[Darren's POV]
Buong araw kaming walang calls at texts. Kahit isang message ko wala siyang nireplyan. Nagr-ring naman yong phone niya pero hindi niya sinaasagot.
Tinanong ko na sila Allysa kung nasaan si Megan pero hindi nila alam. Dumaan naman ako sa bahay nila pero sabi ni Shanna wala daw don at may pinuntahan. Nac-curious ako sa pinuntahan niya.
Ang hirap na hindi ako update sa girlfriend ko buong araw. Sana talaga sinundo ko nalang aiya kahapon para kasama ko siya. Hays. Sobra akong nag aalala, miss na miss ko na yong girlfriend ko.
Gusto ko siyang yakapin at halikan pero hanggang ngayon wala pa din siyang text sakin. Wala pang nagpapakitang Megan sakin.
Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Oh god, sinong tao ang nagkamaling buksan ang kurtina ko? Tch, nawala tuloy antok ko. Nakakapag taka ang linis na dito sa kwarto ko, hindi na makalat. Hanggang sa makalabas ako ng kwarto ko nagtataka pa din ako bakit ang linis. Kahapon lang sobrang kalat dito ah.
May naamoy agad akong pagkain, pag dating ko sa kusina may babae akong nakita na nagluluto. Lumingon siya sakin at ngumiti. Ang ganda ng babaeng 'to.
"Gising kana pala boo, sandali nalang 'to. Maluluto na ang isa sa secret dishes ng Castilllo." Nakatitig lang ako sakanya. Ang ganda niya talaga kahit anong anggulo.
Umupo na ako sa lamesa pero hindi ko pa din inaalis yong tingin ko sakanya. Pag tapos niyang mag luto, dinala niya agad sa lamesa. "Tada!" Ang cute niya.
Lumapit siya sakin at hinawakan yong magkabilang pisnge ko, nakangiti lang siya sakin. Hindi ko mabasa yong nasa isip niya.
"You're my happiness," Hinalikan niya 'ko sa noo.
"You're my strength," Hinalikan niya 'ko sa ilong.
"You're my babe," Hinalikan niya 'ko sa kaliwang pisnge.
"You're my everything," Hinalikan niya 'ko sa kanang pisnge.
"You're mine," Hinalikan niya ako sa labi ng tatlong beses at ngumiti.
Umupo siya sa upuan na katapat ko. "Kumain na tayo boo, hihi." Aya niya.
Hindi ko alam bakit ganito si Megan, sobrang hyper niya. Uh, oo hyper siya lagi pero ngayon iba. Pambawi niya ba 'to dahil sa kahapon? Aish, 'di bale na lang.
Ang daming pagkain ang nilagay niya sa plato ko para akong bibitayin na mamaya. Tinignan ko siya ng parang-bibitayin-mo-ko-look. Pero ngumiti lang siya sakin ng malapad at kumain na.
Kumain nalang din ako, masarap yong luto niya kaya hindi na ako nagreklamo pa kung bakit ang dami. Masarap, hindi nakakasawa. Nakakatakam pa nga kung tutuusin. Habang kumakain kami hindi ko maiwasan tumingin sakanya, parang kada segundo gusto kong nakikita yong simple niyang mukha.
Pag tapos namin kumainng almusal, nilabas niya sa ref yong prutas na hiwa na. Mansanas, orange at pakwan. Isang platong prutas. Nilabas niya din yong gatas tapos nilagay sa baso ko.
"Dapat umiinom ka ng gatas boo! Para hindi ka magkasakit." Ang cute niyang kumilos, haha. "Hindi yong laging beer, nako." Sambit niya.
Umupo siya sa tabi ko at kumain na kami ng prutas. Siya yong nagpapakain sakin ng prutas tapos pinapainom ako ng gatas. Kahit mukha akong bata sa ginagawa niya, hindi nalang ako magrereklamo. Maganda naman yong nagpapakain sakin at girlfriend ko pa.
Ang hirap tanggihan hahaha.
Ako na dapat yong maghuhugas ng mga pinggan pero ayaw niya. Siya nalang daw gagawa, ayoko naman sana kasi baka psgod na yong kamay niya pero wala akong nagawa. Makulit talaga girlfriend ko, eh.
Hanggang sa matapos siyang maghugas nakatingin ako sakanya. Ang simple niya sobra. Hindi siya tulad ng ibang babae na magluluto lang napaka arte na. Siya parang sanay na sanay na yong kama niyang kumilos.
Hindi ako nagkamali na ikaw ang babaeng una kong nagustuhan.
Nagdala siya ng mga pagkain sa kwarto ko. Cookies, fries, ice cream, chocolates, tapos nagpa delivery siya ng pizza. Manunuod ulit kami ng movie. Papanuorin namin yong Conjuring 2 kasi yon daw gusto niya.
Nakapatong lang sa balikat ko yong ulo niya habang kain siya ng kain. Nguya ng nguya yong bibig niya, kumain ng kumain ang ginagawa. Parang hindi 'to nabubusog hahaha. Parehong kamay niya may hawak na pagkain, tapos ako yong may hawak ng ice cream na kinakain namin pareho. Kakain siya ng fries tapos isasawsaw sa ice cream, hindi ko siya maintindihan pero masarap daw yon.
Kumuha siya ng fries at hindi niya pa nakakagat saktong nasa part ng may nakita yong bata tapos hinabol siya. Nakatitig lang siya sa tv habang nasa bibig niya yong konting parte ng fries. Bago pa siya makasigaw kinagat ko yong kalahating fries na hindi niya pa nakakain. Hindi ko pinaglayo yong labi namin, nanlaki agad yong mata niya tapos natigilan.
Ilang segundo bago ko pinag layo ang mga labi namin. Namumula na din kasi yong pisnge niya. Paglayo ko sakanya nginuya ko na yong fries at tinignan siya. Daig pa ng reaction niya yong reaction ng bata. Dahan dahan niyang nginunguya yong fries, namumula pa din yong pisnge niya. Hahaha so cute.
Ilang minuto lang din, kumain na ulit siya ng kumain. Halos siya na ang umubos ng mga pagkain.
Pagtapos namin manuod ng Conjuring 2, kinabit niya yong usb niya at Music Videos nalang daw panuorin namin. Hindi ko maintindihan yong mga sinasabi ng Idols niya kaya sinusuportahan ko nalang siya sa panunuod. Masaya siya don, kaya masaya na din ako.
Nung mUsic Video na ng pitong lalaki yong lumabas sa screen, kilig na kilig na siya. Nagseselos na ako sa mga lalaking yon ah, tch. Mas gwapo naman ako, mas magaling pa 'kong sumayaw at kumanta. Bakit hindi niya nalang kaya sabihin sakin na mag perform ako sa harap niya? Hm, baka nahihiya lang 'to.
Nag paalam siyang magbabanyo. Nasobrahan na ata sa kilig hahaha. Pinapanuod ko lang yong mga Idols niya kahit hindi ko trip, wala naman akong magagawa eh.
Pag balik niya parang wala na yong sigla niya. Hindi ko naman makita kung anong dahilan.
"Ah, boo. Mauna na ako ah? Kailangan kasi ako nila mama ngayon sa office." Sambit niya.
"Okay lang boo, i understand." Sagot ko. "Tara? Hatid na kita sa kotse mo."
"Wag na boo, kaya ko naman. Tsaka baka pag balik mo dito may mga humabol sayong fans, agawan pa ko. "Tumawa nanaman siya. "Sige na po, aalis na ako boo."
Lumapit siya sakin tapos niyakap ako ng sobrang higpit, ramdam na ramdam ko yong pagtibok ng puso niya. "Iloveyou! Iloveyou! Iloveyou! Mahal kita Mr. Darren Lim. Mahal na mahal." Tumingin siya sakin at ngumiti. Hinalikan niya 'ko ng tatlong beses sa labi. "Mauna na 'ko boo, behave ka lang po ah?"
"Yes boss!" Nag salute pa ako sakanya kaya natawa kaming pareho. "Mag ignat ka boo, ikakasal pa tayo." Nakita kong nag blush siya kaya nag pigil ako ng tawa. Hinalikan ko siya sa noo niya at hinatid sa pintuan.
Bumalik nalang ako sa kwarto tapos pinatay na yong Tv at Dvd. Niligpit ko na yong mga pinag kainan namin, konti nalang yong mga natira hahaha. Hindi pa inubos ng girlfriend ko, kayang kaya niya naman 'to.
Ang saya na buong araw kaming mag kasama. Walang iniisip na problema, walang nang gugulo. Yong alam kong masaya lang kami. Ang sayang tuwing gigising ako ng umaga, alam kong ako yong boyfriend ng isang Blue Megan Castillo.
Biglang tumunog yong phone ko. Text galing sakanya.
From: Milady
There's a reason behind everything. Iloveyou, Boo.
Parang ang seryoso nito. Parang may problema pero hindi ko lang alam kung ano yon. Hindi ko makukuha sa mga mata niya o sa pananalita niya.
May mali talaga at dapat kong malaman yon.
Itutuloy....
-------------------------
Vote and Comments are really appreciated, thank you! Enjoy reading, lovelots!
BINABASA MO ANG
Lost stars
Novela JuvenilAkala niya nagmahal siya sa maling tao. Pero, yung tadhana lang talaga yung mali sadyang hindi niya lang inisip na mapaglalaruan sila. Masyado siyang nagseryoso sa isang bagay na walang kasiguraduhan na tatagal. When Darren Lim love the girl.