Chapter 8: Christmas Day

32 3 0
                                    

[Megan's POV]

Ilang oras nalang pasko na. Lahat ng pagkain nakahain na sa lamesa. Nakagawa na din ako ng desserts namin. Medyo napadami dahil nag-request si Nathan ng brownies, pumayag ako pero dapat tutulungan niya ko. Yon yong kondisyon ko sakanya, wala naman siyang magagawa pag ako na nagsalita eh.

Si mama at papa nag-aayos na sa taas. Excited na excited sila sa pasko. Medyo mahaba-habang oras pa yong hihintayin bago mag pasko eh. Sabagay, hindi ko din sila masisisi. Ngayon nalang din naman kasi sila magc-celebrate kasama kami.

Si Nathan, umalis agad pagkatapos naming mag-dinner. May aasikasuhin daw siya, nakakapagtaka na gabi siya may aasikasuhin. Naiinis na 'ko sakanya. Kanina ko pa siyang tinext, tinawagan ng ilang beses pero wala pa ding Nathan na dumadating dito sa bahay.

Siguro nag date muna sila ni Lian. Hahaha. May gusto din ata yon sa babaeng yon eh. Ayaw lang sabihin sakin. Pag tama lang talaga ako, isang buwan o higit pa ko siya hindi papansinin. Bestfriend niya ko tapos magtatago siya sakin. Aba, sinong hindi magagalit don diba?

Pumunta muna ako sa sala para tignan sila Allysa. Ang saya nilang tignan, para silang taong walang problema kaya kahit sinong makakita sakanila mapapangiti. Nakuha ko bigla yung atensyon nila kaya inaya nila akong sumama sakanila, lumapit naman ako.

"Ang saya-saya niyo ha." bungad ko sakanila.

"Sila po kasi Miss Megan, inaasar ako." Biglang sumimangot si Allysa. Ang cute cute niya, para siyang baby na ang sarap pisilin yung pisnge.

"May celebrity crush po kasi siya Miss Megan," Sambit ni Gabby. "Na never mapapa-sakanya. Ang taas ng piapangarap mo Allysa."

"Crush lang naman eh. Tsaka, hindi ako umaasa." Kahit ang laki ng ngiti ni Allysa, kita ko pa din sa mata niya na nasaktan siya sa sinabi ni Gabby. Kung ako din naman nasa kalagayan niya, masasaktan din ako. "May girlfriend na din siya."

Ako ang nasasaktan para kay Allysa eh. "Ah, Allysa tawag ka nga pala ni manang." Mas mabuti ng matapos yung usapang yon. Halata naman kasi na crush na crush yon ni Allysa, kung sino man yon.

Dumeretso muna ako sa kwarto ko, ccheck ko kung kompleto ba yong regalo ko sakanila. Baka may nagalaw ako o nakalimutan bilhan. Kompleto naman ng tignan ko. Lahat sila may regalo.

Regalo, may regalo kaya sakin yung Nathan na yon? Kanina ko pa siya hindi ma-contact. Nasaan na ba yong lalaking yon? Gala ng gala, makarma siya jan mamaya sa mga pinag gagawa niya eh.

Matutulog muna 'ko. Almost three hours pa yong hihintayin ko bago mag pasko. Wala na din naman akong gagawin, wala din naman mangungulit sakin na pusa ngayon. Naligaw na siguro yong pusang yon.

~~
"Daga."

Narinig ko yong boses ni Nathan kaya napadilat ako. Nakatitig lang siya sakin habang natutulog ako? Nakakatunaw yong mga tingin ngayon ni Pusa. Nakakain ba 'to ng tinik at ganito kung makatingin?

"Problema mo?" Bungad ko.

"Ang sama mo sakin daga, ang gwapo na nga ng bumungad sayo eh." Sambit niya. "Kanina pa kita ginigising eh. Lagpas twelve na kaya nagkakainan na sa baba."

"Gwapo, saan yong gwapo?" Umakto akong naghahanap."Ah, ganun ba? Ikaw kasi eh, alis ka ng alis. Bored ako kaya natulog muna 'ko."

"Sor--"

"Wag ka ng mag-sorry. Naiintindihan ko naman na nag date muna kayo ni Lian." Pagpuputol ko sa sasabihin niya. Bigla naman kumunot yung noo niya. "Oh ano nanaman? Noo mo nanaman."

"Ewan ko sayo Daga!" Naglakad siya papuntang pinto. "Bumaba kana, kanina ka pa hinahanap sa baba."

Nagalit nanaman. Wala namang mali sa sinabi ko eh. Tumayo na ko at inayos yong sarili. Hindi naman nagulo yung buhok ko ng sobra kaya konting suklay lang 'to. Hinagod ko yung damit ko para maayos ng konti.

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon