Chapter 63: Misunderstanding

18 1 0
                                    

[Megan's POV]

Nagising ako dahil sa ring ng phone ko.

Argh! Sino bang abnormal ang tatawag sakin ng ganitong oras? Ang sarap sarap pa ng tulog ko nang iistorobo. Sinagot ko agad yong tawag, aish abnormal nga 'to.

"Hello.. Ang aga mo atang napatawag? Hindi ka nalang pumunta dito sa kwarto."

["Nandito na ako sa baba boo, wala na ako dyan. Sorry."]

"Ha? Eh, anong ginagawa mo dyan sa baba ng ganitong oras?" Napalabas agad ako ng kwarto ko para hapain siya pero wala talaga, akala ko nag bibiro lang siya.

["May practice pa kasi kami ng sayaw nila Kevin, mamaya na kasi yong Event."] Sagot sa kabilang linya.

"Ganon ba? Bakit hindi mo agad sinabi sakin?" Sambit ko. "Nasaan kana ba? Hintayin mo muna ako boo, sasamahan nalang kita."

["Ssh, wag na boo. Okay lang ako, magpahinga kana lang dyan. Gusto ko lang marinig boses mo para may lakas ako."]

Tumahimik muna ako, ang aga aga pinapakilig agad ako ng abnormal na 'to, nakakainis!

["Kumain kana ng breakfast mo boo, nilutuan kita dyan nasa table mo lang. Behave ka lang dyan okay? Wag magpapasok ng kung sino sino."]

"Yes boss!" Nag salute pa 'ko kahit hindi niya nakikita at tumawa. "Ikaw ang mag behave dyan! Mamaya may makita ka lang na sexy na babae kausapin mo nanaman, hmp." Saad ko, narinig ko naman yong tawa sa kabilang linya. "Wag mo 'kong tinatawanan Mr. Darren Lim, seryoso ako."

["Opo ma'am, masusunod. Hahaha, sige na boo. Matulog kana ulit, iloveyou."]

"Iloveyou more Darren ko. Ingat ka sa practice."

Pinatay niya na yong tawag kaya bumalik na ulit ako sa kama ko, nakatingin lang ako sa kisame dahil nawala na yong antok ko. Kasi namang Darren yan, nakakainis na talaga! Gusto ata akong magkasakit ng Diabetes.

Pinipilit kong matulog ulit pero hindi na ako inaantok. Bumangon nalang ako at kumain, naligo ako pagtapos kong kumain. Pupunta muna ako sa Shinyu, ayokong mag isa dito.

Bago pa ako makababa, nakatanggap ako ng text.

From: Boo

Hello boo, nasa side table mo pala susi ng kotse mo. Pinakuha ko sa mga guards para may magamit ka. Iloveyou.

Kinuha ko agad yong susi tapos dumeretso sa parking, buti nalang walang tao kaya hindi ko na kailangan mag disguise. Pumunta agad ako sa Shinyu, Sumakay ako sa elevator na bakante, pag sumasakay kasi ako dito gusto ko mag isa lang ako. Pasarado na sana pero may isang lalaking humabol. Pagtingin niya sakin ngumiti agad siya.

"Swerte ko talaga, girlfriend ko pa kasabay ko sa elevator." Pinidot niya na yong floor kung saan kami. "Kinain mo ba yong niluto ko?" Tanong niya.

Tumango ako at nginitian siya. "Diba boo, may practice ka? Bakit nandito ka?"

"Hm, may kukunin lang ako sa room ko na importante boo." Sagot niya tapos ginulo yong buhok ko.

"Ano naman yon boo?" Tinitigan ko siya sa mata niya. Baka kasi magsinungaling siya hehe. "Bakit parang ayaw mong sabihin sakin?"

Niyakap niya ko ng sobrang kalmado, ang sarap sa pakiramdam. Para kaming sumasayaw habang magkayakap.

"Mga paper works lang yon ni Dorries, boo. Wag kang mag alala, nag iisa ka lang po." Hinalikan niya pa ako sa ulo. Ngumiti nalang ako kahit hindi niya 'ko nakikita. "Okay na ako sa isang Blue Megan Castillo, boo."

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon