[Darren's POV]
"Jusko! Hubby, ang cute nung baby oh!" Sambit niya habang may malapad ng ngiti. Napangiti ako bigla, ang cute niyang tignan. Para siyang inosenteng bata. Pft, mukha tuloy child abuse ang relationship namin.
"Hubby, yong baby nag hello sakin! Omo." Ang cute niya talaga. "Hello baby!" Ngumiti siya ng malapad sa baby at nag wave pa ng kanang kamay. Lumapit pa siya don at nakipag apir. "Bye baby!"
"Hubby!"
Humawak siya sa braso ko na may malapad na ngiti. Hays. Ang childish talaga niya kahit kailan. Wala yong mga fiancé niyo sa fiancé ko. Hahaha. Napailing nalang ako sa naiisip ko.
Paano pag araw na ng kasal namin. Childish ps din kaya siya? Pft, hindi ko matanggap yong iniisip ko. Baka matawa lang ang sa kakyutan niya.
"Darren, ano ba!?" Napunta ang atensyon ko sakanya na ngayon ay masamang nakatingin sakin. Gusto kong matawa sa itsura niya pero nagpigil nalang ako. "Ano bang iniisip mo?" Tanong niya.
Umiling lang ako bilang sagot. "Bakit wifey?"
"Yong baby! Hindi mo na nakita kasi naman, eh, ang lalim ng iniisip mo!" Pag mamaktol niya at nagpout pa. Napatingin agad ako sa labi niyang mapula. Damn, gusto ko siyang halikan.
Tumawa lang ako na naging dahilan ng mas pagpout niya. "Gusto mo ba bigyan kita ng baby para hindi kana mag maktol?" Tanong ko. Nakita ko naman ang pagka gulat niya sa sinabi ko kaya mas natawa ako. "Hahahahaha."
Bigla siyang umiwas ng tingin kaya mas natawa ako. Haha namumula na siya. Kinikilig nanaman ang future wife ko.
"A-ano ba, wag ka ngang tumawa dyan!" Sambit niya na nakatingin pa din sa ibang direksyon. "K-kumain na nga lang tayo." Nakita ko ang pag pout niya nang mauna na siyang maglakad.
Binilisan ko ang laakd ko para maabutan siya. Oh god, para siyang bike na mahirap habulin. Ang bilis niyang maglakad. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya, hindi naman siya pumalag kaya napangiti ako ng pasimple.
Kakagaling lang namin sa isang Restaurant. Pinapunta ko kasi ang organizer ng kasal namin, gusto ko munang ipakita kay Megan ang mga idea na napili ko. Sakanya pa din naman nakasalalay ang final decision kaya pinuntahan namin ang organizer.
Kabado pa ako nung una pero pumayag din naman siya sa mga desisyon ko.
Flashback
"Wifey, ito yong cake. Nagustuhan mo ba?" Tanong ko habang tinuturo ang litrato ng cake na napili ko. Oh god, kinakabahn ako sa isasagot niya. Ang tagal kasi niyang tumingin sa hawak ko.
Tumingin siya sakin at tumingin ulit sa hawak ko. Argh, mas kinakabahan ako. Tumango siya bigla at tumingin sakin na may ngiti sa mukha. "Nagustuhan ko hubby. Maganda naman, eh. Tsaka mukhang masarap hehe." Sagot niya kaya parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan.
Salamat naman na nagustuhan niya.
Pinakita ko naman sakanya yong style sa reception. Black and white ang theme na may mga lobo ding nakakakalat sa sahig. Hindi ko alam kung magugustuhan niya 'to. Hays. Parang ang bakla naman kasi may lobo. Bago pa man ako magsalita, nagreact na agad siya.
"Wah! Ang ganda ng theme na 'to! Ang cute!" Sambit niya sabay turo sa picture ng gusto ko ding theme. Oh god, did she say that? Gusto niya 'to?
"Y-yeah, you're right wifey." Tumango ako sakanya na ang lapad ng ngiti.
End of flashback
"Hubby, anong gusto mo?" Masiglang tanong niya. Bumalik na ako sa realidad at nalamn ko nalang na nandito na pala kami sa loob ng isang karideria? Seriously?
BINABASA MO ANG
Lost stars
Teen FictionAkala niya nagmahal siya sa maling tao. Pero, yung tadhana lang talaga yung mali sadyang hindi niya lang inisip na mapaglalaruan sila. Masyado siyang nagseryoso sa isang bagay na walang kasiguraduhan na tatagal. When Darren Lim love the girl.