Chapter 9: Gift

37 3 0
                                    

[Megan's POV]

"Ano 'to?"

"Merry Christmas, Daga." Bati niya. Ewan ko sayo, bahala ka jan. Hindi ko siya pinansin, tinitignan ko lang yong kwarto. "Nagustuhan mo ba?"

"Ha, ang alin? Wala ka namang regalong binigay sakin kasi kinalimutan mo yong para sakin." Pagtataray ko. Tama naman ako eh. Kinalimutan niya yong para sakin.

"Anong tawag mo dito?" pagsusungit niya. "Ito na nga yong regalo ko sayo oh."

"Ngayon, mag susungit ka?" Sambit ko. "Psh. Bahala ka jan."

Lumapit siya sakin tapos nag pout. "Sorry na nga eh." Sambit niya. "Regalo mo pa ba makakalimutan ko? Syempre hindi. Ito nga yong una kong binili eh."

"Akin 'to? Lahat ng nasa kwarto na 'to?" Tumango tango siya kaya napalaki yong mata ko. Hindi ako makapaniwala na sakin 'to. Ang tagal ko ng gusto yong mga 'to. "Wah! Thank you pusa!"

Pumunta ako sa Mickey Mouse na kama at pinagmasdan yon. Ang ganda ng regalo niya sakin, lahat ng bagay na nasa kwarto na 'to puro Mickey mouse at Minnie Mouse lang yong makikita mong Design.

"Meron pa, Blue." Sambit niya. "Buksan mo yong Cabinet, makikita mo yong isa ko pang regalo."

Pumunta ako sa tapat nung Cabinet pero hindi ko muna binuksan. "Wala bang Aswang dito o pampatakot?" Tinignan ko siya at natawa siya sakin. "Seryoso, baka meron dito ha. Lagot ka talaga sakin Pusa pag meron."

"Wala yan, Blue. Matatakutin ka talaga no."

"Psh. Parang siya hindi." Dahan-dahan kong binuksan yong Cabinet at bumungad sakin yong Minnie Mouse Guitar. Totoo ba 'tong nakikita ko? "Seryoso? Saan mo 'to nabili Nathan?" Tanong ko. Kinuha ko yong gitara at tumingin ulit sakanya. "Salamat talaga Nathan."

"sabi na nga ba, na ito ang magpa-pasaya sayo."

Sabay kaming umupo sa sahig. Kinuha niya yong Regalo ko sakanya. Hindi pa din pala niya binubuksan. Nahihiya tuloy ako pag binuksan niya yon, walang wala sa regalo niya sakin.
"Hindi mo pa din pala binubuksan yan, Nathan." Natawa ako ng bahagya. Sa totoo lang, kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya. Baka kasi hindi niya yon magustuhan. "Sana magustuhan mo yong regalo ko."

Pagbukas niya nung box parang hindi niya nagustuhan. Hindi ko mabasa yong nasa isip niya. Tinignan niya ko ng seryoso kaya kinabahan ako.

Napangiti ako ng mapalitan yong seryoso niyang tingin ng malaking ngiti

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napangiti ako ng mapalitan yong seryoso niyang tingin ng malaking ngiti. "Thank you Daga, sobrang effort nito." Sambit niya. "Pink Explosion Box and Blue Scrapbook. Ugh, effort."

"Yie, buti naman nagustuhan mo Pusa." Kinakalikot niya yong laman nung Box na ginawa ko. Puro picture namin yong laman non kahit yong Scrapbook. "Isang linggo ko yang pinagpuyatan ha. Nangalkal pa ko ng pictures natin sa kwarto."

"Kaya pala ganyan na eyebags mo." Natawa siya bigla. Ang sama nito. "Pero, maganda ka pa din Daga."

"Correction pusa, gwapo pa din."

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon