuha ko sa damit ko. Sigurado talaga akong sa lalaki yon dahil siya lang ang nakalapit sakin ng dikit na dikit nung isang araw. Kung sakanya nga talaga 'to, sana magpakilala na siya. Ang hirap kaya manghula ng tao.

Naalala ko yong isang beses na may nagligtas sakin non mula kay Justine at nung isang araw. Tingin ko iisa lang sila dahil parwho sila ng hubog ng katawan at ng gilid ng mata. Masingit na mata na mukhang masungit.

Kung iisa lang sila bakitt hindi siya magpakilala sakin? Bakit hinahayaan niyang maging mysterious siya para sakin? Ang weird tuloy niya. Nakaka-curious masyado.

"Matulog kana muna, gigisingin nalang ulit kita mamaya." Sambit mi Nathan. Tumango lang ako at ngumiti.

Kailangan ko munang magpahinga, para mamaya may lakas ako incase na may bonggahan na shoot.

Kung sino ka man talagang lalaki ka, sana lumabas kana sa likod ng pagtatago mo sa Jacket at mask. Hindi naman ako nangangagat.

--------------------------------
Vote and Comments are really appreciated, thank you! Enjoy reading babies! Loveyaah all.

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon