Chapter 31: Fansign Event

14 1 1
                                    

[Megan's POV] 

Napatingin nalang ako sa picture naming tatlo, nakaka-miss sila agad. 

Biglang may kumatok sa pinto kaya pumunta ako don para buksan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Biglang may kumatok sa pinto kaya pumunta ako don para buksan. Pag-bukas ko bumungad agad sakin yong dalawa na may dalang madaming pagkain. Nagulat nalang ako na nandito sila. 

"Wah!  Megan, miss kana namin." Sambit ni Allysa. 

"Ako din naman. Haha. Pasok na nga kayo dito." TInulungan ko sila sa bitbit nilang mga pagkain. "Ang dami naman nito tapos ang bango pa. Hmm. Nakakagutom" Sambit ko. "Hindi ko expected 'to ha." 

"Nako, niluto talaga namin yan ni Xien para sayo tapos nag order na din kami sa paborito nating Restaurant." 

"Oo nga, Megan. Naisip kasi talaga namin na dalawin ka kaya nilutuan kana din namin." Saad ni Xien. "Oh, paghihintayin pa ba natin yong pagkain? Lamunin na yan!" Natawa nalang kaming tatlo. " Nyam nyam." 

Grabe, na-miss ko 'to. 

"Hmm. Ang sarap talaga ng luto mo, Xien. Mas nakakagutom. Haha." Saad ko. 

"Hay nako Megan, nambola ka pa. Napakaliit na bagay yon. Hahaha." Kumain kana nga lang!" 

"Ohmygosh! Guys, wooh!" Sigaw ni Allysa habang nakatingin sa phone niya at ngumunguya. Napatingin naman agad kami sakanya. "Yong magazine mo, Megs! Pinagkaka-guluhan sa mga mall." Nagtaka naman agad ako. "Grabe Megs, iba ka na talaga." 

Hala, seryoso?!

"Ha, magazine ko? Eh, hindi pa naman nailalabas ng Shinyu. Baka ibang Megan yong nabasa mo." Sambit ko. "Sasabihan naman ako ni Mr. Punsalan tungkol dyan, nako!" 

"Ano ka ba, Megs! Totoo yong sinasabi ni Allysa. Nailabas na yong magazine mo at pinagkaka-guluhan na siya sa mga mall. Lahat ata ng madadaanan mo sa mga mall may makikita kang may hawak na magazine mo , Megs." Singit ni Xien. "Bumili nga kami, eh. Buti nga maaga kaming nakapunta, teka pakita namin sayo." 

"Tada!" Pareho nilang tinaas yong magazine kong binili nila. 

Ohmygosh. Hindi ako makapaniwala. 

"Seryoso ba kayo? Nanaginip ba ako o totoo 'to? Nako, bakit hindi ko alam." Sabay nilang pinitik yong noo ko. "Aray ko naman, hays totoo nga!" Bigla kong kinuha yong phone ko at bumungad sakin yong message ni Mr. Punsalan. "Hala, totoo nga. Ito oh, sinabi na ng manager ko." Sambit ko. "Nako po." 

"Dahil dyan, papirmahan naman 'to Megs. Hahaha." Sabay nilang sinabi. 

"Oo na nga." 

Kinuha ko yong pen sa bag ko at pinirmahan ang tig-isa nilang magazine. Grabe, totoong totoo talaga. Yong mukha ko talaga at yong mga pictures sa pictorial andito. Talagang nilabas na ng Shinyu. Hays, hindi pa din ako makapaniwala. parang panaginip pa din ang lahat para sakin. 

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon