[Megan's POV]
Umalis na 'ko para kumuha ng tubig. Mas mabuting ito nalang ang inumin ko. Kaysa naman nagkaka-ganon sila.
"Megan," lumapit sakin si Mr. Punsalan. "Wala na tayong pictorial ngayon. Enough na daw ang mga nakuhang pictures sa inyo ni Kevin. Kaya pwede na kayong bumalik sa Hotel."
"Sige po, thank you." Sagot ko.
Nilibot ko yong mata ko at hindi ko na nakita si Darren. "Ah, Mr. Punsalan, nasaan po si Darren?" Tanong ko. "Kanina lang po, nandito siya diba?"
"Ah, pumunta muna siya sa Sonya's Garden. Gusto niya daw mapag-isa. May sakit ata."
"May problema po ba yon?" Napataas balikat nalang si Mr. Punsalan. Bigla bigla nalang umaalis yong manok na yon.
Nilalagnat pala yong Darren na yon, kaya siguro napapansin kong may mali sakanya. Parang nag-guilty tuloy ako, ang sama pa ng pakikitungo ko sakanya. Hays. Feeling ko ang sama sama ko na, dapat hindi na ako naging ganon.
Nagpara na agad ako ng taxi papunta kay Darren. Gusto ko lang siyang samahan ngayon pambawi sa mga nagawa ko. Sa mata naman ng lahat ako talaga ang mali, eh. Napaka-sama ko sakanya, hindi ko siya tinatrato ng mabuti. Naiinis pa din tuloy ako sa sarili ko.
Hays.
Pag dating ko don, hinanap ko agad siya. Konti lang ang tao at tahimik dito. Nakita ko siya sa may bandang fountain, nakaupo at nakatingin lang sa tubig.
"Bakit ka nandito?" Humarap agad siya sakin, walang emosyon yong mukha niya. "Baka hanapin ka nila direk."
"Ako dapat nagtatanong nyan, diba?" Tumalikod ulit siya sakin. Tumabi ako sakanya para mas madali kaming magla-intindihan. "Gusto ko lang makapag isip isip." Sambit niya. "Dapat hindi kana pumunta dito."
"Pwede naman akong umalis kung gusto mo." Sambit ko. "Ano ba yong mga iniisip mo?"
"Wala, secret, madami, basta." Bigla nalang siyang nag bugtong hininga. "Iniisip ko lang si Chasey."
"Nako, ayun lang pala ang iniisip mo." Tinignan ko siya at tingin ko hindi siya okay. "Ah, kung gusto mo, pwede mo naman sakin sabihin yong problema mo. Baka makatulong pa 'ko." Sambit ko. "Kung gusto mo lang naman, hehe."
"Bakit parang nag iba ang ihip ng hangin?" Bigla siyang lumingon sakin.
"Eh, anong gusto mo? Away awayin kita dyan at sigawan, ganon ba?" Tanong ko. Natawa naman agad siya.
Abnormal 'tong manok na 'to.
"Masungit ka nanaman oh Hahaha. Wag na yon, mas okay na 'to. Maranasan ko man lang yong ugali mong yan kahit ngayong araw lang." Nginitian niya 'ko bigla, yong ngiti na mahahawa ka nalang bigla. "Wag mong isipin yong problema ko. Hindi mo dapat iniisip yon, ituon mo nalang yong sarili mo sa Career mo."
"Sabi mo eh." Natawa nanaman siya ulit. Aba wala namang nakakatawa ha. "Pumunta ka na nga lang muna sa Hotel. Magpahinga ka muna don, tignan mo, mukha kang manok na kakatayin. Hahaha." Bigla siyang sumimangot, pabebe aish. "Bilis na! Arte mo pa!" Sambit ko pero umiling lang siya. "Hays, bahala ka nga dyan. Hihintayin nalang kita sa kotse mo kung magpapahatid kana." Tinalikudan ko nalang siya.
"Megan," Napahinto ako sa paglalakad ng tawagin niya 'ko. "Alam mo ba yong feeling na wala kang magawa para sa taong mahal mo? Ang sakit pala, yong tingin nalang yong kaya kong gawin." Sambit niya. "Ang sakit sakit na nakikita ko siyang may kasamang iba."
"Hindi naman, Darren." Sagot ko. "Alam mo, kausapin mo lang siya. Bumawi ka, sigurado naman ako na maiintindihan ka ni Chasey." Nakatalikod pa din ako sakanya. "Ayun lang yon, kaya wag ka ng mag-drama dyan."
"Hays. Hahaha. Nakatulong ka sa lagay na yan."
"Aba! Nakatulong naman ako kahit papan-------" Napahinto agad yong bibig ko pagkaharap ko. Bigla nalang bumagsak si Darren sa balikat ko. "D-darren! D-darren gising! Hoy!" Hinawakan ko siya sa balikat para itayo pero ang bigat niya. "Ohmygosh. Ang init mo, Darren. Teka!"
Binigay ko lahat ng lakas ko para madala si Darren sa kotse niya. Inupo ko nalang siya sa likod. Kinuha ko nalang agad agad yong susi niya sa bulsa dahil wala naman na siyang malay. Nag drive agad ako ng mabilis papuntang Hotel, inaapoy na si Darren nako. Mabilis lang kaming nakadating sa Hotel, nagpatulong agad ako sa mga staff na kilala ako. Pinadala ko agad si Darren sa kwarto niya.
Pag-alis ng mga tumulong sakin. Kumuha agad ako ng bimpo at naglagay ng maligamgam na tubig sa isang bowl. Ito nalang ang nakita ko dito dahil wala namang mga dalang kung ano anong gamit ang Darren na 'to. Pinunasan ko agad siya ng bumaba ang lagnat niya. Nanginginig na siya kahit na walang bukas na aircon ngayon at balot na balot ng kumot.
"Hays, nakakaawa yong lagay mo ngayon. Pasaway mo kasi, eh! Ayan tuloy, sige ano na, siguradong mag-aalala na ang mga fans mo nyan." Sambit ko. "Sige, pahinga kana. Dito lang muna siguro ako hanggang sa magising ka."
Humiga muna ako sa sofa para magpahinga. Itutulog ko lang muna 'to, nagpapahinga pa din naman si Darren, eh. Natulog muna ako dahil sa pagod, mag gagabi na din naman. Pagka-gising ko, napaupo agad ako. Nagulat nalang ako na nasa kama na ako ni Darren at siya naman nasa sofa kausap yong Manager niya.
"Oh, Megan gising kana pala." Sambit niya.
"B-bakit nandito na 'ko sa kama mo?! Kanina nandyan lang ako ha!" Tinuro ko yong inuupuan nila. "T-teka, anong ginawa niyo?!" Napatakip agad ako ng pa-x sa damit ko. "I-isusumbong ko kayo kay Nathan!"
"Chill, wala kaming ginagawa. Haha." Napailing nalang siya. "Kanina pa kita ginigising pero napahimbing ata yong tulog mo kaya nilagay muna kita dyan. Nalaglag ka kasi dito sa sofa." Sambit niya. "Wala ka dapat ipag-alala."
"G-ganon ba? Sorry ha, ang praning ko nanaman." Napayuko nalang ako sa sobrang hiya na pinag gagagawa ko. "Ah, okay ka na ba? Una na ko ha." Tumayo na 'ko at nag bow sakanilang dalawa.
"Megan, salamat pala."
"Wala yon, Darren." Sagot ko. "Sige, bye!"
Tumakbo agad ako papuntang kwarto ko. Pagka-bukas ko bumungad sakin sila Nathan, Kevin at si mr. Punsalan. Ang sasama ng tingin nila sakin. Eh? Aish lagot, hindi pala ako nakapag paalam sakanila. Lagot ako nito. Argh.
"Saan ka galing, Megan? Kanina pa kami nag-aalala sayo." Sambit ni Mr. Punsalan. "Pasaway ka talagang babae ka."
"Oo nga, saan ka galing? Ako malalagot kila Tita pag may nangyari sayong masama." Saad ni nathan.
"Eh, ano kasi, binatayan ko si Darren dahil bigla nalang siyang nawalan ng malay. Ayun lang, hinintay ko lang na maging maayos yong lagay niya tapos bigla nalang akong nakatulog." Pag-papaliwanag ko. "Sorry kung pinag-alala ko kayo, hindi ko naman ginusto yon. Sadyang nakalimutan ko lang talaga na magpaalam sa inyo. Sorry talaga."
"Naiintindihan namin." Sagot ni Nathan.
"Ahm, bakit pala kayo nandito? Tsaka, ikaw din Kevin? Anong ginagawa mo dito, okay na ba kayo ni Nathan?"
"Okay na kami nito, Megan."
"Dito na din siya tumuloy para sama sama na daw kayo sabi ng CEO ng Entertainment niyo." Sambit ni Nathan. "Sige, una na din kami. Hinintay ka lang talaga namin. Goodnight, Megan." Tumango nalang ako sakanila.
Dumeretso nalang ako sa kama ko at pinatong yong ulo ko. Antok na antok na agad ako kahit kagigising ko lang. Hays. Naligo nalang agad ako at nagsuot ng pang tulog. Humiga ako at tumitig sa kisame. Bigla kong naisip yong bracelet na sumabit sa damit ko kaya kinuha ko yon sa wallet ko. Napatitig agad ako don ng deretso.
"Alam mo ba? Gusto ko ng makilala yong nag mamay-ari sayo. Gusto ko ng makausap at makapag pasalamat sakanya. Alam kong nasa tabi tabi ko lang siya, binabantayan niya ba 'ko? Stalker ko siguro yon, hays. Haha. Tignan mo oh, ikaw na bracelet na walang kamuwang muwang kinakausap ko." Napailing nalang ako. "Sige na, tago kana lang ulit." Nilagay ko nalang ulit yon sa wallet ko.
Naisip ko nalang na matulog dahil sa antok na nararamdaman ko.
Sana makilala nalang natin agad agad yong mga taong parating sa buhay natin.
-----------------------------
Vote and Comments are really appreciated, thank you. Enjoy reading babies! Loveyah all.
BINABASA MO ANG
Lost stars
Teen FictionAkala niya nagmahal siya sa maling tao. Pero, yung tadhana lang talaga yung mali sadyang hindi niya lang inisip na mapaglalaruan sila. Masyado siyang nagseryoso sa isang bagay na walang kasiguraduhan na tatagal. When Darren Lim love the girl.