[Nathan's POV]
Naasar ako sa ugali ni Darren. Grabe siya kay Megan. Tinignan ko si Megan at hindibsiya makatingin sakin. Galit pa din siguro siya sa nangyari kaninang madaling araw.
"Pasensya na kayo sa ugaling pinakita ng anak ko." Sambit ni Mrs. Lim. Hindi ko naman masasagot si Mrs. Lim dahil hindi naman ako ang napahiya.
Nginitian ni Megan si Mrs. Lim. "Ayos lang po Mrs. Lim. Naiintindihan ko naman po yung anak niyo."
"Ay nako! Ate Megan sorry talaga kay kuya ha! Ganun talaga yun, may topak lang siguro." Nakakarindi 'tong batang 'to. Parang nakalunok ng Mic. Sobrang lakas ng boses. "Nga pala, ate Megan, pumunta ka sa bahay mamaya ha. Marami akong ibabalita sayo!"
Natawa bigla si Megan. "Sige ba Dorries, pupunta ako dun." Sambit niya. Ngumiti siya pero alam kong may nakatago dun.
"Ahm, okay na Mr. Lim. Sa susunod nalang na Meeting." Sambit ni dad. Tumayo si dad at Mr. Lim at nagshake hands. Nagpaalam na sa at lumabas ng meeting room. Naiwan kaming tahimin dito, mabibingi na 'ko ng sobra.
"Uh, tito mauna na po ako sa baba." Pambabasag ni Megan sa katahimikan. "Gagawin ko na po 'tong mga new desserts ng Restaurant." Papagudin nanaman niya yung sarili niya. "Tsaka tito, sorry din po sa nangyari kanina. Napahiya ko pa po 'tong Restaurant."
"Hindi iha, ayos lang yun. May dahilan ka naman kaya ka na-late." Nginitian ni dad si Megan. "Ah, Megan mas mabuting magpahinga ka ngayon. Wala ka pang maayos na tulog, Kailangan mong magpahinga."
"Pero tito, may trabaho po ako ngayon. Kaya ko naman po tsaka nakatulog naman po ako kahit papano." Ngumiti siya. "Wag na po kayong mag-alala sakin." Pasaway talaga 'to. "Kayang kaya ko naman po tito, naging anak pa po ako ng isang Castillo kung mahina po ako?"
"Iha, wag ng makulit. Magpahinga kana. Baka magalit pa sakin si Mare at pare pag ma nangyari pang masama sayo.
napabugtong hininga nalang siya. "Sige po tito, salamat po sa concerned." Sambit niya. "Sige po, uwi na po ako. Bye tito, ingat po kayo dito."
Umalis na siya na parang walang nakikitang ibang tao dito maliban kay daddy. Ganon ganon nalang ba? Para akong multo sakanya. Wala naman akong magagawa eh, ginusto ko 'to kaya dapat tanggapin ko.
"Ano pang inuupo-upo mo jan, Nathan? Sundan mo na siya." Utos ni dad. "Makipag-ayos ka sakanya."
"Dad, hindi ganon kadali yon. Alam niyo namang sobra yung nagawa ko sakanya." Sambit ko. Ang laki kong tanga para hindi siya intindihin. "Iba din magalit si Megan."
"Alam kong maiintindihan ka niya. Concern ka lang sakanya kaya mo nagawa yun, Nathan."
"Paano dad kung ayaw niya kong kausapin?" Abnormal yun eh. "Alam niyo naman kung ano siya pag galit. " Sambit ko. "Nagiging Dragon kung magsalita."
"Simple lang, don't stop to apologize."
Hinawakan ni dad yung balikat ko at alam ko na ang ibig sabihin nun, kumilos na 'ko. Tumakbo ako papunta parking at good thing nandon pa yung kotse niya. Bago pa man ako makapunta sa kinahihintuan ng kotse niya bigla siyang humarurot ng andar. Ayaw niya talaga siguro akong kausap o baka hindi niya lang ako nakita.
Sinundan ko siya mall at hanggang sa loob non. Pumunta siya sa department store at namili ng mga gamit. Hindi pang bake kundi pang regalo. Ang alam ko after three weeks pa bago mag pasko kaya imposibleng Christmas gift yon. Gusto ko siyang tulungan sa mga dala niyang gamit kaso galit pa siya.
Hanggang sa restaurant, gas station at Park sinundan ko siya. Kung anu-anong pasimpleng tingin na yung ginawa ko para hindi niya ko makita at sa lagay ko nagtagumpay naman ako. Pagod na 'ko pero ayoko pang tumigil, gusto ko siyang sundan hanggang sa makauwi siya sakanila.
Nakatayo siya sa garden na walang katao-tao bukod saming dalawa.
"Wah!" Ang lakas ng sigaw niya kaya mahahalata mong sobra yung galit niya. "Nathan Wang! I hate you! I really really hate you! You're my bestfriend but you treating me like stupid!"
Hindi totoo yan, Megan.
"Hindi mo ko naiintindihan eh! Nag explain naman ako ng walang kulang pero bakit galit ka pa din!" Ramdam ko yung galit niya kahit na nasa malayo lang ako. "Ako nalang ba yung laging mali? Ako nalang ba lagi? Kailan mo ba ko iintindihin Mr. Nathan Wang?" Umupo siya at pinatong yung ulo sa tuhod. "Parang hindi mo ko bestfriend eh. Lagi ka nalang nagiging bipolar sakin, pero sa ibang babae ang ganda ng trato mo. I hate you."
Oo, iba yung trato ko sakanila, kasi iba ka sakanila. Iba ka para sakin, bestfriend.
Bigla akong nakaramdam ng pananakit ng ulo. Wala pa pala akong tulog dahil yung oras na pwede akong magpahinga nilaan ko para kay Megan. Binantayan ko siya hanggang sa magising siya pero hindiakonagpakita.
Bumalik ako sa loob ng kotse at sumandal don. Ayokong nakikitang umiiyak si Megan dahil sakin o sa kahit sinong tao. Kahinaan ko yun, eh. Siya lang naman ang nagpapalakas sakin bukod sa parents ko kaya affected ako sa mga nararamdaman niya.
Bumalik ako sa Restaurant at uminom ng uminom. Ito lang naman yung nasasandalan ko pag nag-aaway kami ni Megan. Ayoko naman lumapit kay mommy para lang sa advice niya, gusto ko mag isa ko ng inaayos yung problema ko.
"Isang Champagne pa."
"Sir Nathan nakakadalawang bote na po kayo ng Champagne, tama na ho sir. Magagalit po sakin si miss Megan." Sambit ni Gabby.
"Shut up Gabby!" Hindi ko na napigilan yung sarili ko hindi dahil sa ayaw niya kong bigyan ng champagne, dahil nanaman kay Megan. Ayaw niyang umiinom ako ng marami. "Bigyan mo ko ng Champagne."
Biglang dumating si dad kaya kinalma ko yung sarili ko. "Gabby, iwan mo muna kami." Umupo si dad sa tabi ko t kinuha yung basong hawak ko. "Galit pa din siya no?"
"Sobra dad, hindi ko nga po alam kung mapapatawad pa niya ko." Sambit ko. "Galit na galit siya sakin dad na tipo bang ayaw na niya kong makita." Hindi ko na din napigilang maluha. Ito yung malaking away namin ni Megan, eh. "Parang ayoko ng umasa na magkakaayos kami dad."
"Gaya ng sabi ko sayo kanina, don't stop to apologize. mag sorry ka lang ng sorry. Mapapatawad ka din niya." Sambit niya. "Kilala ko si Megan, mabait siya Nathan."
"Okay dad, thank you." Sambit ko. "Pupuntahan ko lang siya dad."
Hindi ko na hinintay yung sagot ni dad at dumeretso sa parking. Medyo nahihilo lang ako pero hindi ako lasing. kayang kaya ko pang mag drive.
15 minutes lang nakadating na 'ko sa bahay nila Megan. Wala pa don yung kotse niya, nasa galaan pa siguro. Hihintayin ko nalang siya hanggang sa dumating siya. Ayokong matapos ang gabing 'to na magka-away pa kami. Hindi ko kaya na tatagal pa 'tong away na 'to. Miss na miss ko na agad yung bestfriend ko, miss na miss ko na si Megan.
Sandali lang akong naghintay dahil dumating na agad siya. kinuha niya yung mga pinamili niya, hirap na hirap na siya sa pagdadala pero pinipilit niya. Bumaba agad ako sa kotse at pinuntahan siya.
"Megan."
"Ay kabayo!" Sigaw niya. Nabitawan niya yong mga hawak niyang paper bags kaya nagtalsikan yon. Humarap siya sakin pero hindi siya tumitingin. "Anong ginagawa mo dito?"
"Megan, sorry na oh. Nabigla lang naman ako, eh." Nakatitig lang ako sakanya pero siya sa iba yung tingin. "Bati na tayo, please. Miss na miss na kita Daga. Pansinin mo naman ako oh." Sambit ko. "Daga."
"Tingin mo ba ganun ganun nalang yon, Nathan? Tingin mo ba hindi ako nasaktan sa mga sinabi mo? Sobrang sakit nathan. Ang sakit sakit eh, tagos dito oh." Tinuro niya yung dibdib niya sa bandang kanan. "Tingin ko nga hindi na ikaw yung Nathan na bestfriend ko, eh." Sambit niya. "Parang kung titignan ka ibang iba kana sa dating Nathan na nakilala ko."
Hindi ko na napigilang umiyak sa harap niya. Wala akong pakialam kung makita man ako ng ibang tao na umiiyak. Hinawakan ko yung kamay niya pero nagpumiglas siya. "Daga, bati na tayo."
"Ano ba Nathan!" Tinabig niya yung kamay ko kaya napa-atras ako. Wala na kong lakas dahil sa Champagne na nainom ko kaya mas malakas na sakin ngayon si megan. "Lasing ka Nathan!"
Niyakap ko siya ng biglaan. Kahit anong pumiglas niya hindi ako kumakawala. "Daga, miss na miss na kita. Wag ka ng magalit sakin, please."
Hilong hilo na ko kaya nawalan na 'ko ng malay sa balikat ni Megan.
BINABASA MO ANG
Lost stars
Teen FictionAkala niya nagmahal siya sa maling tao. Pero, yung tadhana lang talaga yung mali sadyang hindi niya lang inisip na mapaglalaruan sila. Masyado siyang nagseryoso sa isang bagay na walang kasiguraduhan na tatagal. When Darren Lim love the girl.