Chapter 47: Megan's Side

18 1 0
                                    

[Megan's POV]

From: Kevin

Good morning, Megan. Sorry hindi kita masusundo ngayon, may biglaang promotion kasi. Sorry my princess. Babawi ako sa susunod, ingat ka buong araw.

Napa-ngiti nalang ako kahit papaano. Natutuwa naman ako sa text ni Kevin pero hindi maalis sakin yong pagka-lito. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

Sumakay na agad ako sa kotse ko at nag drive papuntang Shinyu. Hindi ko lang alam kung bakit ba 'ko pinapapunta ni Mr. Punsalan don. Pag dating ko sa Shinyu, nag park agad ako at dumeretso sa loob.

"Oh Megan, andito kana pala. Nag breakfast kana ba? Gusto mo bang mag breakfast muna sa labas?" Bungad ni Mr. Punsalan.

"Kumain na po ako, salamat." Sambit ko. "Ahm, ano pong pag-uusapan natin? Tungkol po ba saan?" Pinaupo muna niya ako sa Office at may kinuhang papers. "Ano po yan?"

"Maraming Directors na ang kumukuha sayo, Megan. For commercials, movies, etc. And, gusto kong malaman kung pabor ka bang gumawa ng mga ganito?" Sambit niya. "Kung papayag ka, may contract kang pipirmahan. Sabi din ng ibang Directors, mas pabor sila na i-partner ka kay Kevin o kaya sa best friend mong si Nathan." Dagdag pa niya.

"Ahm.." Ayun lang ang tanging lumabas sa bibig ko.

Hindi ko alam yong isasagot ko, eh. Para kasing biglaan tapos wala pa kong experience sa mga ganon.

"Pag-iisipan ko po muna." Sagot ko. "Makakapag hintay pa naman po sila diba?"

"Ah, yes. Ofcourse, ikaw lang naman ang hinihintay nila at options sa mga yon dahil patok kana sa buong bansa." Sadd ni Mr. Punsalan. "Tawagan mo nalang ako kung may desidyon kana." Nginitian ko nalang siya. "Ahm, here. Ito pala yong mga contracts, iuwi mo muna para mabasa mo ng mabuti."

"Okay. Salamat po, Mr. Punsalan."

Dumeretso ako sa kwarto ni Nathan. Bawat artist kasi ng Shinyu may kwarto dito, yong mga lagayan ng mga gamit. Kumatok muna ako bago buksan. Pag bukas ko, walang tao. Nalungkot agad ako.

May lakad siguro ngayon si Nathan o baka nasa bahay lang nila. Tatawagan ko nalang siya mamaya, pag nasa bahay pa kasi nila yon tulog pa din yon hanggang ngayon.

Naglakad ako papuntang girls room, binasa ko nalang muna yong mga nakalagay sa contract. Maayos ayos naman para sakin yong iba kasi mukhang madadalian naman ako.

Bigla akong may naka-bunggo kaya nalaglag yong mga contract. Pinulot ko agad yon. Pag tayo ko, nagulat ako sa nakita ko.

"Sorry Darren.."

Tumingin lang siya sakin tapos umalis na. Hindi man lang ako pinansin non, ngayon may paganon ganon pa siya. Sinundan ko naman agad siya.

"Sandali lang, Darren!"

Hinawakan ko siya sa braso paharap sakin. Nakatingin siya sakin pero wala akong makitang emosyon sa mukha niya. Medyo natatakot tuloy ako.

"Ah, sabay na tayong mag lunch? Libre ko." Sambit ko. Wala lang siyang imik at nakatingin lang sakin ng deretso. "Ahm, masarap daw yong pagkain sa bagong bukas na Restaurant dyan. Try natin?"

Hays, napapahiya lang ako.

Napa-buntong hininga nalang ako. "Galit ka pa ba sakin? Alam mo, pwede mo pa naman akong maging kaibigan, eh. Hindi naman kailangan ganito tayo, Darren." Sambit ko. "Sorry na oh."

Tumalikod lang siya at naglakad palayo. Hinabol ko agad siya tapos hinwakan sa braso pero tinabig niya lang yon.

"Layuan mo na ako."

Naiwan na lang ako ditong mag-isa.

Aray, ang sakit palang layuan. Ganito din ba yong nararamdaman ni Darren nung mga panahong ginagawa ko sakanya 'to? Masakit pala lalo na kung malapit sayo. Tama nga yong sabi nila, wag mong gawin sa iba kung ayaw mong gawin nila sayo.

Oo nga pala, sabi niyang kalimutan na namin ang isa't isa. Ginusto ko din naman 'to, eh. Ako din yong gumawa para lumayo siya sakin, tinutulak ko siya sa iba para iba nalang yong magustuhan niya at wag na ako. Pero bakit ganito yong nararamdaman ko? Kumikirot nanaman yong puso ko. Nahihibang nanaman ba 'to?

Hindi ko alam pero nasasaktan ako. Oo wala akong nararamdam na kay Darren pero nararamdaman ko 'tong sakit na 'to. Kahit papaano naman mahalaga din siya sakin, na-realized ko din naman kung gaano kahalaga na nage-exist siya sa mundong 'to. Kaibigan na din ang turing ko sakanya, eh.

Hinahampas ko nalang yong sarili ko. Mukha na akong tanga dito, umiiyak tapos kinakausap ko pa yong sarili ko. Ako naman yong dapat sisihin kaya nangyayari 'to, nasaktan ko si Darren kaya ganito siya sakin. Dapat tanggapin ko nalang, ako naman may gawa eh.

Siguro araw ko talaga 'to para mapag isa. Si Kevin may biglaang promotion, si Nathan hindi ko malaman kung nasa bahay ba nila o may lakad, si Darren naman.. Hindi ako pinapansin, mas minamabuti niya na lang na layuan niya 'ko.

Nag drive nalang ako papunta sa pinaka-malapit na park sa subdivision namin. Kumakalma kasi ako dito tsaka lumalamig yong pakiramdam ko pag nandito ako. Tambayan ko na talaga 'to pag nag-iisa ako.

Bumili nalang ako sa dumaang mamang nagb-benta ng ice-cream, wala naman mga bata dito kasi tingin ko oras ng tanghaling tulog nila kaya tahimik. Talagang nag-iisa lang ako dito, tinitignan ko nalang yong mga dahong bumabagsak sa lupa.

Nagulat nalang ako ng may lolang nasa harap ko. "Agapan mo na iha habang maaga pa, baka magsisi ka sa bandang huli." Sambit niya at umalis na.

Hindi ko alam kung para saan yon, ayon lang ang sinabi ni lola. Hindi ko maintindihan, ano banh meron don? Ano yong aagapan ko?

Tao ba 'to o bagay?

Nag drive nalang ako pauwi para makapag pahinga. Kumikirot nanaman kasi yong ulo ko, hindi ko naman maintindihan kung bakit. Hays, sa mga problema lang siguro 'to o kulang sa tulog.

Hanggang sa pag tulog ko iniisip ko pa din yong sinabi ni lola. Hindi ko talaga siya maintindihan, eh. Wala naman akong alam na bagay na dapat kong agapan o ano na pagsisisihan ko daw sa bandang huli.

Naisip ko bigla si Darren. Siya ba yong tinutukoy ni lola? Hindi ko lang alam pero tingin ko siya nga, mawawala ba sakin si Darren? Oo nga pala, hindi ko na agapan na layuan niya 'ko kaya ito na nangyayari ngayon.

Hays, relax Megan. Relax.
-------------------------------
Vote and comments are really appreciated, thank you. Enjoy reading, loveyah all.

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon