[Megan's POV]
Hindi muna kami magkikita ngayon ni Darren. Punong puno kasi yong schedules niya kaya ayoko ng dumagdag pa. Magugulo ko lang naman siya eh. Gusto ko mag focus muna siya sa trabaho niya.
Gusto ko siyang samahan pero ayokong agawin yong oras niya na dapat sa trabaho lang. Sinabi ko nalang na kailangan ako nila mama sa office para hindi niya na ako papuntahin.
Bumaba na ako para mag paalam kay Shanna na aalis muna ako. Wala naman akong schedule ngayon kaya pupunta muna ako sa Orphanage. Namiss ko na din yon, eh. Matagal tagal na din akong hindi nakakapunta don.
"Shanna, una muna ako ah. Pupunta lang ako sa Orphanage." Tumango naman siya. "Wala ka bang ipapabili? Baka meron, bibilhin ko bago ako umuwi."
"Hm, sa ngayon wala naman ate. Tetext nalang kita pag meron ah?" Tumango tango naman ako at ngumiti. "Ingat ka ate, pag umaway sayo bugbugin mo ah. Pak na pak na sampal dapat para bongga okay?" Sambit niya.
Natawa naman kaming pareho. Abnormal talaga 'to kahit kailan. "Yes madam, hahahaha." Sagot ko. "Sige na, mauna na ako. Babye."
Nag drive na ako papuntang Orphanage. Traffic kaya medyo boring, nagpatugtog nalang ako ng mga pang sayaw na kanta para hindi ako antukin. Inabot ng kalahating oras bago ako makadating, buti nalang talaga hindi pa natutulog ng tanghali yong mga bata. Gusto ko muna silang kamustahin kahit ilang minuto lang.
"Ate Megan!" Salubong nila sakin at niyakap ako ng sobrang higpit. Ang lalapad ng ngiti nila jusko. Ang kukyut na bata.
"Hm, namiss niyo ba ako?" Tumango naman sila habang nakapout kaya napatawa ako ng bahagya. "Namiss ko din kayo, sobra." Sambit ko.
"Ate Megan, napapanood ka namin sa balita. Ang gands ganda mo, model kana pala ate Megan."
"Ah, hahahaha. Salamat baby." Kinurot ko pa ng bahagya yong mga pisnge nila. "Hm, nang gigigil ako sa mga matataba niyong pisnge." Tumawa naman sila. "Oh, nag breakfast na ba kayo? Nako, baka hindi pa ah."
"Nako iha, hindi pa sila kumakain at nakitang parating ka." Saad ni Sister. "Mga bata, kumain muna kayo. Kinukulit niyo agad ang ate Megan niyo." Natawa naman kaming lahat.
"Opo sister," sambit nila. "Ate Megan, kakain na po kami ah? Babye!" Nag wave sila ng kamay nila sakin at ganon din ako.
Lumapit naman sakin si Sister. "Good morning po, Sister." Nag bless ako kay sister at ngumiti naman siya. "Kamusta naman po yong mga bata?" Tanong ko.
"Mababait naman iha. Buti na nga lang at nagf-focus sila sa pag aaral ng hindi na sila masyadong makukulit." Natawa kaming pareho ni Sister.
"Buti naman po sa ganon, sana po magpakabait lang sila palagi ng makatapos sila ng pag aaral." Sambit ko.
"Ikaw naman iha, kamusta kana?" Tanong ni Sister.
"Hm, ayos lang naman po ako Sister. Busy lang po nung mga nakaraan at buti nga po nakadalaw ako sa inyo ngayon." Sagot ko. "Namiss ko din po yong mga bata."
"Miss na miss kana ng mga batang iyan, nung nakaraang araw nga lang ay hinahanap ka sa akin." Sambit ni Sister. "Buti na nga ay nakikinig sa paliwanag ko iha."
"Hm, sana maging katulad ng mga batang pakalat kalat ang mga 'to sister." Sagot ko.
"Sana nga iha." Ngumiti si Sister, ganon din ako. "Kamusta naman ang kalusugan mo iha?"
"Hm, madalas na pong sumasakit yong ulo ko sister pero kaya k onaman po." Sagot ko.
"Nako iha, dapat nag papatingin ka sa Doctor." Kita ko sa mata ni Sister ang pag aalala kaya nginitian ko nalang siya. "Alagaan mo ang sarili mo iha.
BINABASA MO ANG
Lost stars
Teen FictionAkala niya nagmahal siya sa maling tao. Pero, yung tadhana lang talaga yung mali sadyang hindi niya lang inisip na mapaglalaruan sila. Masyado siyang nagseryoso sa isang bagay na walang kasiguraduhan na tatagal. When Darren Lim love the girl.