Chapter 10: Crush

59 3 0
                                    

[Megan's POV]

Tanghali na ko nagising kaya hindi na ko pumasok. Hindi naman nagalit sakin si Tito Arthur dahil napasaya ko naman daw si Nathan. Papunta ako ngayon sa Restaurant, titignan ko lang kung anong balita don. kakamustahin ko na din sila Allysa.

Mabilis lang akong nakadating sa Restaurant dahil hindi naman traffic sa ganitong oras. Pagpasok ko palang, nakita ko na agad na ang daming tao kaya siguradong busy sila sa pagaayos. Dumeretso muna ako sa Locker Room ng mga Staff para kunin yong libro ko sa pagb-bake. Papasok na sana ako kaso nakita ko sila Gabby at Allysa na nag uusap kaya nanatili muna ako sa gilid ng pinto.

"Ano, pupunta ka sa Concert ng crush mo?" Tanong ni Gabby. "Allysa, kahit anong gawin mo, hindi ka mapapansin non. Sayang lang efforts mo."

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi naman ako umaasa na mapapansin niya 'ko? Idol ko siya kaya gusto kong pumunta sa Concert niya." Depensa niya. "Bibilisan ko nalang yung trabaho ko para maka-attend ako ng Concert."

"Bakit kasi si Sky Villanueva pa? Isang Rapper na singkit."

"Wala kang pake, Gab. Siya yung naging crush ko eh." Pananaray ni Allysa. "Ikaw nga, kay miss Megan eh. Sasabihin ko yon sakanya, isang asar pa."

Ako daw? Crush ako ni Gabby?

"Ah, joke lang Allysa. Wag mong sasbihin kay Miss Megan, please."

"K,fine."

Umalis na ko papunta sa labas para puntahan si Nathan sa bahay nila. May plano akong maganda para kay Sky Villanueva. Paglabas ko ng Restaurant nakita ko si Nathan na bumaba sa kotse niya.

Lumapit agad siya sakin. "Kamusta tulog mo, Blue? Did you sleep well?" Blooming siya ngayon, parang ang saya saya niya. "Hindi ka din pumasok. Haha."

"Ah, ayos lang naman." Sambit ko. "Pusa, may request sana ako. Mapapayagan mo ba ko?" Tumango lang siya. "Pwede bang wag mo munang papasukin si Allysa sa makalawa?" Sambit ko.

"Bakit, anong meron?" Seryosong tanong niya. "May problema ba, Blue?"

"May pupuntahan kami sa araw na yon Pusa." Sasama ako kay Allysa eh. "Sana payagan mo siya Nathan, kailangan namin makapunta don."

"Ano bang mahalagang okasyon sa araw na yon, Blue? Tsaka, bakit ikaw yung nagpapaalam sakin? Dapat si Allysa gumagawa nyan, Blue."

"Sabihin mo nalang kaya na ayaw mo kong kausap no. Psh," Napataray nalang ako sakanya. "Concert ng pinakama-mahal niyang Idol sa araw na yon. Gusto ko lang sumaya si Allysa." Sambit ko. "Kung ikaw din naman siguro yung nasa kalagayan ni Allysa na hindi makita yong mahal niya, masasaktan ka din."

"Fine." Sagot niya. "Kung hindi lang kita Bestfriend eh."

"Pumapayag ka na talaga Nathan?" Masigla ko siyang inalogalog. Tumango lang siya sakin. "Wah! Salamat Nathan," Niyakap ko siya ng mahigpit habang nag tatatalon. "Ang bait mo talaga Pusa!" Sambit ko.

"Oo na, nambola ka pa." Nginitian niya ko ng nakakaadik.

"Yie. Love you Nathan!" Kinindatan ko siya. Umasta naman siyang nandidiri. "Arte mo! Love you na nga eh." Reklamo ko. "Pasalamat ka sa lahat ng lalaking nag sabi sakin ng love you nung High School at College, ikaw lang nireplyan ko."

"Okay. Thank you Ms. Castillo." Nag thumbs up naman ako sakanya na may kasamang galaw ng kilay. "Psh. Love you too na nga Blue."

"Psh, ayokong tanggapin. Napipilitan ka lang naman eh." Sambit ko. "Ayokong ipilit yung sarili ko sa taong ayaw naman sakin. Marami naman iba jan na humihiling na pansinin ko eh." Arte pa kasi niya. "K, bye. Pupuntahan ko na yong mga taong nagmamahal sakin."

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon