Chapter 20: Rescuer

24 2 0
                                    

[Megan's POV]

"Megan okay ka lang?" Tanong ni Darren. Hindi ko makita yong mukha niya dahil madilim kaya binuksan niya yong phone niya.

"Ikaw okay ka lang?! Sinabi ko diba aray? Malamang hindi ako okay! Ang sakit sakit kaya ng paa ko! Ayaw magalaw!" Sigaw ko.

"Pwede naman sigurong hinaan yong boses mo diba? Ang sakit sa tenga, eh. Concerned lang naman ako." Sambit niya. "Kukuha lang ako ng first aid kit."

"Oy iiwan mo 'ko dito?" Hinawakan ko yong kamay niya. "Wag mo kong iiwan dito, Darren." Sambit ko. Feeling ko nakatingin siya sakin. "Please? Ayokong mag-isa dito."

Ayoko talaga sa dilim, takot ako kasi feeling ko anytime may mananakit sakin. Kaya ayokong mag-isa na naiiwan pag madilim kasi hindi ko kaya, baka mahimatay pa 'ko o may mangyari pang masama sakin.

"Na-ankle sprain ata ako." Saad ko. "Ang sakit Darren, ang sakit sakit."

Hinawakan niya yong paa ko at hinilot ng dahan-dahan. "Hayaan mong gawin ko 'to, baka makatulong." Sambit niya. "Wag kang mag-alala hindi kita hihipuan, hindi naman kita type, eh."

"Tss, feeling mo naman nag-aassume ako na type mo ako? Lah, pumuti man ang uwak hindi mangyayari na magustuhan kita." Sambit ko. Tinarayan ko siya kahit hindi niya ko nakikita. "Pakihilot nalang yan."

Hinilot nalang niya yong paa ko tapos tumabi sakin at sumadal sa upuan. Ang tahimik, ang awkward tuloy.

"Megan?" Hindi lang ako kumibo. "Alam mo ba," tumingin siya sakin feeling ko lang. "May gumagalang," sambit niya. "Multo dito."

"Wah!" Napaatras agad ako kay Darren. "Aray yong paa ko! Ano ba Darren?! Bakit ka ba nananakot? Sapakin kaya kita jan!" Sigaw ko. Kinikilabutan tuloy ako. "Hays Megan, wag kang matakot." Bulong ko sa sarili ko. "Nakakainis ka talaga Darren!"

"Duwag ka pala, haha."

Napahinto ako bigla, naninikip nanaman yong dibdib ko. Hindi nanaman ako makahinga, hindi ko mahabol yong hininga ko. "D-darren.." Bigla siyang tumigil kakatawa. "Inaatake ako ng A-asthma. Y-yong inhaler ko.. please."

"Megan! Nasaan, saan nakalagay?" Inabot ko sakanya yong bag ko. "Teka lang Megan." Kinalkal niya yong bag ko. "Megan wala dito!"

"Darren..." Bulong ko. "Hindi ko na kayang huminga.." Napapikit nalang ako tapos sumandal sa balikat niya.

Nagising ako dahil sa hangin na natanggap ko. Pagkadilat ko bumungad sakin si Darren at may ilaw na din pero flashlight lang.
"Anong nangyari?" Tanong ko. "Nahanap mo na ba yong inhaler ko?"

"Hindi, kumuha ako ng bagong inhaler sa Grocery. Iniwan muna kita dito kasi baka ano pang mangyari sayo pag hindi pa ko nakapag hanap ng inhaler." Sagot niya.

"Salamat pala, Darren."

Bigla akong nakakita ng madaming nakabukas na flashlight tapos nakita ko si Nathan at Zach na may kasamang ambulance.

"Blue, okay ka lang? Anong nangyari sayo? May ginawa ba sayo 'tong lalaking 'to?" Alalang alala si Nathan, kitang kita ko yon sa mata niya. "Sinaktan ka ba nito?"

"Ssh! Ano ka ba Nathan? Hindi, ayos lang ako. Yong paa ko lang yong hindi."

"Pipay, hindi ka ba ginalaw nito?" Tanong ni Zach.

"Hala, hindi ah! Edi sana naghihingalo na 'to ngayon kung ganon."
"Inatake siya ng Asthma niya, actually, kakagising lang niya. Na-ankle sprain din yong paa niya." Singit ni Darren.

"Papalampasin ko 'to ngayon pare. Pero sa susunod na mapahamak pa si Blue ng dahil sayo, ihanda mo ng mabasag yang mukha mo." Binuhat ako ni Nathan tumingin kay Darren.

"Narinig mo naman siguro yon, kahit artista ka, wag kang magkakamaling ipahamak siya ulit kung hindi, malalagot ka sa amin ni Nathan." Dagdag pa ni Zach.

Dinala nila ako sa Hospital kung saan ako laging dinadala. Kailangan ko daw munang ipahinga yong paa ko dahil hindi daw maganda yong nangyari. Masakit pa nga din hanggang ngayon, eh. Hindi ko naman kailangan mag-stay sa Hospital kasi paa lang naman nadisgrasya sakin kaya mamaya uuwi na din kami, ipapahinga muna ng ilang oras yong paa ko.

Anong oras na din kaya nagutom ako bigla. Umaga na agad kasi ang haba ata ng pagkaka-walan ko ng malay kaya mahaba tulog ko. Yong dalawa nasa Sofa lang na nasa kwarto na 'to habang nakatingin sakin. Naiilang lang ako ng konti kasi seryosong seryoso sila.

"Ahm, matulog na kayo. Wag niyo na kong alalahanin ayos na 'ko." Nginitian ko sila para alam nilang okay na ko. "Okay na talaga ako, salamat pala ha." Sambit ko.

"Wala yon, sige. Matulog kana din." Saad ni Nathan.

"Sige Pipay, pahinga kana." Dagdag pa ni Zach.

Humiga ako tapos pumikit pero hindi pa ako matutulog kasi nakatulog ako ng mahaba sa mall. Dahan-dahan kong dinilat yong mata ko at nakita ko yong dalawa na tulog na tulog na sa Sofa. Ang cute nilang tignan, parang hindi sila makulit tapos mukha silang anghel ngayon. Napangiti nalang ako kasi may kaibigan akong tulad nila.

Yong lalaking mga hinahangaan at pinapangarap ng iba kaibigan ko na sa tagal ng mga taon. Nakakatuwa kasi andyan sila pag kaillngan ko kahit hindi andyan pandin sila kaya thankful ako na dumating sila sa buhay ko bilang bestfriend ko.

I'm very thankful because you two came into my life.

Ngumiti nalang ako tapos kinuha ko yong prutas sa table na nasa malapit ng sofa. Hinugasan ko yon at binuksan yong TV. Nakita ko agad yong pangalan ko at pangalan ni Darren. Bakit may news? Kailangan ba pati yon ipaalam? Aksidente lang naman ang lahat ah. Bakit pati ako nadadamay?

Is he In a relationship with famous Dessert Maker, Megan Castillo?

Hala, bakit ganon? Na-trap lang kami sa loob ng mall in a relationship agad? Aba naman, mahirap talaga pag showbiz kahit ibang tao nadadamay. Nakakainis, na ankle sprain na nga ako may issue pa nito.

Biglang nag vibrate yong phone ko at puro twitters notification. Tinignan ko at puro bash ng mga fangirl ni Darren.

Die bitch!
How dare you?!
You're not pretty!
Bitch!
I hate you!
Humanda ka Megan!
Don't try me!
Lagot ka samin!

Aray ko, naninikip nanaman yong dibdib ko. Gusto kong umiyak pero baka magising yong dalawa. Ang oa naman nila, naiwan lang naman kaming dalawa ni Darren sa mall may malisya na agad don? May issue na agad don? May bash na agad akong natanggap dahil lang don. Bakit ba ang hirap ng showbiz? Wala naman akong ginagawa sakanila.

Bakit ko ba kailangan makatanggap ng mga masasakit na salita? Alam ni God na wala akong ginagawang masama at walang meron samin ni Darren. Hindi ko siya gusto at engage na siya kaya bakit pa kaialngan gumawa ng issue na ganito. Hindi ba mapapakali yong mga bibig nila na gumawa ng issue kahit hindi totoo basta may mabalita lang? Iniisip lang nila ang para sakanila, paano naman yong mga taong nadadamay?

Walang kami, ate never may magiging kami.

------------------
Vote and Comments are really appreciated. Enjoy reading babies, loveyooou all.

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon