Chapter 76: Finding

18 1 0
                                    

[Darren's POV]

Nagising ako na puro puti ang nasa paligid ko. Nasa langit na ba 'ko?

Nilibot ko ang mata ko at nandito pala ako ngayon sa hospital. May kung ano ano nalang ang nakatusok sa kamay ko. Amo bang nangyari?

Pinilit kong umupo sa kama ko ngayon pero parang may masakit sa bandang tyan ko. Hinawaan ko yon kaya mas sumakit. Letche ano 'to!?

Biglang pumasok si Dorries na puno ng pag alala skanaya. "Kuya, gising kana pala." Lumapit siya sakin at ngumiti. Weak smile. "Kamusta kana kuya? Anong nararamdaman mo ngayon?" Tanong niya.

"Anong nangyari?" Tanong ko sakanya. Napahinga naman siya ng malalim.

"S-sinaksak mo yong sarili mo kanina," Napayuko siya bigla. "N-nawala ka kasi sa sarili mo kuya kaya g-ginawa mo yon.." Puno ng pag aalala ang boses niya.

Pero seryoso? Ginawa ko yon sa sarili ko?

Naalala ko nanman si Megan. Oo, si Megan. Kailangan ko siyang makita, kailangan ko siyang makausap. Hindi pwedeng dito lang ako sa Hospital na 'to. Wala akong mapapala kung hihiga lang ako dito.

Binigay ko ang lahat ng lakas ko para makatayo. Kaialngan ko siyang mahanap. Pinigilan naman ako bigla ni Dorries kaya kumunot ang noo ko.

"Dorries, kaialngan kong hanapin si Megan." Sanbit ko.

"K-kuya, hindi mo pa kaya. Mapapasama sayo kung aalis ka agad." Sagot niya. Kitang kita ko sa mata niya na gusto niya ng umiyak pero pinipigilan niya. 

"Dorries, si Megan." Saad ko. Napayuko naman siya.

"Kuya pinapahanap ko na si Ate Megan kaya magpahinga kana." Sagot niya. Para akong natigilan ng tinik sa lalamunan ng panandalian. "Baka mamaya makita na din siya." Dagdag pa niya.

Napabuntong hininga nalang ano. "Fine. After 24hours and still no Megan. Ako na ang maghahanap sakanya."

Tumango tango naman siya. Bumalik na ako sa kama ko para humiga hindi magpahinga. Kinuha ko ang phone ko baka sakaling may malaman akong news tungkol sakanya.

Tinignan ko lahat ng sites na pwedeng pagkuhan, nagbabaka aakaling may makuha akong balita. Pero nakakainis wala man lang kahit isa. Bigla nanaman uminit ang ulo aish.

Sikat si Megan, isang sikat na model. Pero bakit parang wala man lang akong makitang news tungkol sakanya? Napaka imposible naman nito na kahit isa wala. Bakit yong ibang galaw ni Megan nababalita agad? Konting kilos niya lang alam na agad ng mga tao. Pero itong malaking bagay wala man lang news? Hindi man lang ba sila nagtataka kung bakit wala si Megan? Tch.

Dinial ko agad ang number ni Mr. Punsalan. Baka alam niya kung nasaan ang girlfriend ko. Ilang minuto lang nasagot na agad niya.

["Alm ko ang dahilan ng pagtawag mo."] Bungad sa kabilang linya.

"Where's Megan?" Tanong ko agad.

["Darren, hindi ko alam."] Sagot niya sa kabilang linya.

Tch. "Mr. Punsalan, alam kong alam mo kung nasaan ang girlfriend ko!" Hindi ko na napigilan mapataas ang boses. Hindi na ako mapakali.

["Sorry Darren pero hindi ko alam. At kung alam ko man, hindi ko din naman sasabihin sayo."] Mas nag init ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Tch, ayaw na ba niya sa buhay niya?

"Tch. Bakit walang nilalabas ang Shinyu sa nangyayari ngayon?" Tanong ko pero narinig ko lang soyang bumuntong hininga.

Ilang minuto bago siya nagsalita.

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon