Chapter 41: Fangirling

20 1 2
                                    

[Allysa's POV]

May private number na tumawag sakin na na-aksidente daw si Sky at pinapapunta ako sa isang bahay na mukhang wala namang tao pero malinis. Kahit kinakabahan naman ako at naghihinala itutuloy ko pa din 'to para kay Sky, para sa idol ko na mahal ko pa.

Simula ng makita ko siya sa concert naging mag-kaibigan na kami, hindi niya turing sakin ang pagiging fan kun'di pagiging kaibigan at tao sakanya.

Pag pasok ko don nakarinig ako ng mga yapak ng sapatos kaya napa-upo at at napatakip sa ulo.

"Wag niyo po akong sasaktan, bibigay ko po lahat ng kailangan niyo wag niyo lang po akong saktan. Please, nagmamaka-awa po ako sa inyo!" Sigaw ko. "Please po, may mga pangarap pa po ako sa buhay! Maawa naman po kayo oh!"

"Talaga, ibibigay mo ang lahat?" Napadilat ako ng narinig ko yong boses ni Sky. "Kahit yong puso mo?"

Tinignan ko siya at tumayo. May hawak siyang dalawang heart balloon at nakangiti sakin.

"Kailangan ko kasi ng puso mo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Kailangan ko kasi ng puso mo." Mas nginitian niya pa ako, kaya napangiti nalang din ako kasi ang cute cute niya. "Oh wala ka pa ding sagot."

"Ano bang isasagot ko? Alam ko naman na part lang 'to ng fanservice." Bigla siyang sumimangot. "Ano, pinapaasa mo lang ako, eh." Sagot ko. "Ayoko ngang umaasa diba?"

"Sinabi ko bang umasa ka?" Ayan nanaman siya, nags-sungit hays. "Tulad nga ng sabi mo kanina, ibibigay mo ang lahat wag ka lang saktan diba? Eh, ang kailangan ko yong puso ni Allysa Tan at yong mismo siya." Nanlaki yong mata ko sa sinabi niya. "Look, hindi naman gagawa ng ganito ang isang Sky Villanueva kung part lang ng fanservice. Aish, alam mo yan kaya hindi 'to biro biro." Sambit niya. "Gusto kita Allysa Tan, gustong gusto."

"A-ano bang pinagsasasabi mo dyan! Nahihibang kana ba? Nako Sky, kulang ka lang siguro sa tulog kaya ganyan ka, umuwi kana nga at matulog. Baka mamaya wala na yan, o baka naman siguro nalipasan ka ng gutom. Aish, pasaway ka kasi, sabi ko sayo diba kumain ka sa tamang oras. Hay nako, Sky Villanueva." Saad ko.

Kinilig pa din naman ako sa sinabi niya kahit alam kong hindi totoo, pero sana totoo nalang.

Nakita ko yong pagka-inis sa mukha niya. "Alam mo din naman na minsan lang magbiro ang isang Sky Villanueva, Miss Allysa Tan." Habang nagsasalita siya, naglalakad siya palapit sakin kaya napapa-atras ako. "Sabihin mo nalang agad kung ayaw mo sakin para matigil na 'to."

"Eh, seryoso ka ba kasi talaga dyan Sky Villanueva?" Tanong ko.

"Opo Allysa Tan." Sagot niya.

"Hmm, paki-ulit nga nung sinabi mo kanina." Sambit ko. "Yong ano, yong gusto, gusto, ano yon?" Nginisian niya ko bigla kaya natawa nalang din ako.

"Gusto po kita Allysa Tan, gustong gusto. Tingin ko nga,"Biglang naging seryoso yong mukha niya at tumitig sa mga mata ko."mahal na kita, eh." Sambit niya.

"A-ano yon? Paki-ulit nga po, hindi ko kasi naintindihan ng mabuti." Nginisian ko nalang siya.

"Mahal na kita Allysa Tan." Sambit niya.

"Hindi ko marinig ng mabuti." Pag-iinarte ko.

Lumuhod siya taposntinaas yong dalawang kamay. "Mahal ko si Allysa Tan. I love you!"

"Tumayo kana nga dyan! Oo na, narinig ko na po." Tumayo siya tapos nagpagpag. "Ahm, thank you for the love."

Bigla siyang sumimangot. "Ayun lang sagot mo?" Tumango nan ako. "Aish, uwi na nga ako."

"Oh teka lang," huminto naman agad siya sa paglalakad. "Ayaw mo bang marinig na mahal din kita?"

"Ano yon? Paki-ulit nga."

"Aish, ayoko na nga. Ginagaya mo lang ako, eh." Bigla siyang tumawa at lumapit sakin.

"Napaka-pikon mo talaga, hahaha. Kaya ang cute mo, eh." Pinisil niya yong magka-bilang pisnge ko. "Pengw nga kong kiss dyan." Hahalikan na sana niya 'ko pero pinigilan ko ng daliri ko yong labi niya. "Oh bakit nanaman? Bawal ba?! Tanong niya.

"Aba, sinabi ko na bang girlfriend mo na ako? Hindi porket mahal kita, ganyan kana ha." Sumimangot nanaman siya, parang nagp-pacute sakin. "Wag mo kong idaan sa kakyutan mo, hindi ka pa nga nanliligaw, eh." Biglang nagtaka yong mukha niya. "Diba kailangan manligaw muna bago mo makuha yong kiss ko?" Bigla akong ngumisi.

"Ang manhid mo talaga. Hahaha." Bigla niyang ginulo yong buhok ko, nagtaka agad ako sa sinabi niya. "Dati pa 'ko nanliligaw sayo, hindi mo lang napapansin kasi nilalagay lo sa sarili mo na part lang ng fanservice ang mga ginagawa sayo ni Sky Villanueva." Sambit niya. "Ang daya, dalawang beses pa kita liligawan."

"Hala, bakit hindi ko alam? Manhid pala ako. Hahaha. Ayoko lang naman kasing mag-assume lalo na sayo, mukha ka pa namang paasa at manloloko." Bigla akong tumawa, tinignan naman niya 'ko ng masama. "Seryoso, ayun talaga ang tingin ko sayo."

"Grabe ka pala sakin." Sagot niya. "Ano na ba yong sagot mo? Ang tagal na kitang nililigawan, eh."

"Mamaya ko sasabihin yong sagot ko." Nginitian ko siya at inunahan maglakad.

Biglang umulan kaya dumeretso na agad kami sa kotse niya. Nag drive siya papunta sa tinitirahan ko. Nakatingin lang ako sa bintana habang nagd-drive siya. Pag dating namin don, naglabas agad siya ng dalawang payong para samin. Nag suot muna siya ng mask at salamin bago kami bumaba.

"Salamat sa pag hatid, Sky." Sambit ko ng makadating na kami sa harap ng building ng condo ko. "Ingat ka sa pag-uwi."

"Ah, sige ingat ka din Allysa. Goodnight princess." Nginitian ko siya at tuloy tuloy na siya sa paglalakad papunta sa sasaknyan niya.

Kinuha ko agad yong phone ko at nag text sakanya.

"Uuwi kana agad?" Sent.

[Sabi mo, eh.] Reply niya sakin.

"Hmm, wala ka bang balak hintayin yong sagot ko?" Sent.

[Hindi mo pa naman sinasabi, eh.]

"Syempre hindi mo pa naman ako tinatanong ulit." Sent.

"Hindi mo ba 'ko lilingunin dito?! Mauubos na load ko." Sigaw ko.

Humarap siya sakin at naglakad palapit sakin.

"Uulitin ko," Ngumiti muna siya sakin. "Can you be my queen?" Tanong niya.

"Yes. Yes ang sagot ko, Sky." Biglang napalaki yong maliliit niyang mata. "Girlfriend mo na 'ko ngayon, Mr. Sky Villanueva." Sambit ko. "Officially yours."

"Yes, girlfriend na kita? Ugh, girlfriend ko na si Allysa Tan. Sinagot na niya ko!" Nagtatatalon siya sa ulan pero pinigilan ko agad siya. Tumawa nanaman siya. "Ang saya saya ko Allysa, hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya." Sambit niya. "I love you so much, Ms. Allysa Tan."

"I love you too Mr. Sky Villanueva." Sagot ko.

"Kiss ko?" Ngumuso agad siya sakin, ohmygosh, ang cute cute niya.

"Heh! Ayoko nga, bukas nalang." Sambit ko. "Uwi na bilis, ang lakas na ng ulan oh." Hindi pa din siya tumutigil sa pag-nguso. "Baka magka-sakit pa tayo oh, uwi kana nga. Promise, bukas may kiss kana sakin."

"Okay, sabi mo po Ms. Allysa Tan." Sagot niya. "I love you Ms. Allysa Tan."

"Pangalawa mo na yan ah. Hahaha. Oo na sige, i love you too Mr. Sky Villanueva."

Hindi ako makapaniwala na boyfriend ko na ang isang Sky Villanueva na dati, idol ko lang ngayon boyfriend ko na.

-------------------------
Vote anf Comments are really appreciated, thank you! Enjoy reading babies! Loveyah all.

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon