[Megan's POV]
Masaya yong naging birthday ni Zach. Masyadong bongga kasi reserved yong buong pool area at rooftap, napuno ng black and white colors, banners at disco lights. Marami din pumunta kagabing mga old classmates niya. Na-out of place nga ako dahil ako lang babaeng kaibigan nila, sila mama at papa pati sila tita magkakasama ayoko naman na guluhin sila dahil ngayon nalang sila nagsama-sama. Buti nalang hindi ako pinabayaan ni Nathan mag-isa son sa gilid balak ko na kasing matulog nalang kagabi.
Nakatitig lang ako sa Kwintas na may Korean name ko, nakita ko siya kahapon na nakasabit sa door nub ko. May kasama din siyang Minnie Mouse na medyas, hindi ko nga alam kung kanino galing 'to eh pero gusto ko siyang ma-meet someday para makapag thank you sa bagay na 'to.
"Oh, ready kana Blue?"
"Ah, oo ready na ready na nga eh. Ikaw, kayo? Nako, ang bagal bagal niyo, ako kanina pa tapos oh!"
"Kanina pa kami nasa baba, nasa kotse na nga mga gamit namin. Ikaw nalang yung hinihintay namin." Ay, pahiya ako. "Halika na nga, daldal mo pa eh. Iwan kita jan eh!" Sambit niya.
"Baka kaya mo no, tulungan mo na nga lang ako dalhin 'tong mga gamit ko. Ang bigat kasi Nathan eh."
Pang-dalawang araw lang yong dala kong damit pero ang bigat na ng maleta ko. Mga kailangan ko lang naman nilagay ko tsaka yong panda na regalo sakin ni Zach, ayoko kasi 'tomg iwan dito. Bumaba na kami at bumungad samin ang malaking Private Bus namin at kotse ni Nathan. Tinignan ko agad siya kaya nagulat siya.
"Sabi mo kotse, bus 'to eh!" Sigaw ko. "Akin na nga yong maleta ko!" Hinila ko agad yon papuntasa bus pero hinawakan yon ni Nathan. "Wah! Ano ba? Sasakay na 'ko pusa!"
"Hindi ka jan sasakay, sa kotse kita."
"Seriously? Nandito sila mama sa Bus kaya dito din ako, kung gusto mo si Lian nalang isakay mo sa kotse mo." Nginitian ko siya para maasar siya lalo. "Okay, pwede mo na pong bitawan yong maleta ko."
"Aish! Jan na nga lang din ako, nakakainis ka talaga Daga." Kinuha niya yong mga gamit niya sa kotse tapos pinatago niya sa assistant niya yong susi. "Tara na," kinuha niya din yong maleta ko at sumakay na sa bus. "Akyat na!"
Umupo ako sa tabi ni Zach at tulog na tulog siya. Magpuyat daw ba naman siya? Ito naman si Nathan hindi binawal si Zach the birthday boy. Nageraphone nalang ako at pinatong ko din yong ulo ko sa balikat ni Zach. Matutulog nalang din muna ako, medyo antok pa kasi ako dahil sa kabusugan ko.
~~
"Blue, gising na andito na tayo."Dahan-dahan kong binuksan yong mata ko at bumungad sakin sila Zach at Nathan. Nginisian ko agad sila, "Hello." Sambit ko. "Mauna na kayo, susunod nalang ako. Teka lang."
Bakit ba 'ko nanaginip na ikakasal daw ako? Wala pa naman sa isip ko yon at gusto ko munang mag enjoy. Sino naman kaya yong lalaking yon? Blangko yong mukha niya ng naglalakad daw ako sa mahabang red carpet. Tingin ko kilala ko siya pero hindi ko alam kung sino. Aish ewan, kakalimutan ko na nga lang yon. Panaginip lang naman yon eh.
Pagbaba ko sa Bus natanaw ko na agad yong long table na nasa white sand. Konting tao lang yong nandito, Actually kami lang yong tao dito. Gusto kasi nila mama at papa na kami kami lang at walang ibang tao kaya binili muna nila 'to for two days. Malinis yong tubig blue na blue tsaka maganda dito kasi may mga rooms na pwedeng tulugan at may restobar sa harap lang ng dagat puro seafood. May pool din sa gilid nito kaya talagang magugustuhan mo yong lugar para sa mga celebration na tulad nito.
"Hmm, ang bango naman. Nakakagutom." Sambit ko ng makadating ako sakanila.
"Kailan ka ba nabusog?" Sabay nilang sinabi ni Zach at Nathan. Tinarayan ko nalang sila.
Kukuha na sana ako ng hipon pero hinampas nila yong kamay ko. "Ouch! Kakain lang naman ako ah."
"Alam mo namang allergy ka jan diba?"
"Dala ko naman po yong gamot ko, wag po kayong mag-alala."
"Megan, makinig ka. Bawal sayo yan kaya hindi ka kakain nyan." Sambit ni papa.
"Okay pa." Kinuha ko nalang yung Chicken legs at kumain sa isang tabi. Gutom na gutom na talaga ako, parang isang linggo akong hindi kumain. Ay ewan. "Saan kayo pupunta?"
"Magpapahinga muna kami ng papa mo baby girl." Sambit ni mama.
"Kami din." Singit ng parents nila Zach at Nathan.
"Eh Zach at Nathan, saan naman kayo pupunta?" Tanong ko.
"Bibili lang kami ng mga drinks, wala pa tayo eh." Magpapanglayo pa sila. "una na kami."
"Saan naman kayo bibili? May restobar naman dito ha! Dun nalang kayo bumili, magsasayang pa kayo ng pagod niyo." Sambit ko. "Ano iiwan niyo kong mag-isa dito? Sama niyo.."
"Drama mo! Kumain ka nalang jan." Sambit ni Nathan.
"Alam mo naman na yong bawal sayo kaya wag mong kainin yon." Sambit ni Zach.
"Opo mga boss.."
-
"Happy new year!" sabay sabay naming sinabi. Nagsimula na silang magpaputok kaya ako nasa gilid lang, takot ako sa paputok. Kinuha ko nalang yong takip ng kaldero na hiniram ko dito sa Resort at nag ingay. "Mag-ingay!" Natawa nalang sila kasi tumongtong pa 'ko sa upuan at nag ingay. "Wuhoo!" Sigaw ko."Baka malaglag ka jan Megan!" Sigaw ni Zach. Umiling iling lang ako. "Bahala ka jan pag nalaglag ka." Nginitian ko nalang siya. "Wooh!"
Kumain muna tayo!"
Lahat kami nagsisigawan dito dahil sobrang ingay na. Natatawa nalang kami sa gawain namin ngayon, para kaming mga nag-aaway.
Enjoy kaming kumakain dito dahil lahat ng favorite namin nasa lamesa. Ininggit pa nila 'ko sa mga seafoods dahil chicken at liempo lang yong pwede kong kainin. Lagi nalang nila akong trip, kainis.
Nabusog din naman ako kahit papano dahil naubos ko yong kalahating pakwan. Sasabog na nga ata yong tyan ko dahil sa mga nakain ko. Ngalay na din yong kamay ko kakaingay ng takip ng kaldero, naririndi din yong dalawa kong kaibigan kasi tinatapat ko sa tenga nila yon.
Bagong taon na kaya gusto ko ng magbago kahit wala naman akong kailangan baguhin. New years resolution ko mas galingan pa ang pag-bake dahil siya talaga ang gusto kong gawin.
Happy 2016.
-
Vote and Comments!
BINABASA MO ANG
Lost stars
JugendliteraturAkala niya nagmahal siya sa maling tao. Pero, yung tadhana lang talaga yung mali sadyang hindi niya lang inisip na mapaglalaruan sila. Masyado siyang nagseryoso sa isang bagay na walang kasiguraduhan na tatagal. When Darren Lim love the girl.