Chapter 46: Answer

28 1 1
                                    

[Megan's POV]

Nasa reality ba 'ko ngayon? Baka nananaginip lang ako. Pero hindi, eh. Totoo talaga 'tong pangyayari, alam ko tsaka ramdam ko.

Gusto daw ako ni Darren? Asi in ako, Blue Megan Castillo? Gusto niya ba talaga ako, ako yong kanina pa niya tinutukoy? Siya ba talaga si Darren? Baka kopya lang.

Darren na napaka-yabang at mahangin. Darren na kuya ni Dorries. Darren na pakamak sakin? Talagang si Darren Lim? Si Darren..

Narinig ko siya bumuntong hininga.

"Ako? Gusto mo 'ko? As in ako talaga? B-bakit.."

Hindi ko alam, ang hirap maniwala. Baka nagb-biro lang siya, baka hindi naman ako yon. Baka nagp-practice lang siya sa sasabihin niya. Ewan ko, hindi ko alam. Nalilito ako. Walang pumapasok na idea sa utak ko. Ano ba 'to?

Lumayo siya sakin at tinitgan yong mata ko. Kinikilabutan ako, hindi ko alam kung bakit pero tingin ko talaga may mali. Parang ang seryoso niya na hindi ko mapaliwanag.

Biglang bumilis yong tibok ng puso ko pero hindi ko alam kung bakit. Ano din bang nangyayari sakin? Nahihibang na ba yong puso ko, tumitibok nalang agad ng mabilis? Hays, wala na 'kong maintindihan.

"Megan, totoo. Oo, ikaw yong gusto ko."

"Bakit kasi talaga ako? Okay ka lang ba? Nawawala ka lang siguro sa sarili mo. Baka naman nahihibang kana? Lasing ka no? Hays, ako pa pinag-tripan mo aba."

"Gusto talaga kita, seryoso ako."

"Sampalin mo nga ako," biglang kumunot yong noo niya. "Joke lang, baka kasi panaginip lang 'to."

"Eh, Bakit ako? Marami namang magagandang iba dyan bukod sakin ah." Sambit ko. "Nandyan si Chasey, ayun."

"Tatanong ko sa puso ko pag nagkita kami." Tinawanan naman niya ako.

Abnormal talaga siya. Baka naman magkikita sila ng puso niya, hays. Pero seryoso talaga siya, eh. Hindi siya nagb-biro. Kitang kita ko sa mata niya kung gaano siya ka-seryoso sa mga sinasabi niya. Naguguluhan lang ako, bakit ako pang walang alam kung paano mag-handle ng mga ganito?

Tinitigan nanaman niya 'ko. Aish, ano ba 'to?! Tutunawin ba 'ko ng Darren na 'to? Ano ba yan!

"Ipapahiya mo nanaman ba 'ko? Wala ka man lang sinasabi, first time ko lang 'tong gawin. Hays."

"Eh, kasi.. Kung talaga namang gusto mo 'ko, bakit hindi ko man lang naramdaman?" Tanong ko.

"Paano mo kaya mararamdaman kung nilalayuan mo ako. Manhid ka kasi, eh."

Oo nga pala, nilalayuan ko siya.

"Manhid ba 'ko, bakit hindi ko alam? Ano ba 'to, parang hindi naman ako tao. Hindi ko alam na manhid pala ako." Sambit ko. "Ganon na ba 'ko ka-manhid para hindi ko maramdaman yon?"

"Nasa kanila lang kasi yong atensyon mo."

"Sorry.."

Ganon na pala ako ka-hard kay Darren? Hindi ko napapansin na.may ibang tao pala ang may kailangan ng atensyon ko, akala ko nabibigay ko ng maayos pero hindi pala. Naiinis tuloy ako sa sarili ko. Ang sama sama ko.

Hindi ko maintindihan pero nasasaktan ako sa nararamdaman niya.

"May chance bang magustuhan mo 'ko?"

Meron nga ba? May chance nga bang magustuhan ko si Darren? Pag tinatanong ko naman kasi sa sarili ko nab-blangko yong utak ko. Hindi ko alam yong isasagot ko. Hindi ko din naman masabing hindi dahil hindi naman ako sigurado. Bakit kasi hindi ko aalm yong isasagot ko? Bigla kong naalala si Kevin.

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon