Akala niya nagmahal siya sa maling tao. Pero, yung tadhana lang talaga yung mali sadyang hindi niya lang inisip na mapaglalaruan sila. Masyado siyang nagseryoso sa isang bagay na walang kasiguraduhan na tatagal. When Darren Lim love the girl.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
[Megan's POV]
Bigla niya kong niyakap ng sobrang higpit. Kahit anong pumiglas ko, hindi pa din siya umaalis. "Daga, miss na miss na kita. Wag ka ng magalit sakin, please."
Yung pang apat kong tulak sakanya, don siya kumawala pero napatumba siya. Hindi ko maintindihan kung anong nangyari, nawalan ba siya ng malay dahil don sa pagtulak ko? Binigay ko yong buong lakas ko para lang masakay si Nathan sa kotse niya. Kailangan ko siyang ihatid sakanila, sigurado akong hinahanap na siya nila Tito Arthur.
Kada nags-stop light tinitignan ko siya. Nag aalala ako sa bestfriend ko. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kung ako yung may kasalanan kaya siya nawalan ng malay.
Mabilis lang kaming nakauwi sa mansion nila Tito Arthur, hindi naman kasi ganon ka-traffic. Tinulungan agad ako ni Roman sa pagdala kay Nathan sa loob.
Pagpasok namin, si Tita Sophia agad yung sumalubong samin.
"Nathan." Inupo niya agad si Natha. "Megan anong nangyari sa Prince ko?" Tanong ni tita. "Bakit wala siyang malay at ang init niya?"
Ano bang isasagot ko? Hindi ko naman alam yung ginawa niya sa buong araw na 'to. Ayoko namang mag magaling kasi mali din ako. "Ah, tita Sophia, nag uusap lang po kami kanina sa tapat ng bahay at bigla na po siyang nawalan ng malay nung kumawala ako sa yakap niya."
"Pasensya kana Megan, naabala ka pa namin." Nginitian ko nalang siya. "Manang! Penge pong hot water and face towel ni Nathan." Utos ni tita. "Megan, samahan mo kami ni Nathan sa taas."
Bigla akong kinabahan dahil sa tono ng boses ni Tita. Ano bang meron kay Nathan? Sinundan ko nalang sila sa kwarto ni Nathan. Hindi naman masasagot yung tanong ko kung hindi ako susunod.
"Tita ano pong problema?"
"Megan, he is sick." Sagot ni Tita. "Megan, I'm sorry. Hindi ko kayang alagaan ng ganito si Nathan, nasasaktan ako." Nang-gigilid na yong luha ni tita. Naiintindihan ko naman si tita eh, nanay siya kaya alam kong nasasaktan siya pag ganito si Nathan. "Can you take care of him?"
No choice naman eh. Tsaka, bestfriend ko si Nathan kaya isa din ako sa nag-aalala sakanya. "Yes tita Sophia, I can take care of him." Sambit ko. Nginitian ko siya at ganon din siya. "Sige na po tita, ako na pong bahal kay Nathan. Wag na po kayong mag alala, gagaling po agad siya."
"Thank you, Megan."
Pinalitan ko muna si Nathan bago siyang punasan. Sanay naman na kong palitan siya ng damit, ako kasi laging nag aalaga sakanya sa tuwing may sakit siya. Yon yung gusto niya, eh. Mas sanay akong punasan siya pag nakapagpalit na siya ng damit. Nilagay ko yung face towel sa noo niya.
Kahit papano bumaba yung lagnat niya. Pag nagising siya tsaka ko nalang siya papainumin ng gamot. Magkakaroon nanaman kami ng isang oras na pagtatalo para lang uminom siya.