Chapter 49: Confession

18 1 0
                                    

[Megan's POV]

Nandito ako ngayon sa Butterfly Restaurant, naisipan ko kasing dalawin yong mga staffs dito dahil miss ko na din sila tsaka wala naman akong magagawa.

Nagsuot na din ako ng glass para hindi ako makilala, mahirap na din kasi.

Nag bake lang ako ng ilan dahil marami na din daw nakaka-miss ng mga gawa ko kaya pinagbigyan ko sila. Na-miss ko din naman ang pagb-bake dito, kahig papaano dito ako laging gumagawa ng ib-bake ko non.

Konti lang naman yong mga tao ngayon dahil wala pa namang lunch time, kaya medyo hindi maingay dito tsaka magulo.

Mag-isa lang ako dito ngayon kasi yong dalawa kong bestfriend busy sa kitchen kaya ako lang muna. Pupuntahan naman daw nila ako mamaya pag may time sila.

Biglang bumaba si Tito sa office niya, hindi ko alam kung bakit lumapit agad siya sakin. Mukhang may problema base sa expression ni Tito.

"Megan, pwede bang puntahan mo si Nathan? Ayaw kasing makinig samin ng Tita mo, umiinom agad. Hindi naman mapagalitan dahil mukhang may problema." Sambit ni Tito. "Sana okay lang sayo."

"Ah, nasaan po ba siya ngayon Tito?" Hays, ang aga aga umiinom agad yong lalaking yon.

"Nasa paboritong bar niya."

"Hays. Sige Tito, pupuntahan ko na po agad siya." Kinuha ko agad yong bag ko at dumeretso sa parking. Bago pa ko makasakay, biglang may humawak sa braso ko. "Gabby?"

"M-may sasabihin lang ako miss Megan." Parang nahihiya pa siya kaya natawa nalang ako bigla. Napakamot batok agad siya. "Ah, ano po kasi.."

"Hmm, ano yon?" Tanong ko.

"G-gusto po kita Miss Megan."

Bigla nalang akong natawa. "Haha. Gabby, ano ka ba? Crush mo lang ako, okay. Hindi gusto, magka-iba yon hays. Narinig ko kaya kayo dati ni Allysa, at alam ko na talaga non pa, na crush mo ako pero hindi talaga gusto." Napakamot batok nanaman siya. "Alam mo Gabby, isang taon pa ang tanda ko sayo. Sigurado naman ako na may mahahanap ka pang iba dyan, bata ka pa naman, eh." Sambit ko.

"Basta nandito lang ako para sayo." Nginitian ko lang siya. "Osige na, mauna na 'ko. Kailangan ko pang puntahan si Nathan."

Sumakay agad ako sa kotse at dumeretso sa bar. Hindi naman matagal yong byahe ko dahil hindi naman madaming sasakyan ang dumadaan dito. Sa parking palang kita na agad yong sasakyan ni Nathan. Lahat ng kotse niya alam ko pati na din ang plate number.

Hmp, kunukulo talaga ang dugo ko ngayon. Ang aga aga pa, eh.

Pumasok agad ako sa loob. Anong oras palang ang dami ng tao dito, tch. Halos madurog na ko sa daan dahil ipit na ipit ako. Buti nalamg naka-daan ako sa maluwag. Nakita ko agad si nAthan na umiinom at may kasama babae.

"Excuse me miss pero pwede bang iwan mo kami?" Sambit ko.

"Ayoko nga! Sino ka ba? Sabi naman niya wala siyang girlfriend kaya hindi masamang nandito ako." Sagot niya. "Dito lang ako."

"Oo, wala nga siyang girlfriend pero girl
bestfriend meron kaya, pwede ba? Umalis kana dito kung ayaw mong masapak kita." Sambit ko. "Privacy please, kailangsn namin miss."

Nang irap lang yong babae pero umalis naman. Tch, arte eh.

Hinila ko agad si Nathan palabas, hindi naman ako nahirapan dahil wala naman na siyang masyadong lakas kaya mas malakas ako sakanya ngayon.

"Ano ba, Nathan?! Ang aga aga alak ang pinapasok mo dyan sa katawan mo. May problema ka ba? Kung meron naman pwede naman natin pag-usapan hindi yong ganito ka. Psh, parang hindi mo naman ako bestfriend." Sambit ko. "Nandito naman ako Nathan, pwede kitang tulungan kung ano man ang gumugulo sa isip mo. Kaya ko yang ayusin."

"Tss, alam mo ba yong sinasabi mo?"

"O-oo naman. Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan." Feeling ko ibang Nathan 'tong kausap ko, hindi naman ganito magsalita sakin si Nathan. "Tara na nga, iuuwi na kita." Hinila ko siya papunta sa kotse ko pero tinabig niya lang ako. "A-ano bang problema.."

"Ano ang problema ha? Tch," Bigla siyang nagpigil ng inis. "Ikaw ang problema, Blue. Ikaw lang, ikaw!" Sigaw niya.

Napayuko nalang ako, hindi ko naman alam ang isasagot ko. Ayoko siyang barahin o pilosopohin dahil alam kong galit na talaga siya. Pero bakit, bakit ako yong sinisisi niya? Ano bang problema niya..

Kasalanan ko ba yong pino-problema niya?

"Alam mo ba kung bakit ha? Ha, Megan?!" Umiling lang ako, hindi ko siya magawang tignan kasi natatakot ako. "Tch, ang manhid mo talaga. Ang manhid talaga ng bestfriend ko." Sambit niya. "Wala ka bang pakiramdam?"

"Ano bang tanong yan? Syempre oo. Hindi kita maintindihan Nathan, eh." Saad ko.

"Hindi ka mawala wala sa isip ko, lalo na dito sa puso ko! Ang hirap na, Megan. Hindi ko na kaya, ilang taon pa ba ang kailangan para tumigil ako kakatiis ha?"

"N-nathan, ano bang sinasabi mo? Wala akong maintindihan, kanina pa."

Bigla siyang tumawa ng bahagya. "Ang manhid mo nga talaga." Kinurot niya yong kanang pisnge ko.

"Ano ba, Nathan? Kanina galit ka tapos ngayon makulit ka. Ano ba talaga? Ang abnormal mo talaga. Hindi kita maintindihan."

"Alam mo bang nagseselos ako sa inyo ni Kevin? Kasi nasa kanya yong atensyon mo na dati nasa akin. Nagseselos ako kasi yong bestfriend ko napapatawa na ng iba, na yong bestfriend ko sa iba na makulit." Sambit niya. "Alam mo ba kung bakit?"

Umiling lang ako.

"Gusto kita Blue, oo gusto kita. Nung mga bata palang tayo gusto na kita. Hindi ko lang masabi sayo non dahil ayokong lumayo ka sakin pero selos na selos ako pag nakikita kitang nililigawan ng iba. Gusto ko silang sapakin pero wala akong karapatan dahil bestfriend mo lang ako." Natulala nalang ako. "Ngayon sinasabi ko sayo kasi hinfi ko na kayang itago pa. Sa totoo lang kasi hirap na hirap na 'ko, Blue."

Nakatingin lang kami ng deretso.

"S-sorry Blue, kasi gusto kita." Sambit kiya. "Alam kong simula ngayon lalayo kana sakin gaya ng ginagawa mo sa mga manliligaw mo non."

Nakita kong tumulo yong mga luha galing sa mata niya kaya halos manlambot yong tuhod ko. Hindi ko kayang nakikita siyang umiiyak lalo na kung dahil sakin.

Niyakap ko siya ng mahigpit. "Nathan, ano ba? Wag ka ng umiyak oh." Pinunasan ko yong mga luhang patuloy pa ding tumutulo. "Tama na, Nathan. Hindi ko kayang nakikita kang ganyan, eh." Sambit ko. "Hindi naman kita lalayuan, Nathan. Hinding hindi, kahit ano pa namang mangyari ikaw pa din yong bestfriend ko, eh. Ikaw pa din yong pusa ko at ako naman yong daga mo. Nathan, walang magbabago satin." Hinila niya ko at niyakap.

"Salamat. Blue."

Naramdaman kong bumigat si Nathan kaya alam kong nakatulog na 'to. Sinakay ko agad siya sa kotse ko at inupo sa tabi ko. Iuuwi ko na siya, baka ano pang mangyari sakanya dito pag iniwan ko. Tsaka, hindi ko naman kayang iwan 'tong best friend ko kahit anong mangyari.

Pagdating namin sa bahay nila, inakyat agad si Nathan sa kwarto niya. Umalis naman na agad ako don dahil si Tita na daw ang bahala sakanya kaya kampante naman ako.

Huminto muna ako sa malapit na park sa subdivision namin, napasandal nalang ako dito sa upuan.

Ano ba 'tong nangyayari sa buhay ko? Gaano ba karami ang nabiyaya saking ganda at ganito yong nangyayari? Hindi naman ako humiling ng ganito kagandang mukhs, eh.

Napabuntong hininga nalang ako.

Confession month ba ngayon, o bumabalik nanaman yong High School at College life ko? Hays. Ang hirap talaga ng ganito, pati din pala yong bestfriend ko. Ganon na ba talaga ako kamanhid tulad ng sinasabi nila para hindi ko maramdaman yon?

Siguro nga manhid talaga ako..
----------------------
Vote and Comments are really appreciated, thankyou! Enjoy reading, loveyah all.

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon