Chapter 78: Operation

13 1 0
                                    

[Nathan's POV]

Nakatayo lang si Blue sa harap ng bintana at nagpapahangin. Tinitignan niya lang ang mga ilaw sa labas. Ang lapad ng ngiti niya sa sobrsng ganda sa labas, hindi ako makakita ng sakit o takot na nararamdaman niya ngayon. Ang galing niya talagang magtago haha, ang lakas niya.

Napangiti nalang ako sa naiisip ko sakanya.

"Oh, hindi kaya ako matunaw nyan Nathan? Grabe kang makatignin, eh. Hahahaha." Ang ganda talaga ng ngiti niya, hindi ko maiwasan mahawa sa pangiti niya. Hays.

5mins nalang ooperahan na siya. Alas dos na ng madaling araw dito hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin sakanya. Mukha naman kasing hindi natatakot ang babaeng 'to. Pasalamat siya mahal ko siya kaya hinahayaan ko siya hahahaha.

Biglang sumeryoso ang mukha niya at lumapit sakin, hindi ko alam pero napa-atras ako ng titigan niya ako sa mata.

Oh no, relax Nathan. Si Blue lang yan.

Ano bang problema ng babaeng 'to? Bigla bigla nalang nang tititig eh. Tch.

"Nathan," Naramdaman ko bigla na puno ng takot at kaba ang pagsasalita niya. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit, tinago niya ang mukha niya sa dibdib ko at mas hinigpitan ang yakap. "Kung mawawala na ako mamaya gusto ko wag mo akong iiyakan." Sambit niya.

Niyakap ko din siya ng pabalik. "Ssh. Ano ba Blue? Wag kang magsalita ng ganyan, hindi ka mamamatay. Hindi ko hahayaan na mangyari yon." Hinawakan ko ang mukha niya at tinapat sakin para magkaharap kami. "Mabubuhay ka pa, okay? Gagawa pa tayo ng maraming memories." Sambit ko at ngumiti, ganon din naman ang ginawa niya.

"Hindi ka pwedeng mamatay, hindi mo ako pwedeng iwan." Dagdag ko pa.

Tumango tango naman siya. "Opo boss." Sagot niya.

Ginulo ko agad yong buhok niya haha. Ang cute talaga niya. Kahit nakadamit siya ng pang paseyente ngsyon ang ganda pa din niya.

"Ang ganda ko? Ay alam ko na yon no! Hahahaha." Sambit niya.

La? Nasabi ko ba na ang ganda niya sa suot niya?

Tumawa nalang ako ng bahagya. "Oo na tch hahahaha. Maganda kana." Sambit ko.

Tumawa din siya at lumabas na ng kwarto niya, sinundan ko naman siya. Bumungad agad samin sila tita sa labas. Lumapit naman agad sila kay Blue.

"Baby girl, tatatagan mo ang loob mo okay? Laban lang ng laban, wag kang susuko." Sambit ni tita at hinalikan sa noo si Blue. "Tapangan mo lang ang loob mo babygirl." Niyakap ni tita si Blue at ganon din naman siya.

"Opo mama, mana po ata ako sa inyo hahahaha." Tch haha tumatawa pa din siya, nakikita ko naman na natatakot na din siya. Nanginginig lang naman ang mga tuhod niya hays.

"Baby girl, wag kang susuko. Gusto pa kitang makita at maihatid sa altar." Naghiwalay na ng yakap sila tita ng magsalita si tito. Pft napasimangot agad si Blue hahaha. Ang cute talaga niya.

"Papa naman! Matagal pa po yon." Sabi ni Blue habang nakanguso pa din.

"Matagal pa daw yon, Nathan?" Nagulat naman ako ng tumingin sakin si tito. Wala akong masabi kaya tumango nalang ako. Bakit kais ako? Mas sumimangot si Blue.

"Papa naman. Pinag tutulungan niyo ako ni Nathan ah." Pagmumuryot niya hahahaha ang kulit.

"Ate, fight lang ng fight. Ikaw pa ang haharap sa lalaking mamahalin ko diba?" Pinigilan naman ni Shanna ang mga luha niya kaya kinurot siya ni Blue sa pisnge.

"Oo naman, Shanna. Hindi pwedeng hindi ko makaharap yon no." Sagot niya. "Wag po kayong mag alala lahat. Strong kaya ako." Tinaas niya pa ang kanang kamay niya na parang pi apakitang may muscles siya pft. Nagtawanan naman kaming lahat.

"Okay na daw ang operating room sabi ng nurse." Sambit ni Zach. Hiniga na si Blue sa isang kama ng mga nurse. "Lakasan mo loob mo, pipay." Hinalikan niya sa noo si Blue at nginitian 'to.

Konti nalang iisipin ko ng may gusto ang pinsan ko sa babaeng mahal ko. Hays.

"Nathan." Rinig kong tawag ni Blue.

Lumapit naman agad ako sakanya at tinignan siya. "Wag kang lalayo ah? Dapat pag gising ko, makikita pa din kita." Sambit niya, tumango naman ako. "Promise mo sakin na hindi mo na ako iiwan ah? Ipromise mo."

"Promise Blue, hinding hindi na kita iiwan. Hindi ako lalayo sa tabi mo, pag gising mo magkahawak pa din ang kamay natin." Niyakap ko siya kahit nakahiga pa siya. Andito lang ako palagi sayo. Basta lumaban ka lang." Sambit ko.

Narinig ko nanaman ang hikbi niya na nagpapalambot ng mga tuhod ko. Argh, Blue, please wag kanang umiyak.

Hinarap ko siya at pinunasan ang mga luha niya.

"Tahan na. Andito lang kami, hihintayin ka namin." Sambit ko.

Pinasok na siya sa operating room at naiwan kami ditong tahimik. Alam kong pare pareho lang kami ng hinihiling, na maging maayos ang operasyon. Pare pareho naming hindi makakaya kung mawawala si Blue. Siya lang ang lagi na nagbibigay ngiti samin. Hindi ko na alam ang gahawin ko kung mawawala pa siya. Hays.

Nagpaalam muna ako kay tito at tita na magc-comfort room lang ako pero duemretso ako sa rooftop kasi biglang tumawag si Allysa.

"Hello." Sambit ko.

["Kamusta na siya? Nag alalla kami ni Xien sakanya."] Nakarinig naman ako na bumuntong hininga pa siya.

"Kakapasok lang sakanya sa operating room." Sagot ko. "Wag na kayong masyadong mag alala, baka may makahalata pa sa inyo dyan. Ayos lang siya dito." Dagdag ko pa.

["Kung pwede lang kaming pumunta dyan ngayon kaso hays. Sana gumaling na siya."] Totoong kaibigan talaga siya ni Blue, iba ang pag aalala niya. Napangiti naman ako.

"Gagaling siya." Sagot ko. "Uh, kamusta na dyan? May issue ba tungkol kay Blue?" Tanong ko.

["Wala naman pero si Darren ang laman ng mga balita. Sa oras na 'to siguro nasa Hospital pa siya. Sabi nila, nagwala daw at puro si Megan ang hinahanap."] Sabi niya sa kabilang linya.

Napailing nalang ako sa nalaman ko. Mahal talaga niya si Blue.

"Sige, salamat sa balita Allysa." Sambit ko. "Babalitaan ko nalang kayo pagtapos ng operasyon."

["Osige. Payakap nalang kami kay Megan."] Sagot nila Allysa at Xien sa kabilang linya pft.

"Okay." Sabi ko bago inend ang call.

Pagbalik ko tahimik pa din silang lahat. Mabibingi na nga ata ako sa katahimikan ngayon. Hindi ako makampante. Ayokong ipakitang kinakabahan din ako, hanggat sa maaari gusto kong magpakatatag para kay Blue.

Nakatingin lang ako sa sahig habang nakaupo at nakapatong ang siko ko sa hita ko. Hays. Habang tumatagal ang oras, mas lumalaki ang kabang nararamdaman ko.

"Nathan." Tumingala agad ako para makita si tito. Inabutna niya naman agad ako ng kape at tumabi sakin.

"Salamat po dito." Sambit ko.

"Kung tutuusin kulang pa yan sa mga ginagawa mo sa anak ko." Ngumiti lang ako dahil alam kong may sasabihin pa siya. "Salamat Nathan, dahil nandyan ka sa tabi ng anak ko kahit anong mangyari." Sambit niya.

"Walang anuman po tito. Ginusto ko naman po yong mga ginagawa ko basta po kay Blue." Sagot ko.

"Sana, sana ikaw nalang ang minahal ng anak ko." Yumuko ako ng kaonti at ngumiti.

"Imposible ang lahat tito." Saad ko.

Hinawakan niya ang balikat ko kaya napatingin ako kay tito. "Wag kang mawawalan ng pag asa." Seryosong sabi niya. Tumango naman ako bago pa siya makatayo.

"Wag kang mawawalan ng pag asa."

Salitang galing sa ama ng babaeng mahal ko.

--------------
Thankyou for reading! Vote and comments are really appreciated, thankyou! Iloveyooou!

Hi reader! Last 4chapters.

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon