[Megan's POV]
Bumaba na agad ako pagkatapos kong mag-ayos. Kakain muna ako ng breakfast bago puntahan si Nathan sa bahay nila. Miss na miss ko na kasi yon, magwa-one week ko na siyang hindi nakikita. Busy din daw kasi siya sa mga bagay bagay kaya hindi ako mabisita, hindi ko nga alam kung totoo ba yong sinasabi niya o umiiwas lang siya sakin. Alam ko naman sa sarili ko na walang dahilan para iwasan niya 'ko, bestfriend kami at kilalang kilala ko na siya.
Pagdating ko sa Dining Area, nakita ko agad sila mama at papa. "Good morning ma, Good morning pa." Nag kiss ako sa cheeks nila. "Nasaan po si Shanna?"
"Good morning baby girl."
"Good morning," Sagot ni papa. "Tulog mantika sa kwarto niya."
"Hays, yong batang talaga yon." Kumain nalang ako ng kumain. Bacon tsaka bread, ito talaga yong favorite ko tuwing umaga. Nakakadami nga ako nito, eh. Ako nga lang ata nakakaubos. Haha. Ang sarap kasi tsaka hindi ako nagsasawang kainin yon, para bang hindi nakakaumay para sakin. "Ahm, una na po ako. May pupuntahan lang po ako. Bye!"
Dumeretso agad ako sa labas para hindi na ako tanungin at mag-isip ng kung ano ano sila mama. Pagka-labas ko bumungad agad sakin si Kevin na nakasandal sa kotse niya. Nakakapagtaka naman, alam ko kasi, wala kaming lakad ngayon sa schedule ko kay Mr. Punsalan. Eh, bakit siya nandito? Ano kayang ginagawa niya dito? Napatingin siya sakin kaya napangiti agad siya. Ngumiti nalang ako kahit wala akong alam kung ano bang nangyayari dito. Lumabas agad ako ng gate para makapag-usap kami.
"Good morning Megan, aayain lang sana kita ngayon na umalis. Kung pwede lang naman sayo?" Medyo nahihiya pa siyang magsalita sakin. Hahaha. Ang cute niya tuloy tignan. "Aish, wag ka ngang ngumiti dyan. Kinapalan ko na nga mukha ko oh." Sambit niya. "Payag kana oh. Please?" Nag act pa siya na parang bata. "Sige na po, Miss Megan. Please? Sige na."
Naisip ko agad si Nathan, pupuntahan ko siya ngayon, eh. Pero hindi naman ako makakatanggi kay Kevin kasi ang liit lang ng bagay na hinihingi niya tatanggihan ko pa ba? Hays. Pwede ko naman puntahan bukas si Nathan sa bahay nila, hindi pa naman ako nakakapag sabi ng pupunta ako ngayon don kaya siguro naman wala siyang ine-expect. Tinignan ko ulit si Kevin na naka-sad face pa din, ngumiti nalang ako sakanya. "Sige na, papayag na 'ko." Saad ko.
Bigla siyang ngumiti ng napakalapad na parang lalagpas pa sa tenga niya. Hahaha. Ang cute niya talaga, para siyang bata. "Yes! Yes! Pumayag na si Miss Megan! Yehey!" Nagtatatalon siya sa harap ko na parang bata, natawa nalang ako sakanya. "Haha. Tara na Miss Megan? Kain tayo, treat ko." Sambit niya habang may pataas taas pa ng kilay. "Yehey, yehey."
Sinakay niya 'ko sa kotse niya at kinabitan ng seatbelt, na-appreciated ko naman yong pagiging gentleman. Bilang nalang din kasi yong mga lalaking ganon, nginitian ko nalang siya dahil sa ginawa niya. Nag-drive siya na may ngiti sa labi, nakatingin lang ako sa bintana habang busy siya sa pagd-drive.
"Kevin Garcia, pangalawa sa magkakapatid. Gwapo, galing sa mayamang pamilya, makulit, mabait, at playboy dati. Matalik kong kaibigan si Sky na minsan mo ng nabara, haha. At kaibigan ng lalaking ilang beses mo ng binara bara at sinungitan, walang iba naman kun'di si Darren. Isa akong sikat na rapper galing sa Shinyu, kinababaliwan ng kabataan ngayon. Marunong mag-gitara at kumanta, may killer smile na kinai-inlaban ng mga babae." Sambit niya. "Siguro ngayon, sapat na yon para magtiwala ka sakin na sumama-sama. Hindi naman ako masamang tao, sadyang gwapo lang. Haha. Magtiwala ka lang sakin, hindi ka mapapahamak sakin."
Napanganga nalang ako sa mga sinabi niya. Bigla bigla nalang kasing nagsasalita at talagang nagpakilala pa ng lubos. Bigla niyang hinawakan yong baba ko pataas para masarado yong bibig ko kaya natauhan ako bigla. "Ah sorry, hindi ko kasi expected. Haha. Ahm, may tiwala naman ako sayo, Kevin. Kahit papaano naman mukha ka namang gagawa ng mabuti, tsaka konsensya mo din pag ako ginalit mo." Natawa nalang kaming pareho. "Hindi ka naman mahirap pakisamahan, kaya tingin ko magkaka-sundo tayo." Sambit ko. "Mag drvie kana nga lang dyan."
Nag drive nalang siya don na may nakakalokong ngiti nanaman, ilang minuto lang din nakadating na kami sa pinaka-malapit na mall dito. Pumunta agad kami sa isang Restaurant na madalas naming kinakainan ni Shanna, nag-order agad kami ng paborito kong beef noodles. Nag suot na din kami ng cap at salamin dahil delikado na baka ma-issue din kami. Jusko, hindi ko na alam ang gagawin ko kung may issue nanaman tungkol sakin, sawang sawa na 'ko sa pag gawa nila ng kwento. Kumain nalang kami ng kumain, nag kwentuhan din kami kahit papaano ni Kevin ng buhay niya. Nagustuhan din naman niya yong noodles kaya natuwa naman ako, napangiti nalang ako habang tinitignan siya.
"Busog?" Tanong ko. nag approve sign naman agad siya. "Hahaha. Busog talaga."
Nag-libot libot pa kami sa mall, naglaro pa kami at nag ingay sa kakakanta. Para kaming mga takas mental dahil sa pinag gagagawa namin, kaya pinagtitinginan nalang kami ng mga tao, eh. Hahaha. Natatawa nalang kami sa mga itsura namin, ito kasing si Kevin parang bakla. Ang hirap intindihin. Haha.
Pagka-labas namin sa mall, hinila ko agad siya sa bandang gilid non na may mga street foods. Natakam agad ako ng makita ko palang yong mga pagkain, para akong gutom na hindi talaga kumain sa sobrang takam. Tinignan ko si Kevin na nagtataka yong mukha kaya ngumisi nalang ako sakanya.
"Kakain tayo dito?" Nagtataka niyang tanong. Tumango naman agad ako habang nakangisi sakanya. "Seryoso ka?"
"Ssh, wag ka ngang maarte. Masarap dito promise, magugustuhan mo talaga." tumusok agad ako ng kwek kwek at sinawsaw, bago pa siya makasabat sinubo ko na agad sakanya yon. "Oh ano, masarap diba?" Yong mukha niya, parang inaalam pa kung ano bang lasa tsaka kung masarap ba o hindi kaya napangiti nalang ako sa itsura niya. "Oh ito pa, tikman mo." Sinubo ko naman sakanya yong isaw. "Kuya, penge pong dalawang buko."
Siya na yong kumuha ng kakainin niya, mas madami siyang kinuha na kwek kwek. Nagustuhan niya siguro, haha. Ang cute niya tuloy tignan. Kumain kami don ng kumain na para bang libre lang ang bawat pagtusok namin ng street foods. Ang saya niya din isama sa mga ganito, hindi maarte. Ang laki ng binayaran namin pero solve solve naman dahil nagustuhan niya.
"Dapat na siguro kitang iuwi, baka hinahanap kana nila tita."
Dumeretso na agad kami sa kotse ni Kevin at tulad kanina, sinakay niya 'ko sa kotse niya at kinabitan ng seatbelt. Tahimik lang kami sa buong byahe pero hindi pa din nawawala yong malapad niyang ngiti, hindi ko tuloy siya maintindihan. Pinag buksan niya 'ko ng pinto ng makadating kami sa bahay.
"Ah Kevin, baka gusto mo munang mag kape sa loob." Panimula ko.
"Ah wag na, salamat nalang Megan." Nginitian niya nanaman ako. "Megan, salamat sa araw na 'to ha. Nag-enjoy akong kasama ka, grabe, ang saya mong kasama kahit na ang lakas mong kumain. Haha. Ang saya na ikaw yong una kong nakasama sa pagkain ng street foods, yong iba kasing babae napaka-arte na para bang mamamatay don. Hahaha. Nabusog ako ng sobra, tsaka nasarapan din ako sa mga pinatikim mong street foods. Thank you for this day." Sambit niya. "Sana may next time pa."
"Nako, hahaha. Wala yon, jusko, maliit na bagay lang naman yon. Ikaw nga 'tong gumastos, eh." Natawa nalang siya. "Salamat din sa araw na 'to, ag-enjoy din ako Kevin." Sambit ko. "Na-appreciated ko naman na nagustuhan mo yong mga street foods at yong wala kang arte sa pagkain."
"Nag-enjoy ako sa first date natin." Napatigil nalang ako dahil sa sinabi niya. Tumawa nalang siya.
"Haha. Sige na Megan, pasok kana at matulog." Saad niya. "Good night, Miss Megan. Sweet dreams."
"Ah, Good night din Kevin. Ingat ka pauwi!" Pumasok na siya sa kotse pero binuksan niya yong bintana at ngumiti nanaman. "Bye." Nginitian ko nalang din siya.
Pumasok na 'ko sa loob at tingin ko lahat sila tulog na kaya dumeretso nalang ako sa kwarto ko. Naligo muna ako bago humiga sa kama ko, grabe napagod din pala ako sa pag-gagagala kasama si Kevin. Sobra akong nag enjoy ngayong araw dahil sa kakulitan niya, para talaga akong may kasamang bata kanina. Hahaha. Sana ganito nalang lagi, yong lagi ka nalang masaya at hindi na dadating yong lungkot.
Nakatulog nalang ako dahil sa iniisip ko at sa pagod.
------------------------------
Vote and comments are really appreciated, thank you. Enjoy reading babies! Loveyah all.
BINABASA MO ANG
Lost stars
Fiksi RemajaAkala niya nagmahal siya sa maling tao. Pero, yung tadhana lang talaga yung mali sadyang hindi niya lang inisip na mapaglalaruan sila. Masyado siyang nagseryoso sa isang bagay na walang kasiguraduhan na tatagal. When Darren Lim love the girl.