[Megan's POV]
"Shanna, bilisan mo naman dyan. Magj-jogging lang tayo grabe kanang mag ayos, jusko." Sambit ko.
"Oo, ito na ate." Bumaba na agad siya at tumayo sa harap ko. "Tara na?"
Kinuha ko muna ying tubig namin tsaka dumeretso sa labas. Paglabas ko ng gate may nakita agad ako na pamilyar na kotse. Pagka-harap ko sa harap ng bahay namin nakita ko agad si Darren.
"Darren! Anong ginagawa mo dyan?!" Tanong ko. Tumingin lang siya sakin tapos ngumiti. "Ang aga aga nandito ka."
Tumakbo agad siya papunta sakin. "Ang aga aga, sumisigaw ka agad." Bigla siyang nag pout, tch ang arte talaga nito. "Good morning my queen." Kumindat pa siya sakin pero tinignan ko lang siya ng masama. "Oh ano, galit ka nanaman."
"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Tanong ko ulit. "Baka makita ka nila mama." Sambit ko. "Hindi pa nila alam yong tungkol sayo."
"Edi, ipapaalam natin." Sagot niya.
"H-hala?! Wag, lagot ka lang kay papa. Masungit si papa."
"Nako kuya Darren, wag kang maniwala dyan kay ate. Okay na okay lang na magpa-kilala ka." Singit ni Dorries.
"Oops, sabi na ng kapatid mo."
Bigla niyang hinawakan yong kamay ko at hinila papasok sa bahay. Si Dorries naman nangunguna sa pagbukas ng pinto, psh. Seryoso ba talaga 'tong lalaki na 'to? Magpapakilala siya sa parents ko? Tch, kung akala niya lang kung anong ugali ni papa.
Saktong bumungad sila mama at papa sa harap ng hagdan. Parehong natigilan sila pero si Darren nakangiti lang ng malapad.
"Good morning po Mrs. and Mr. Castillo!" Bati niya. "Andito po pala ako para umakyat ng ligaw sa anak niyong si Megan."Tumingin agad sakin sila mama.
"H-hala, wala po akong alam dito." Sambit ko.
"Payag ako dito sa batang 'to. Astigin pumorma tsaka mukhang matino naman." Halos malaglag yong panga ko dahil sa sinabi ni papa. Seryoso ba siya? "Basta wag na wag mong sasaktan yang si Megan kung hindi, alam mo na mangyayari sayo."
"Okay, payag na din ako." Sambit ni mama.
"Salamat po. Pangako po, hindi ko po sasaktan yong anak niyo, mahal na mahal ko po ata 'to." Para siyang batang nagmamalaki, tch.
"Oh, tara na. Samahan mo na kaming mag breakfast." Aya ni mama.
Nanguna na sila na parang hindi nila napansin na nandito ako. Umupo si Darren sa tabi ni papa, bale nakagitna siya samin ni papa tapos kaharap niya si mama.
Kain lang siya ng kain na para bang bata, napapangiti nalang ako sa kakyutan niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Kaya niya palang tapakan ang pride niya para lang mapakitang seryoso siya.
BINABASA MO ANG
Lost stars
Fiksi RemajaAkala niya nagmahal siya sa maling tao. Pero, yung tadhana lang talaga yung mali sadyang hindi niya lang inisip na mapaglalaruan sila. Masyado siyang nagseryoso sa isang bagay na walang kasiguraduhan na tatagal. When Darren Lim love the girl.