Chapter 11: Concert

34 3 0
                                    

[Allysa's POV]

Halos lahat ng mga nakasalubong ko puro estudyante na pinag uusapan yung Concert ni Sky. Ang saklap naman ng buhay ko, ayaw talagang ipakita sakin ng panahon si Sky ng personal. Ang grabe niya sakin ha.

Naglakad nalang ako ng medyo mabilis para maaga akong makadating sa Restaurant. Aasarin nanaman ako nung batang Gabby na yon kaya uunahan ko nalang siya. Biglang may huminto na kotse sa harap ko, red vios pa ha.

 Biglang may huminto na kotse sa harap ko, red vios pa ha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkababa nung salamin nakita ko si Miss Megan. "Good morning Allysa!" Bati niya. "Hindi ka papasok ngayon, may pupuntahan tayo. Pinagpaalam na kita kay Nathan kaya wala ka ng dapat ipag alala."

Hindi naman ako makakatangi kay Miss Megan, isa pa pinag paalam na niya 'ko kay Sir Nathan. "Miss Megan, saan po ba tayo pupunta?" Tanong ko. Nakangiti lang siya habang nagda-drive. Nakaka-curious yong iniisip ni Miss Megan, kinakabahan tuloy ako. "Ano po bang meron ngayon?"

"Wag ng maraming tanong, malalaman mo din mamaya." bigla niya kong hinila ng makababa na kami. Pumasok kami sa isang parlor, Sunny Sun yong pangalan. "Hi Tita!" Bati ni Miss Megan sa isang babae.

"Magpapaayos ka Megan?" Tanong niya.

"Hindi ako Tita, ito pong kasama ko." tinulak ako ni Miss Megan sa babae, mahinang tulak lang naman. Ano ba 'tong balak ni Miss Megan? "Tita kayo na yong bahala sakanya ha. Gusto ko magandang maganda talaga siya, simple pero may dating."

"Copied." Sabi nung babae. Pinaupo niya ko tapos tinignan yong buhok ko. "You can call me, Tita Shine. Ayos lang ba sayong kulayan natin ng black yung buhok mo?" Tanong niya. Tumango lang ako at ngumiti. Ayoko naman tumangi, baka sabunutan pa 'ko ni Tita Shine. "Maganda ka, girl. Hindi ako mahihirapan na ayusan ka."

Ay, baka lumaki ulo ko nyan. Magmumukha na 'kong Alien non, hindi bagay sa katawan ko. Nginitian ko nalang siya, shy type ako kunwari. Hinayaan ko nalang siya sa mga ginagawa niya, inaayusan niya muna ako ng make up dahil tapos na yong paglalagay ng kulay sa buhok ko.

Saan ba talaga ako dadalhin ni Miss Megan? Kinakabahan na nae-excite ako na ewan. Mix feelings, dinaig pa nga ata yong halo-halo. Inaayusan yung buhok ko at nilalagyan ng make up? Ay baka gagawin akong clown ni Miss Megan, nakakatuwa kung yon. First time kong magiging Clown. Impossible namang sa party, masyadong maaga para magsaya, siguro talaga Clown gagawin sakin. Napangisi nalang ako dahil sa iniisip ko.

"Oh yan, bongga!" Nakangiti na nakatingin sakin si Tita Shine.

Napangiti nalang ako ng nakita ko yong itsura ko sa salamin. Grabe, nagmukha na 'kong tao ngayon. Parang kanina lang loka loka ako ngayon, ganon pa din naman. Haha. Nagmukha na talaga akong babae ngayon, yong ayos ko dati parang siga siga na kinatatakutan ng mga lalaki. Ngayon hindi ko malagay sa sarili ko na may ganda pala akong ganito.

"Hi Tita!" Anjan na si Miss Megan. "Tapos na po ba ayos na ba siya?"

"oo naman Megan! Ako pa ba?" Sambit ni Tita Shine. Ang kulit niya, parang hindi mo masasabing may edad na siya. Maganda din naman kasi siya. "Here's the new Allysa Tan," Aba, full name talaga ha. inukot paharap ni Tita Shine yong upuan kay Miss Megan. "Ang ganda ganda na niya."

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon