[Megan's POV]
"Megan, ibang pose naman. Artehan mo naman ng konti, wag puro ganyan." Sambit niya.
"Opo."
Hays, nakakapagod kayang ngumiti ngiti at magpose pose dito. Kulang nalang mabali na yong mga buto ko para magawa ko lang yong perfect pose na sinasabi nila, eh.
Tumingin ako sa lugae nila Nathan at Zach, pinilit kong ngumiti kahit gutom na gutom na talaga ako. Nginitian nila akong pareho at nag cheer sign. Kahit papano napagaan ako non.
Kahit naman kasi anong pilit ko, hindi ko maartehan yong pose ko. Konting pose lang naman ang mga alam ko at wala akong kaalam alam sa pose ng mga model na yan. Hays, sana magawa ko na 'to ng perfect.
Nag-pose pose nalang ako ng konti. Kahit hindi naman ako sigurado sa mga pinag-gagawa ko, sinubukan ko pa din. Katangahan ko naman kasi na hindi muna ako nag-aral sa mga ganito ganito.
Inisip ko yong mga pose na nakikita ko sa mga Korean Girls sa Instagram. Ginaya ko yon baka isa yon sa mga gusto nila. Medyo inartehan ko yong expression at yong ayos ng katawan ko. Hindi talaga ako sigurado sa ginagawa ko. Nakakaloka. Ginawa ko yong kindat at pa-cute na mga pose na nakikita ko.
"Oh, very good Megan! Nagawa mo na ang hinahanap namin." Sambit ni Mr. Punsalan. "Oh break muna tayo!"
Nilapitan ako nila Nathan at Zach. "Ganda ng pose ha." Pang-aasar ni Nathan. "Hahaha. Ang lupet."
"Angas nga, pipay. Parang gangster lang tayo jan ha." Tumawa silang parwho.
"Inaasar niyo pa 'ko, hindi ko na nga nagawa ng maayos. Penge nalang ako ng tubig Nathan, grabe, ang sakit sa katawan ng ginagawa ko. Para akong binabaksakan ng mga bato. Tapos, ang sakit sa panga ng mga pinag-gagagawa ko." Sambit ko. "Para akong baliw, eh."
"Sinabi mo pa." Sabay nilang sabi ni Nathan at Zach.
Tinarayan ko nalang sila. Kinain ko nalang yong dala nilang cookies para sakin, baka daw kasi kumain ng makalat baka madungisan ako. Ang bata ko pa naman pag kumakain, baka magalit pa sakin 'tong nagm-make up sakin tsaka si Mr. Punsalan. Okay na din naman 'tong cookies kahit papano, nakakabusog din naman.
"Wait niyo ko ha? Malapit naman na 'tong matapos." Saad ko.
"Oh, shoot na ulit. Megan mag-ayos kana dyan!" Sigaw ng photographer. "Oh, artehan mo."
Konting ngiti at pagp-pacute lang pak na pak na. Naganahan naman ako dahil sa Cookies na kinain ko. Artehan ko lang ng konti okay na sakanila, hindi naman nila kailangan ng masyadong bongga.
"Nice job Megan." Bungad ni Mr. Punsalan ng matapos yong shoot. "Ang galing galing mong bata, hindi kami nagkamali sayo." Nginitian niya ako. "Okay lang yan, baguhan ka pa lang naman at wala ka namang experience sa mga ganito. Matututo ka din, keep it up Megan."
"Thank you po Mr. Punsalan." Sagot ko.
Lumapit sakin yong dalawa na pumapalakpak. "Naks, ang ganda ng bestfriend natin bro. Iba na 'to." Sambit ni Zach. "Napaka-galing. Haha."
"Teka, ako pa ba? Hahaha." Umasta naman silang naubo. "Ay nahihiya naman ako sa inyo." Sambit ko. "Tara na ba?"
"Haha. Sige ba, ano okay kana ba?" Tanong ni Zach.
"Ahm. Pupunta muna ako sa banyo. Hintayin niyo nalang ako sa parking."
"Okay." Sagot ni Nathan.
Naglakad ako papunta sa banyo malapit sa studio. Medyo kalayuan kaya medyo mahirap lakadin lalo na naka-sandals pa 'ko. Dapat pala nagpalit muna ako ng sapatos sa studio, ito pa kasi yong pinasuot sakin. Baka magpaltos pa 'tong paa ko, nako.
Naghilamos lang ako para mabawasan yong make up ko. Medyo nakakailang kasing irampa, tsaka hindi ako sanay. Wala naman tao dito so, ayos lang kahit anong gawin ko sa salamin. Naglakad na 'ko palabas dito kasi kinikilabutan ako sa banyo.
"Tinaggap mo pala yong offer ni Mr. Punsalan." Hay nako po, papatayin ata ako ng Darren na 'to. Kung saan saan nalang sumusulpot. "Sorry nagulat ata kita."
"Hindi ayos lang," sambit ko. "Ahm, oo? Kaya nga ako nandito, eh. Hindi naman siguro masama sa girlfriend mo kung nandito ako diba? Baka naman kasi paglabas ko ng building na 'to bigla nalang niya kong sugudin at awayin."
Pinipilit kong maging mabait sakanya pero naaalala ko yong mga nangyari sakin non.
"Mas mabuti pa, wag mo nalang akong kausapin. Mas makakagulo kasi yon lalo na sakin. Kaya please, layuan mo nalang ako." Sambit ko. "Tsaka, next time, kung kakausapin mo 'ko, wag ka ng magsama dahil baka pati sila masungitan ko."
"Kasi nga, masungit ka. Syempre hindi yon maiiwasan na sungitan mo kami." Singit nung lalaking matangkad sa likudan.
"Ikaw ba yong kinakausap ko? Tsaka, sino ka ba? Itong dalawa lang ang kilala ko, eh." Bigla siyang nag-pout. Hindi ko alam pero napagaan yong loob ko dahil don, ang cute cute niya kasi. "Pabebe."
"Hindi mo 'ko kilala? Haha. Ako lang naman ang nag-iisang Kevin dito, miss Megan." Sagot nung kapre.
"Ah ganon? Sige, una na 'ko."
Tinalikuran ko na sila don dahil nasasayang yong oras ko. Isa pa, may taong naghihitay sakin sa labas. Masyado na kong perwisyo sa oras ng dalawang yon. Baka mamaya magalit na sila sakin, eh.
Habang naglalakad ako sa papuntta sa kotse nk Nathan. Nakarinig ako ng mga nalalaglag. Tiningala ko yon at nakita kong may mahuhulog sakin na mga bato. Naduduling ako, hindi ako sure kung sakin ba mahuhulog. Jusko po, ang lalaki nito, may kasama pang kahoy at bakal.
"Miss Megan! Umilag ka!" Sigaw ng mga tao sa parking.
Napapikit nalang ako sa takot. Hindi ako sigurado kung sakin ba babagsak pero kinakabahan ako. Nakaramdam nalang ako ng yakap at pagbagsak ko. Minulat ko yong mata ko ng dahan dahan at nakita ko yong lalaki na naka-black na tumulong sakin.
"Sandali lang!" Hindi pa din siya tumigil kakatakbo. "Gusto lang kitang makilala!"
"M-megan! Okay ka lang ba? Ano, wala bang masakit sayo? Ano?! Magsalita ka." Alalang alala yong mukha ni Nathan. Napangiti nalang at at natawa. "Oh? Bakit ka tumatawa?! Sagutin mo yong tanong ko. Hindi ka ba nasaktan? Baka may bali ka." Sambit niya.
Binatukan ko nalang siya. "Abnormal ka, napaka-oa mong lalaki ka. Haha. Okay lang ako, hindi naman ako nasaktan, eh. Buti na nga lang niligtas ako nung lalaki. Hindi ko nga lang siya nakilala dahil tumakbo na siya paalis." Sagot ko. "Tara na nga lang. Okay lang talaga ako, umuwi na tayo."
Pumunta agad kami sa kotse. Wala naman talagang masakit sakin, Okay na okay nga ako, eh. Pero gusto ko talagang makilala yong lalaking yon. Feeling ko nakita ko na siya dahil sa hubog ng katawan niya tsaka yong mata niya. Nakita ko yong gilid lang ng mukha niya pero hindi ko siya nakilala.
Napansin kong may bracelet na nakasabit sa damit ko. Tinignan ko yon at may initial na nakalagay, 'BMC' yong nakalagay. Hindi ako nagkakamali na sa lalaki 'tong tumulong sakin. Wala naman makakasabit ng bracelet sa damit ko dahil kanina pa 'ko ingat na ingat dito.
"Sayo ba yan, Pipay?" Tanong ni Zach.
Umiling lang ako. "Hindi sakin 'to, nakita ko lang 'to na nakasabit sa damit ko. Tingin ko nga sa lalaking tumulong sakin kanina 'to, eh." Sambit ko. "Tingin niyo, anong meaning ng mga Initials na 'to?"
"Akala ko sayo, BMC din kasi ang Initials ng pangalan mo diba? Blue Megan Castillo." Sambit ni Zach.
"Tama si Zach, yong pangalan mo lang naman ang kilala naming may Initials na ganyan." Sambit ni Nathan.
Kung sakanya talaga 'to, ano kayang meaning ng nasa bracelet? Tama naman kasi yong dalawa, yong pangalan ko lang ang alam kong may Initials na ganon. Hindi kaya, initials 'to ng pangalan niya? Baka pareho lang kami. Ang mysterious kasi niyang lalaki, ang hirap tuloy kilalanin kung sino siya.
Sana makilala ko na siya, para makapag pasalamat naman na 'ko.
Bakit lagi nalang may mga taong dumadating sa buhay mo na hindi mo naman lubos na kilala? Handang iligtas ka kahit saan man.----------------------------
Vote and Comments are really appreciated, thank you! Enjoy reading babies! Loveyaaah all.
BINABASA MO ANG
Lost stars
Teen FictionAkala niya nagmahal siya sa maling tao. Pero, yung tadhana lang talaga yung mali sadyang hindi niya lang inisip na mapaglalaruan sila. Masyado siyang nagseryoso sa isang bagay na walang kasiguraduhan na tatagal. When Darren Lim love the girl.