Chapter 51: Decision

24 1 0
                                        

[Megan's POV]

  "Kahit baliktadin man ang mundo, kayo pa din ni Darren pagtatag-puin. Crush mo lang ako pero si Darren talaga yong gusto mo."  

Patuloy pa ding nage-echo yong sinabi sakin ni Kevin. Hindi ko na alam yong dapat kong gawin o isipin. Hanggang ngayon nab-blangko pa din yong utak ko. 

Gusto ko na nga ba si Darren? 

Pag tinatanong ko naman kasi yan sa sarili ko loading lang yong utak ko. Ewan ko din pero hindi ko talaga masabing hindi. Nalilito na 'ko, hindi ko alam kung maniniwala ba 'ko sa sinabi ni Kevin o ano. Talaga naman kasing nagd-dalawang isip pa ko kay Darren. 

Bigla akong may nakasalubong na dalawang babae. 

"Alam mo ba, sabi ni Chasey malapit na yong araw na kasal nila ni Darren. Hindi ko lang alam kung rumors lang ba yon o totoo pero sana talaga ikasal na sila." Sabi nung isang babae. 

"Ohmygosh." Sagot nung babae. "Nag effort nga daw ng bongga si Darren para lang kay Chasey, eh. Ang swerte swerte niya talaga."

Halos mag-palit na yong magkabilang kilay ko dahil sa narinig ko. Hindi ko ba alam pero nainis ako bigla ng marinig ko yong usapan ng dalawang babae. Ewan ko pero parang pakiramdam ko naiinggit ako. Siguro gusto niya lang ako pero si Chasey talaga yong mahal niya? Hays, kahit ano pa yon. Naiinis pa din ako. 

Biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya nag payong agad ako. 

Hanggang ngayon hindi pa din maalis sa sarili ko na mainggit, hindi ko ba alam. Akala ko dati si Darren yong tipong walang pakialam sa mga nangyayari sa mundo lalong lalo na sa mga babaeng napapaiyak niya. Pero mabait pala talaga siya, hindi ko lang din siguro napansin yon. Nagsisisi tuloy ako sa mga ginawa ko sakanya non, sobrang hard ko talaga. Ang swerte swerte nga siguro ni Chasey dahil nage-effort sakanya ang isang Darren Lim. Hays, naiinggit tuloy ako. 

Hala, teka. Megan, ano ba 'tong mga sinasabi mo? Nahhibang na ba 'ko? 

Napatigil ako sa paglalakad. Alam ko na yong sagot sa nararamdaman ko. 

Tinawagan ko agad siya pero cannot be reached. Walang signal dito sa lugar ko, ano ba 'to? Nakakainis naman, ngayon pa sumabay? 

Kaya siguro naramdaman ko na parang kami lang yong taong dalawa nung hinalikan niya ko dahil may nararamdaman na 'ko sakanya. Kaya din siguro minsan naiilang akong titigan yong mata niya. Kaya siguro ganon nalang yong inis ko pag inaasar niya 'ko. Kaya siguro ganon nalang yong pag-aalala ko non sakanya ng kuhanin kami ng masasamang lalaki. Kaya siguro naiinis ako pag mag kasama sila ni Chasey, na hindi dahil sa asar. Kaya siguro nam-miss ko siya ngayon..

Jusko. Cofirmed. 

Kahit naman siguro sabihin ko sakanya wala na kong magagawa, sinabi niya na ngang kalimutan na namin yong isa't isa. Siguro din naman sa loob ng dalawang linggo na hindi ko siya nakakausap may nahanap na siyang bagong babaeng mamahalin. Baka si Chasey yon.. Wala na siguro akong magagawa. Walang wala na. 

Bigla nalang akong nakarinig ng lakas na busina. 

Napatigil nalang ako sa iniisip ko ng nakita kong nakahinto pala ako sa Pedestrian Lane. 

"Hoy miss! Magpapa-kamatay ka ba?!" Sigaw nung lalaki. 

Bigla nalang may lalaking humawak sa braso ko para magka-harap kami. Pareho kaming natigilan at nagulat. 

"Kung may balak kang magpa-kamatay wag dito. Don ka sa building, tumalon ka. Hindi dito na mandadamay ka pa ng ibang tao." Pags-sungit niya. 

Hindi ako makapag salita, nakatulala lang ako sakanya. 

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon