Chapter 77: New York

6 1 0
                                        

[Nathan's POV]

Nandiro na kami sa kalagitnaan ng flight namin, papunta kaming New York ngayon. Kasama sila tito at tita pati na din si Shanna. Papunta kami don para sa operasyon na mangyayaei kay Blue. Matagal ng gusto 'to nila tita nung hindi pa malala ang sakit niya pero makulit siya kaya ngayon lang kami pupunta.

Planado na ang lahat. Lahat lahat ng gagawin bago pumunta sa New York. Ang pag iwan ni Megan kay Darren at ang marami pa. As in lahat. Alam na din 'to ng Shinyu at ni Mr. Punsalan.

Binayaran nila tito at tita ng malaki ang Shinyu para hindi maglabas ng kahit anong balita tungkol kay Megan. Pati na din ang mga news company na pwedeng maglabas ng kahit anong balita binayaran nila. Ayaw nilang may makaalam sa nangyayari ngayon at sa mga oras na 'to, sigurado akong hinahanap na siya ni Darren pero kahit anong gawin niya wala siyang makikita na kahit ano.

Gusto nalang ni Megan na ilagay sa limot ng lahat ng sakanya kaya nagbayad sila ng malaking pera.

Kinausap ko na din si Chasey tungkol dito sa private plane nila na 'to, sinabi ko sakanya ang lahat lahat. At buti na nga lang nagkusa siya na ipahiram samin 'to ng buong puso. Natutuwa din ako sakanya dahil naiintindihan niya ang lagay ni Megan ngayon.

Awang awa ako kay Megan, hindi niya deserve dalhin ang lahat ng sakit na 'to. Napaka bait niya, bakit siya pa ang nagkaroon ng ganito? Napatingin ako sakanya at pinilit ngumiti. Kung pwede lang sanang magpalit tayo ng lagay ngayon, ginawa ko na para hindi ka nahihirapan ng ganyan.

Kahit anong gagawin ko para kay Megan, kahit mahirapan pipilitin ko. Mahal ko siya. Mahal na mahal. Sobrang mahal.

Wala siyang malay ngayon at may nakakabit sakanyang nebulizer. May ganyan na siya simula kanina pa. Siguro mga walong oras na. Sobrang naawa na ako sakanya. Kitang kita ko kung gaano siya nahihirapan. Ang pagpatak ng luha niya at pilit paghinga ng maayos. Ang higpit ng hawak niya sa kamay ko kanina pa. Ginagawa niya 'to pag hirap na hirap na siya.

Wag kang mag alala, hinding hindi ko bibitawan ang kamay mo kahit na anong mangyari. Hindi ko hahayaang mawala ka. Nasa tabi mo lang ako palagi.

Naalala ko nanaman ang iyak at hikbi niya kanina. Sobrang sakit sa dibdib na makitang mahibirapan ang taong mahal mo. Ang hirap pero kailangan kong maging malakas para sakanya. Alam kong ako nalang ang kinukuhanan niya ng lakas at ayokong ipakita skaanya na nanghihina ako sa lagay niya ngayon. Hays.

Flashback

Nandito ako ngayon sa tapat ng building nila Megan. Dito ang usapan namin na magkita para umalis. Hindi pwedeng sa iba dahil baka may makalahatang fans at hindi pwedeng mangyari yon.

30mins na akong naghihintay pero wala pa ding bumababa na siya. Inip na inip na 'ko kakatayo dito kasisilip sa entrance. Wala pa din, aish. Nasaan na ba yon? Nahirapan kaya siyang umalis? Puntahan ko na kaya?

Naisipin ko ng pumasok ng building ng may marinig akong mga busina ng sasakyan na nakaagaw ng atensyon ko. Napatingin ako sa kalsada na may babaeng mag lalakad sa gitna na parang wala sa sarili.

Damn! Si Blue yon ah!

Tumakbo agad ako sa kalsada kahit anong layo non sa entrance ng building. Magpapakamatay na ba siya!? Aish! Bago pa siya maanuhan ng bus nahila ko na agad siya sa dibdib ko at niyakap ng mahigpit. Narinig ko agad ang malakas niyang hikbi at iyak. Ang sakit sa dibdib ng nangyayari sakanya ngayon.

"Magpapakamatay ba kayo ha!? Kung gusto niyong mamatay wag kayong mandamay ng ibang tao! Don kayo sa tulay!" Sogaw ng driver.

Yumuko lang ako. "Pasensya na po."

Pinunta ko siya sa kotse ko para makausap siya ng maayos. Pulang pula na ang ilong, pisnge at labi niya kakaiyak. Medyo naniningkit na din yong mga mata niya. Basang basa na ng luha ang mukha niya pero, maganda pa din siya.

Pinunasan ko ang mga luha niya at ngumiti sakanya. Ngiting peke pero ayokong ipahalata. Gusto kong pagaanin ang loob niya.

"Bakit mo ginawa yon, Blue?" Tanong ko.

Yumuko lang siya at nilaro ang mga daliri niya. "F-feeling mo w-wala na akong karapatan mab-buhay." Kinagat niya ang labi niya para siguro magpigil ng iyak pero kahit anong pigil niya tumutulo pa din ang mga luha niya.

Hinila ko ulit siya at niyakap. "Ssh, Blue. Hindi totoo yan, wag mong isipin yan." Sambit ko para pagaanin sana ang loob niya.

Hindi ko inalis ang yakap ko sakanya hanggat hindi siya tumitigil.

End of flashback

Naramdaman ko ang pag pisil niya sa kamay ko kaya napatingin ako sakanya. Nagsimula nanaman pumatak ang mga luha niya kaya agad ko 'tong pinunasan. Wala siyang malay pero ayaw tumigil ng pagpatak ng luha niya.

"Ssh, wag kang mag alala. Magiging maayos din ang lahat."

Hinalikan ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Sobrang lamig ng kamay niya na para akong may hawak na yelo.

Isang oras nalang lalapag na ang eroplano. Hindi na din ako mapakali sa tuwing padagdag ng padagdag ang oras. Nag aalala ako sa kung anong pwedeng mangyari sakanya dito.

Ginagalaw galaw ko ang mga daliri ko na hawak kong kamay niya ngayon. Ayokong may lumagpas na oras na hindi niya maramdaman na nandito lang ako sa tabi niya. Ginagawa ko din 'to para hindi siya mawalan ng pakiramdam. Ayoko lang mangyari ang kinakatakot ko.

Kinakatakot ko na mawala siya samin.

~~

Nakabantay samin ang mga body guards na kinuha nila tito at tita. Palabas palang kami ng airport ngayon. Ako ang may tulak tulak sa wheelchair ni Blue para ligtas siya. Sinabi ko kila tita na hanggat sa maaari gusto ko ako ang mag bantay at mag alaga kay Blue. Hindi naman nila ako tinanggihan.

Sinalubong agad kami ni Zach, kita ko sa mata niya ang pag aalala niya kay Blue. Lumapit agad siya kay Blue at niyakap 'to ng mahigpit.

"Pipay, lumaban ka lang. Wag kang susuko," Lumuhod siya sa harap ni Blue at hinawakan yong kamay ng mahigpit. "Nandito lang kami palagi para sayo. Hindi ka namin susukuan." Hinalikan niya pa sa noo si Blue habang nakapikit pagtapis ay humarap na siya samin.

"Tara na po, naghihintay na po ang mga van na magdadala satin sa Hospital." Sambit niya.

Sinundan naman namin ang lakad niya papunta sa parking. May tatlong van na naghihintay samin. Ang isa na pinaka malaki ang sinakyan namin papunta sa Hospital. Malaki 'to kaya kasyang kasya kami. Sa dalawang van naman yong mga gamit namin at yong body guards nila tita at tito. Kasama naman yong isang kasambahay ni Zach na si manang papuntang bahay nila Zach.

Bantay lang kami ni Zach kay Blue habang nasa byahe. Alam kong pareho kami ng nararamdaman ngayon, kaba at takot.

12 hours ng naghihirap si Blue. Nakakabit pa din sakanya yong Nebulizer niya. Ang tagal ng ng oras na naghihirap siya. Hays.

Blue wag kang mag alala, malapit na tayo sa Hospital. Magiging maayos na din ang lahat.

---------------
Thanks for reading! Vote and comments are really apprecuated, thankyou! Iloveyooou!

Happy new year reader! Last 5chapters. Hiho~

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon