[Megan's POV]
Hindi pa din alam ni mama at papa yong nangyari sakin, isang linggo naman na yong nakaraan kaya ayoko ng sabihin pa.
Papasok pa lang ako sa Restaurant, hindi daw ako masusubdo ni Nathan kaya nagdala nalang ako ng kotse. hindi ko nga alam kung bakit hindi ako sinundo non, hindi naman niya sinabi yong gagawin niya kaya nagtataka lang ako.
Pagpark ko ng kotse sa parking may natanaw akong lalaki sa side mirror ng kotse ko, parehong pareho nung pormahan ng lalaking tumulong sakin, yong prince Charming ko.
Bumaba agad ako sa kotse pero bigla siyang tumakbo palayo. Ang weird, gusto ko lang naman siyang kausapin, baka siya yong tumulong sakin.
Bakit naman kaya yon nakatingin sa kotse ko? Tapos tumakbo pa nung bumaba ako. Aish, ang weird talaga ng taong yon. Naglakad nalang ako papasok sa Restaurant at bumungad sakin sila Allysa at Gabby na nag-aaway nanaman.
"Good morning. Oh, ang aga aga nag-aaway nanaman kayo." Bungad ko.
"Ito po kasi!" Sabay nilang saad. Natawa nalang ako kasi bagay silang tignan. "Che!" Nagtarayan pa sila sa isa't isa.
"Oh, tama na yan." Dumeretso ako sa locker room para itago yong gamit ko pero biglang kumulo yong tyan ko kaya lumabas ulit ako. "Bibili lang ako sa Convenience Store ah, pakisabi nalang kung may naghanap sakin." Tumango naman si Allysa.
Naglalakad ako papunta sa Convenience Store kasi hindi naman ganun kalayuan tsaka parang exercise ko na din 'to. Habang naglalakad ako pinagtitinginan ako ng mga tao. Ano bang problema nila sakin?
Bumili ako ng Cookies at sandwich tsaka ng maiinom. Bago ako makalabas, may nakabangga akong lalaki.
"Oops, sorry miss." Napatingin agad siya sakin. "Ah, Megan Castillo?" Ang laki ng ngiti niya na para talagang magkakilala kami. "Uy, long time no see." Sambit niya. "Kumusta kana?"
"Ahm, ito ayos lang? Teka, magkakilala ba tayo?" Biglang nawala yong gniti niya. "Ah sorry hindi ko kasi matandaan yong itsura mo."
"Ayos lang, ngayon lang naman tayo nag-usap sa tinagal tagal, eh. Schoolmate mo ko nung High School tayo estudyante ni Mrs. Guevarra, crush na crush nga kita, Lagi kang may banner sakin pag kasali ka sa mga contest, may mga gift ka din sakin pag may mga event tapos mga letters na dapat ibibigay ko sayo nung Graduation natin." Sambit niya. "Ah, Keith Sandoval nga pala."
"A-ah oh? Banners, letters, gift seriously? Haha, bakit hindi halata sayong gumagawa ka ng mga ganon para sakin." Mukha kasi siyang bad boy. "Ah, salamat sa mga yon Keith siguro isa yong banner na gawa mo nung sumali ako sa pageant." Tumango tango siya. "Salamat ha." Sambit ko.
"Wala yon, Megan. Crush na crush lang talaga kasi kita eh. Kinakapalan ko lang yong mukha ko ngayon pero nahihiya na talaga ako sayo."
"Nako, walang hiya hiya sakin aba aba." Natawa kaming pareho. "So, saan kana ngayon? May trabaho kana?"
"Oo sa Restaurant namin at Bar, boss wanna be." Sambit niya. "Ikaw Megan?"
"Baker ng isang Restaurant, ahm, Butterfly Restaurant malapit lang dito." Napanganga agad siya. "Ninong ko kasi yong may ari kaya yon."
"Woah, don ka lang pala. Lagi akong naduon pag gabi bakit hindi kita nakikita Megan?" Bigla lang nag sad face.
"Seven or Eight nauwi na ako eh, baka hindi lang talaga tayo nagpapang-abot." Sambit ko. "Atleast, ngayon nakita mo na ako diba?"
"Oo nga, next time dalhin ko sa Restaurant yong mga letters at baneers na ginawa ko sayo para mabasa mo."
"Seryoso? Buhay pa yong mga yon hanggang ngayon, nag college na tayo at lahat nasa sayo pa din." Napanganga nalang ako dahil sa sinabi niya. "Grabe ka ah." Natawa ako bigla. "Thank you anyways." Sambit ko. "Sige, see you next time nalang ah. Minsan dalaw ka din sa Restaurant para magkita tayo. Una na 'ko, baka nanjaan na kasi yong ninong ko."
BINABASA MO ANG
Lost stars
Teen FictionAkala niya nagmahal siya sa maling tao. Pero, yung tadhana lang talaga yung mali sadyang hindi niya lang inisip na mapaglalaruan sila. Masyado siyang nagseryoso sa isang bagay na walang kasiguraduhan na tatagal. When Darren Lim love the girl.