Chapter 26: Contract

31 1 0
                                    

[Megan's POV]

It's been one week since natanggap ko yong sulat. Nakalabas na din ako after that day, pwede na din daw dahil wala naman na daw silang nakitang problema sakin.

Hindi na din ako nagreklamo sa family ni Chasey dahil aksidente lang naman lahat ng nangyari. Wala naman may gusto non at alam ko na hindi din inakala ni Chasey yon. Hindi naman ako galit sakanya, eh. Kung hihingi siya ng sorry, napatawad ko na agad siya. Pero, imposible talagang humingi siya ng sorry dahil sa ugali niyang yon.

I'm on my way to Mr. Punsalan.

Kahit medyo natatakot at kinakabahan ako itutuloy ko pa din makipag kita sakanya. Isang simpleng hiling lang naman yon kaya bakit ko pa ba siya ih-hindi? Kahit ayokong pag usapan yong tungkol sa letter na yon, pupunta pa din ako.

Nag parking ako sa Coffee Shop na sinasabi ni Mr. Punsalan kung saan kami magkikita. Hindi naman akong nahirapan hanapin siya dahil nakita ko na agad siya. Pinaupo niya ko sa harap niya at inabot yong isang folder.

"Ahm. Ano po 'to?" Tanong ko.

"Buksan mo. Basahin mo lahat ng nandyan, Megan. Baka sakaling magbago yong isip mo." Sagot niya.

Nagd-dalawang isip pa 'ko kung bubuksan ko ba o hindi pero naisip ko na wala naman sigurong mawawala kung babasahin. Binasa ko mula una, parang hindi ako makahinga na ewan, hindi ko ma-explain pero mas kinakabahan ako kada binabasa ko yong mga nakalagay dito. Nakalagay dito yong mga matatanggap ko pag hinawakan ko yong offer nila. Bigla kong naalala yong mga sinabi ni Nathan at Zach.

Flashback

"Pipay, baka pati fans nila Darren at Chasey magalit sayo pag tinanggap mo yan. Basahin mong mabuti, Entertainment ni Chasey yong kumukuha sayo hindi basta basta lang." Sambit ni Zach sakin. "Hindi natin alam kung anong kaya ng mga fans nila lalo na, wala tayong alam sakanila."

"Tama si Zach, Blue. Pag isipan mo muna yan bago ka mag desisyon. Pero kung kami ang pasasagutin, mas pipiliin namin na wag mo ng tanggapin yan kahit na para sayo yan. Basta kung saan ka naman masaya, susuportahan ka namin eh." Sambit ni Nathan.

Tama sila, tamang tama.

End of flashback

Baka mas magalit sakin si Chasey, eh. Pero sayang naman kasi kung tatanggihan ko 'to. Kinukuha na 'ko ng isang sikat na entertainment para maging model nila. Hindi ko alam gagawin ko. Hays.

"Pag-iisipan ko po muna, Mr. Punsalan. Ayoko po munang mag desisyon agad agad." Sambit ko.

"Ms. Castillo, wala na kaming time para hintayin yong desisyon mo. One week na kaming naghihintay pero wala ka pa din sagot. Mal-late na kami sa Schedule na binigay namin para sa magazine."

Tama nga siya, one week na wala pa din akong desisyon. Nakakaabala na 'ko para sakanila, dapat pag ispian ko na. Maganda naman yong mga matayanggap ko, eh. Misan lang naman yong photoshoot pero malaki yong bayad. Bale ako yong magiging first model nila sa bago nilang promotion.

Nakapag-desisyon na 'ko. Bahala na..

"Tinatanggap ko na po pero may isa lang po akong hiling." Sambit ko. "Pwede po bang malayo ako kay Chasey sa Entertainment niyo?"

"Tinanggal na namin siya kaya wag ka ng mag alala." Seryoso? "Salamat sa sagot mo. Makakatulong ka ng malaki samin, hindi ka magsisisi sa desisyon mo." Sambit niya. "Thank you."

"Tawagan niyo nalang po ako pag kailangan niyo na 'ko." Sagot ko.

"You will have a photoshoot, tomorrow." Saad niya. "Our Entertainment's Van will fetch you, okay?"

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon