Chapter 21: Preparation

18 2 0
                                    

[Nathan's POV]

Busy lahat ng staff sa Restaurant pati kami nila Dad at nila Megan tumutulong na din si Zach. Bukas na kasi yong Debut Party ni Dorries kaya todo handa kami para don.

Ilang araw na 'kong walang tulog, tinutulungan ko din si Megan sa pag gawa ng Cake kasi nag-aalala ako baka magkasakit siya pag siya lang gumawa non. May alam naman ako ng kahit papaano dahil tinuturuan niya 'ko pag may time.

"Nathan!' Sigaw ng familiar na boses mula sa likod ko, si Megan lang naman. Lumapit siya sakin na may ngiti. "Good morning sa best friend kong mabait minsan pero madalas masungit hihi." Napangiti naman ako sakanya. "Ahm Nathan oh, ginawa ko para sayo. Ilang araw kana kasing hindi nagpapahinga. Mukha ka na ngang zombie, eh." Sambit niya. "Oh ito po." Inabot niya sakin yong blue bag.

Pagbukas ko may pink box na nandon. Kinuha ko agad tapos tumingin sakanya.

"Pink box? Hmm?" Tumango naman siya. "Alam mo talaga favorite ko haha." Binuksan ko yon tapos namangha lang ako na ang ganda ng pag ayos niya. "Thank you dito, Blue. Hmm, ang bango."

"Kumain kana haha. Ayokong nagugutom ka Nathan." Nakangiting sagot niya. "Wag ka ng mag alala nauna pa 'ko sayo, dito mo na kainin yan." Sambit niya. "Isa pa, walang lason yan. Haha."

Kinain ko nalang yong gawa niya sa harap niya. Kahit nakakailang na nakatingin siya sakin, wala pa kong kain ngayong araw. Salamat nalang dito sa gawa ni Blue at ginawan niya 'ko.

Kumain nalang ako ng kumain para makatulong na din ako sa pag prepare ng Debut Party ni Dorries.

"Tulong muna ako ha? Sunod ka nalang pag tapos kana." Sambit ni Blue. "Eat well." Umalis siya sa table na tinatambayan namin. Tumulong muna siya sa pag aayos, alam kong magaling sa ganito si Blue dahil mahilig siya sa Arts.

Tinitignan ko lang siya habang kumakain, ang bait kasi ngayon ng bestfriend ko. Na-ankle sprain lang ganyan na agad? Aba haha, kung yun lang pala dahilan para maging mabait siya dapat dati pa ini-sprain ko na siya, haha.

Hindi ko masyadong naubos yong dala ni Blue kasi ang dami tapos sasabog na yong tyan ko kaya nilagay ko ulit sa bag na dala niya kanina. Kinuha ko yong bottled water sa bag ko tapos binuksan biglang tumakbo papunta sakin si Blue tapos hinawakan yong kamay ko.

Anong problema niya?

"Oops! Wag muna yan, may dinala ako para satin." Nginitian niya ko at kinuha yong backpack niya tapos naglabas ng dalawang Moo. "Oh, inumin mo na. Kung gusto mo pa kumuha ka nalang sa bag ko, okay? Hintayin kita don kila Allysa." Bigla niyang pinitik yong noo ko sabay takbo.

Natawa nalang ako sa ugali ngayon ni Blue, parang hindi siya. Napaka-caring niya talagang babae. Ang swerte ng mamahalin ng bestfriend ko, hindi siya magkakamali kay Blue. Napailing nalang ako sa iniisip ko, ininom ko nalang yong Moo na dala niya.

Babawi nalang ako sakanya mamaya.

"Yey! Natapos na natin! Haha." Sigaw ni Blue habang nagtata-talon. Natawa nalang kaming lahat. "Yehey!"

Gabi na din ng natapos namin 'to, ang laki kasi ng Restaurant tsaka ang daming decoration na pinalagay. Black and pink yong color na makikita mo dito na designs, yon daw kasi yong favorite ni Dorries.

Pagod na pagod na 'ko kahit yong mga kasama ko pero masaya pa din kasi sama sama namin 'tong natapos.

"Ang childish mo talaga Megan." Saad ni Allysa habang tawa ng tawa.

"Cute naman eh, haha." Tumawa din siya ng tumawa.

"Congrats satin guys, ang ganda ng natapos natin." Sambit ko. "So, kain tayo sa labas? Treat ko." Nagsigawan na yong mga staff.

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon