[Megan's POV]
Nakaupo lang ako dito sa kama ko habang kinakain yong mga pina-deliver ni Nathan, nakapalibot lang sila sa kama ko habang nakatingin sakin. Ang weird nila ngayon, para naman masyado silang nak-kyutan sakin. Hahaha.
"Bakit ba kayo nakatingin sakin ng ganyan? May dumi ba 'ko sa mukha o mukha akong matanda?" Nakatingin ako sakanila habang kumakain ng fries. "Magsalita naman kayo oh, nakakapanibago kayo, eh." Sambit ko. "Ahm gusto niyo ba 'to? Oh kuha kayo."
Inabot ko sakanila yong fries pero tinanggihan nila. Ang weird weird nila ngayon, may bago ba sakin o nakakaasar? Hindi sila umiimik. Nakangiti lang sila habang nakatitig sakin. Tinignan ko si Nathan, pareho din siya sa mga reaction ng tatlong babae.
"Ahm Nathan? Bakit ba ganyan kayo makatingin sakin? Para kayong nagagalit sakin na parang anytime gusto niyo na 'kong sapakin." Nag-pout ako. "Eh, kanina pa kayo hindi umiimik sa tuwing magsasalita ako. May problema ba sa inyo o sakin? Sabihin niyo sakin ha para maayos natin." Nginitian ko sila.
"Megs, sabi naman ng Doctor okay ka lang. Pero, bakit parang ibang Megan yong nagising?" Tanong ni Allysa. "Para kang anghel ngayon."
"Ha, ano yon? Tao naman akong nagising, wala naman akong pakpak tsaka powers. Paanong parang anghel don? May pakpak ba kong kayo lang ang nakakakita?" Tanong ko.
Bigla nalang silang napabuntong hininga.
"Ate talaga bang okay ka lang?" Tanong ni Shanna.
"Oo naman, Shanna! Sa totoo nga ang saya saya ko kasi umuwi kana. Miss na miss na kaya kita, akala ko sa december ka pa uuwi, eh." Sambit ko. "Ahm, Allysa, Xien, Shanna tsaka Nathan, wag niyo na 'kong titigan ng ganyan. Naiilang kaya ako, ayaw niyong ialis sakin yong mga tingin niyo."
Tinigil naman nila yong mga titig nila sakin, buti naman po kung ganon.
"Maiwan ka muna namin, Megs. Magpahinga ka muna, bukas nalang tayo magdaldalan. Don lang naman kami sa labas ng pinto, babantayan ka namin." Saad ni Xien.
"Okay sige, salamat sa inyo. Good night." Sagot ko. Naglakad na silang palabas at nahuli si Nathan.
"Hoy!" Sigaw ko.
Lumingon siya sakin na may gulat, nakahawak pa din siya sa pintuan. Umalis ako sa pinagkakaupuan ko at tumakbo papunta sakanya. Nginitian ko siya at niyakap ng mahigpit. Sobrang higpit na parang maiipit na siya.
"B-blue?"
"Ssh, wag ka ng umangal Nathan. Gusto kitang bigyan ng mahigpit na mahigpit na yakap na may love, dahil sa pag stay mo sa tabi ko lagi. Kahit sa mga ganito, nasa tabi pa din kita hinding hindi mo 'ko iniwan. Halata ko naman na ikaw yong naging nurse ko dito, kitang kita ko lalo na sa eyebags mo. May mga gagawin ka pa sa oras na nandito ako pero, mas pinili mong samahan ako. Busy ka pero ako yong inuna mo. Gusto kong magpa-salamat sayo Anthan kasi nandito ka para sakin. Salamat ng sobra, salamat sa lahat." Bumitaw ako sa yakap at tiningala siys, matangkad si Nathan, eh. "I love you bestfriend. Yey." Tumingkayad ako at hinalikan siya sa ilong. "Tangos naks. Hahaha." Sambit ko.
"Ang dami mong drama." Ginulo niya yong buhok ko. "Wala yon, basta ikaw Blue. Alam mo naman na bestfriend tayo haha. Basta ba wag ka lang kikiligin sa mga ginagawa ko sayo at marami pang susunod dito." Sambit niya. Sumimangot nalang ako. "Wag kana din umangal, hindi ka maganda." Hinila niya ko sa batok payakap sakanya. "Pahinga kana." Hinawakan niya ko sa ulo. "Good night."
"Pano ka? Saan ka matutulog?" Tanong ko. "Wala kang higaan."
"Don nalang ako sa Sofa mamaya, wag mo na 'kong isipin." Sagot niya. "Sige na, tulog kana."
"Hmm.. No." Hinila ko siya papuntang kama. "Tutal medyo malaki naman 'to, magtatabi nalang tayo. Hindi ka naman komportable matulog sa mga ganyan kaya itatabi nalang kita, tsaka para na din may nayayakap ako." Sambit ko. "Okay, dito tayo matutulog."
"Diba dapat si Shanna ang pinapatulog mo sa tabi mo?"
"Wag niyo ko isipin! Hihi. Sa bahay muna ako matutulog, pinapauwi na din ako ni mama, eh." Ang laki laki ng ngiti niya. "Ahm, sige na ate, matulog na kayo. Mauuna na din ako. Good night sa inyo, love you! Hihi." Sambit niya.
"Sabay na din kami sakanya, Megs." Sabay na sinabi nung dalawa.
Tumango tango lang ako. "Sige, ingat kayo ha. Good night, love you. Puntahan niyo ko bukas ah." Sambit ko. "Wala ng gimik ha!"
"Haha. Oo Megs, 'di ka naman namin kasama, eh." Sambit ni Allysa.
"Oh, dito kana talaga matutulog. Hahaha." Saad ko kay Nathan.
"May magagawa pa ba 'ko, Blue?" Umiling lang ako. "Matulog kana, susunod nalang ako mamaya."
"Hindi. Sabay tayo tutulog, wag ka ng maarte. Hmm!" Hinila ko siya sa kama dahilan para mapahiga siya sa tabi ko. "Yaan mabait na bakla. Haha." Kinumutan ko siya at tumingin sakanya. "Oh tulog na! Good night." Sambit ko.
"Psh, good night." Sagot niya.
Pumikat na 'ko para pumikit na din siya. Naghintay muna ako ng konting minuto bago dumilat, nakita ko siyang natutulog na.
Ang cute cute niya, akala ko talaga napaka-baait na lalaki. Haha. Halatang halata ko sakanya yong pagod at antok. Ang bilis niyang makatulog, tapos ang himbing pa hays.
Salamat talaga Nathan, super salamat sayo. Hindi mo 'ko pinabayaan mag isa. Mahal na mahal kita bestfriend.
Pag gising ko, wala na agad siya sa tabi ko. Nilibot ko agad yong mata ko sa buong kwarto pero wala siya dito. Hala baka nalaglag siya sa tabi ko?! Tinignan ko agad yong ilalim ng kama pero wala din siya. Tinignan ko din yong ilalim ng sofa pero wala din siya. Masaan na yon?
"Megan, anong ginagawa mo?" Napalingon agad ako sa pinto at nakita ko don si Zach at Nathan. "May problema ba?" Tanong ni Zach."
"Ah, Wala wala. Magp-push up sana ako, hehe." Tumayo agad ako at nagpagpag sa damit. "Ahm, good morning sa inyo. Akala ko hindi mo 'ko pupuntahan dito Zach. Magtatampo na sana ako. Haha." Sambit ko. "Eh, anong breakfast natin?" Excited kong tanong.
"Nagluto si Nathan ng mga paborito mong breakfast."
"Yan, dinamihan ko na. Alam ko naman na malakas kang kumain, eh." Bigla silang tumawa pareho. "Kumain kana para makapag pahinga ka ulit." Sambit niya.
"Pahinga nanaman? Akala ko ba naman makakalabas na 'ko mamaya. Bakit ganon? Hays." Pinuno ko alang yong bibig ko ng pagkain. "Grabe...miss ko na..yung labas." Uutal utal kong sinabi dahil sa pagkain. "Hmm. Okay naman na 'ko, malakas na din ako. Bakit ko pa kailangan mag stay dito?" Tanong ko.
"Kailangan pa n----"
"Pero gusto ko ng lumabas." Pagtatapos ko sa sasabihin ni Zach. "Ayoko na dito." Bigla akong sumimangot. "Day daya. Kayo nakakalabas, ako hindi hmp." Sambit ko.
"Hindi naman kasi kami yong nabangga diba? Wag ka na ngang makulit. Kumain kana jan." Saad ni Nathan.
Tumahimik nalang ako at kumain ng kumain. Infairness, ang sarap ng luto ni Nathan ha. Pwede na siyang nanay este tatay sa isang pamilya. Hahaha. Parang malalaway ka sa itsura lalo na pag nakain mo na.
Hmm.
Biglang may kumatok sa pintuan. "Ms. Castillo, may sulat po kayo." Pumasok si kuya tapos inabot sakin yong isang puting envelope. "Paki-sign nalang po." Sambit niya. "Thank you po."
"Salamat kuya."
Lumabas na siya sa kwarto kaya naglapitan sakin yong dalawa. Tinignan ko silang pareho at pareho nilang hinihintay na buksan ko yon.
"Oh kayo na magbukas. Mas mukhang excited pa kayo, eh. Hahaha." Bigla naman silang lumayo sakin. "Ano kaya 'to?" Binuksan ko yong Envelope at nakita kong isang sulat.
"H-hala.."
------------------------------------------------
Vote and Comments are really appreciated, thank you. Enjoy reading babies, loveyah all.
![](https://img.wattpad.com/cover/53632655-288-k168042.jpg)
BINABASA MO ANG
Lost stars
Teen FictionAkala niya nagmahal siya sa maling tao. Pero, yung tadhana lang talaga yung mali sadyang hindi niya lang inisip na mapaglalaruan sila. Masyado siyang nagseryoso sa isang bagay na walang kasiguraduhan na tatagal. When Darren Lim love the girl.