Chapter 24: Lonely

20 2 0
                                    

[Nathan's POV]

Mag gagabi na pero hindi pa din siya nagigising. Kinakabahan ako lalo habang tumatagal kasi sabi ng Doctor kagabi magigising na agad siya pero ngayon wala pa din. Inaantok na 'ko dahil wala pa kong tulog simula ng mangyari yon pero ayoko naman matulog hanggang hindi ko siya nakikitang gising.

Ako lang mag isang nagbabantay sakanya ngayon dahil pumunta muna si Zach sa bahay nila Tita para kumuha ng mga gamit ni Blue. Nandito lang siya ngayon, nakahiga sa kama na walang malay. Para lang siyang Anghel na natutulog dahil sa amo ng mukha niya.

Aish, miss ko na talaga siya.

Bigla akong tumayo ng pumasok yong Doctor. "Doc." Sambit ko.

"Nathan, hindi ko din alam kung bakit hanggang ngayon wala pa din siyang malay. Pag umabot pa 'to hanggang bukas ng gabi, pwedeng umabot 'to ng 1 to 2 weeks dahil sa comatose." Saad ni Doc.

Biglang nanghina yong mga tuhod ko, hindi ko inaasahan yong sasabihin ni Doc. Parang huminto yong mga oras ngayon, hindi ko alam pero parang gusto kong manuntok.

"Ah sige, maiwan muna kita Nathan."

Sana naman magising na 'tong babaeng 'to bukas, mahirap pag tumagal pa ng weeks 'to. Ang daming naghihintay sakanya, ang daming nag aalala. Lalo na ako, sila tita.

Napalingon nalang ako ng narinig kong bumukas yong pinto. Ngumiti nalang ako ng bahagya kila Allysa at Xien ng makita ko ulit sila dito. May mga dalang prutas at paboritong bulaklak ni Blue.

"Hindi pa din siya gumigising.." Saad ni Allysa, napayuko nalang ako.

"Sana gumising na si Megan. Gaganti pa kami sa Chasey na yon, eh." Sambit ni Xien. "Megs, gising kana, please. Susugod pa natin ang bandila natin sa Chasey na yon, diba?" Napailing nalang ako kay Xien, abnormal talaga silang tatlo. "Gising na sabi, eh. Wala namang dadating na Prince Charming dito na hahalik sayo. Ano ba! Hindi ka si Snow White ha, wag kang ano dyan."

"Para ka lang dyan baliw, Xien." Singit ni Allysa.

"Tumigil na nga kayo, kahit anong gawin natin hindi tayo maririnig ni Blue. Magdasal nalang tayo na sana magising na siya, Okay?" Tumango lang silang dalawa.

"Hindi ba 'to nagugutom? Alam ko pagkain lang di inuurungan nito, bat di pa siya gumigising? Konti lang nga kinain niya sa party eh." Sambit ni Allysa.

"Kita mong tulog eh! Pag tulog ka ba sis nakakaramdam ka ng gutom? Diba hindi?" Sabat ni Xien. "Oh diba, syempre hindi din siya sis. Hay nako!"

Biglang nag vibrate yong phone ni Allysa kaya napatigil sila. Napatingin siya bigla samin dalawa ni Xien. Sino kaya yong nag text?

"May padating dito."

"Sino?" Sabay naming tanong ni Xien. Biglang bumukas yong pinto at sabay sabay kaming napatulala. Bakit nandito na 'to? Bat biglaan? Nakakainis, walang pasabi sakin.

Napatayo agad ako. "Bakit nandito kanang bata ka?! Hindi mo ba naisip na magagalit sayo si Blue pag nakita mo siyang ganito! Pasaway kang bata ka! Manang mana ka kay Blue." sambit ko. "Ako mapapagalitan sa babaeng 'to pag nakita ka niya dito."

"Eh kuya Nathan! Gusto ko ng makita si ate tsaka, nag-aalala na 'ko ng sobra sakanya. Hindi ko na kaya don sa Japan mag aral ang boring boring tapos dinaanan lang ako don nila mama tsaka hindi ko na din alam gagawin ko don kakaisip kay ate." ang daming sinabi. "Kamusta na yong ate ko? Bakit hinfi pa siya gumigising, akala ko ba naman gising na siya?"

"Parehong pareho ka talaga sa ate mo, ang daming lumalabas sa bibig." Sambit ko. "Okay naman na siya pero hindi pa din siya nagigising. Natatakot na nga kami, eh."

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon