[Darren's POV]
Stay.
Yon lang ang kailangan ko sa isang relasyon pero bakit pinagkait pa sakin yon ng pinaka mamahal kong babae?
Sabi ko sa sarili ko, pag dumating na ang tamang babae para sakin ibibigay ko ang lahat. Kahit wala ng matira sakin. Sabi ko din sa sarili ko na siya ang seseryosohin ko, una at huli siya na. Pag dumating na yong babaeng yon.
Nung dumating sa buhay ko si Megan, hindi ko inakala na siya ang mamahalin ko ng ganito. Haha paano ba naman? Siya ang first love ko. Oo tama, nag iisa lang siya. Marami na akong napasok na relasyon bago siya pero lahat ng yon hindi ko sineryoso, siya lang ang first love ko. Sakanya ko lang naramdaman ang ganito. Sakanya lang ako nagseryoso.
Sabi ko sa sarili ko non, siya na talaga. Siya na ang babaeng papakasalan ko at makakasama sa buong buhay ko. Siya ang magiging nanay ng mga anak ko. Pero lahat pala ng yon mga kasinungalingan lang. Lahat pala ng yon kalokohan lang.
Naloko ko ang sarili ko sa mga simpleng paglalambing lang niya pero tulad lang pala siya ng ibang babae na pera lang ang habol sakin. Matapos kong magtapon ng pera sakanya ganito ang ginawa niya. Nakakaloko, nauto ako ng isang babaeng tulad niya. Wala siyang pinag kaiba. Hahahaha.
Mahal ko siya, mahal na mahal. Pero niloko niya lang ako. Pinaikot na parang isang mangmang. Matapos kong ibigay ang lahat sakanya tsaka niya ako iniwan.
Mahal ko siya pero puno na ng galit ang puso ko. Hindi ko alam kung marunong pa ba 'tong magmahal matapos ng ginawa niya sakin. Iniwan niya ako na wala man lang kahit isang explanation. Tuwing gabi na hihiga ako sa kama, ang daming tanong na gumugulo sa isip ko. Kung bakit niya 'to ginagawa sakin, kung ano ba yong punyetang dahilan niya at iniwan niya 'ko? Sa sobrang dami ng tanong parang sasabog na ang ulo ko.
Damn, nakakabakla 'tong ginagawa kong pagiyak pero sa bigat ng nararamdaman ko hindi ko na maitago. Letche punong puno na ng galit ang sarili ko. Galit para sakanya at para sakin.
Sabi nila dapat sa isang relasyon hindi mo binibigay ang lahat ng meron ka dahil ayan ang magiging dahilan ng sobrang sakit.
Siguro nga yon ang pagkakamali ko, binigay ko ang lahat ng meron ako. Binigay ko sa isang babaeng walang kwenta. Napakalaki niyang walang kwenta sa mundong 'to! Bakit hindi pa siya mamatay!? Damn.
Tatlong buwan.
Tatlong buwan na siyang wala. Tatlong buwan na din akong nagdudusa. Tuwing umaga at gabi, paghihirap ang nararamdaman ko. Kahit isa dito samin walang nakakaalam kung nasaan na siya o kung ano bang nangyari sakanya. Nakakaloko talaga. May lahing maligno ata ang babaeng yon nawawala nalang bigla.
Sa tatlong buwan na yon hirap na hirap na agad ako. Isang araw pa nga lang na wala siya para na akong masisiraan ng ulo. Ano pa kaya ang tatlong buwan? Aish! Nasanay ako na nasa tabi ko siya, nasanay ako na may Megan na nagmaamhal sakin mula psgmulat ng mga mata ko hanggang sa pumikit ako tuwing gabi. Pero ngayon, wala na. Walang wala na.
Andito lang ako ngayon sa bar nila Xien. Kabubukas lang nito nung nakaraang buwan, malakas naman ang kita dahil sikat 'tong bar niya. Nandito lang kami sa second floor sa may mga vip room. May mini bar din dito sa second floor at dito ako umiibom ngayon. Kami kami lang naman ang narito.
Sila Kevin at Sky, ang s-strong kasama ang mga girlfriend nila. Haha sana ganon nalang kami ni Megan. Sana hanggang ngayon kami pa. Pero wala man lang nangyaring closure samin ni Megan. Dito lang ako umiinom sa medyo tagong pwesto habang umiiyak.
Mahal na mahal kita Megan. Bakit mo ba kailangang gawin sakin 'to?
Napasuntok nalang ako sa gilid ko at napasipa din sa pader. Napatigil naman sila sa landian nila at inawat ako pero wala akong pakialam. Kaialngan kong ilabas 'tong nararamdaman ko.
"Yah!" Sigaw ko ng malakas at binato ang bote na nasa harap ko. Kahit anong sigaw ko dito hindi ako maririnig sa baba dahil sa lakas din ng music don. Eh kung marinig man, pake ko?
"Ano ba Darren!?" Sigaw ni Allysa. "Tumigil kana!"
"Megan!" Nagwawala pa din ako dito. Madalas ko na 'tong gawin pero wala akong pake. Masira na ang lahat ng meron ako, pake ko ba?
"Pre tama na." Inawat ako nila Sky at Kevin. Mas malakas sila sakin ngayon dahil hindi naman sila mga lasing kaya naawat nila ako ng ganon ganon nalang.
"Fvck! Pre, kailangan ko si Megan.."
Pinapaamo lang ako nila Sky at Kevin habang si Allysa at Xien naman umiiyak sa hindi ko malaman na dahilan. Ang weird.
"Darren hindi lang ikaw ang nahihirapan dito! Lahat tayo damay damay!" Sigaw ni Xien, humahagulgol na siya ngayon. "Pare pareho lang tayo ng nararamdaman! Mahirap, oo. Mahirap mawalan ng kaibigan. Pero kailangan natin maging matapang."
Matapang? Si Megan ang kahinaan ko.
"Kailangan ko ng explanation niya!" Sigaw ko.
"Gusto mo ba talaga malaman ang dahilan ng lahat ah!? Ha Darren!?" Sabat ni Allysa. Napatigil kaming lahat. Anong alam niya na hindi ko alam?
"Anong alam mo?" Tanong ko.
Mas humagulgol sila ni Xien. Hindi ko maintindihan ang lahat. Ano bang kapunyetahan 'to!?
"Patay na siya, Darren! Wala na si Megan!"
Nawalan agad ako ng lakas ng marinig ko ang sinabi ni Allysa. Hindi, hindi 'to totoo. Imposible. Hindi pa patay si Megan. Hindi ko na mapigilan umiyak ng todo dito sa sahig. Hindi ko matatanggap yong sinabi ni Allysa. Umiling iling ako habang nakatingin kay Allysa.
"Wala na yong girlfriend mo! Wala na yong bestfriend namin! Wala na si Megan! Oh ayan!? Masaya kana ba? Alam mo na yong dahilan!" Sigaw niya. "Darren tingin mo ba magiging masaya si Megan pag nakita ka niyang nagkakaganyan dahil sakanya ha? Kilala mo siya, ayaw niyang binibigyan ng sobrang atensyon." Dagdag pa niya.
"Ngayon, ngayon mo ilabas ang galit mo sakanya." Sabat ni Xien.
"I-imposible.." Yon lang ang tangi kong nasabi.
Yong babaeng mahal ko, wala na. Patay na? Imposible 'to. Malakas si Megan. Matapang siya.
Kung ganon man nga. Ano naman ang dahilan? Wala akong maisip na dahilan para mawala siya ng maaga. Hindi, hindi pwedeng patay na siya.
Matatanggap ko pa kahit papano na iniwan niya na ako para sa iba pero itong sinasabi ni Allysa na patay na siya? Hindi ko matatanggap yon. Hindi ako mapapakali sa sagot na yon.
Imposibleng wala na siya.
Kung wala na siya, hindi na din dapat ako mabuhay. Hindi na dapat mabuhay ang Darren na minahal ni Megan. Kailangan mawala na din yon. Bakit kailangan ko pangmagpatuloy sa ganito kung yong dahilan ng pagbabago ko wala na? Kailangan ko na din mawala.
Kailangan na din mawala ng Darren na kilala nila.
Napakalaki kong siraulo para sabihin na sana namatay na siya kung ganon na hindi ko naman pala kaya. Nakakaloko.
Dapat ibasura na ang lahat.
Simula sa gabing 'to, lahat ng pinagsamahan namin ni Megan ibabaon ko na sa limot. Pati na din ang Darren na minahal niya.
Simula na para bumalik ang dating Darren.
Wala na ang lahat.
--------------------
Thankyou for reading! Vote and comments are really appreciated, thankyou!Hello reader! Next chapter, Epilogue. Huhu be readyyy! Iloveyou!
BINABASA MO ANG
Lost stars
Teen FictionAkala niya nagmahal siya sa maling tao. Pero, yung tadhana lang talaga yung mali sadyang hindi niya lang inisip na mapaglalaruan sila. Masyado siyang nagseryoso sa isang bagay na walang kasiguraduhan na tatagal. When Darren Lim love the girl.