Chapter 68: Changes

13 1 0
                                    

[Megan's POV]

Nasa tagaytay ngayon si Darren para sa photoshoot. Hindi nalang ako sumama kasi dalawang araw lang naman siya don, babalik na din siya mamaya. Sinabi ko nalang din na may mga pinapagawa si mama na mga papeles.

Dinadahilan ko lang lagi yon pag sumasakit na yong ulo ko. Ayoko kasing makita ni Darren na may iniinda akong sakit, ayoko ng alalahanin niya 'ko.

Hays. Nagm-mukha na akong manloloko.

Simpleng hindi ko pagsabi sakanya ng mga bagay na dapat alam niya, panloloko na din yong ginagawa ko. Napabuntong hininga nalang ako.

Ang hirap magtago, pero ayoko lang na madagdag pa 'ko sa iintindihin niya. Naaawa din ako kay Darren..

"Oh, ang lalim nanaman ng iniisip mo." Nakita ko si mama na nakasilip sa pinto. Pumasok siya at tumabi sakin. "Si Darren nanaman ba yan, baby girl?" Tumango naman ako.

"Mama, unfair ba 'ko? Kasi hindi ko sinabi sakanya 'tong sakit ko."

Umiling si mama at ngumiti. "Hindi baby girl, iniisip mo lang siya kaya mo ginagawa 'to. Sooner or later, maiintindihan ka niya baby girl." Sambit ni mama.

Napa buntong hininga nalang ako. "Sana nga po mama, sana.."

"Wag kanang mag isip ng kung ano ano baby girl. Baka sumakit pa yong ulo mo." Tumango naman ako. "Uminom kana ng gamot mo, okay? Kung may mga kailangan ka sabihin mo lang samin ng daddy mo." Sambit pa ni mama.

Ngumiti ako at ganon din siya. "Thank you mama." Niyakap ako ni mama.

"Anything for my daughter, gumaling ka lang anak." Hinalikan ako ni mama sa noo at lumabas na ng kwarto.

Kahit papaano napagaan ni mama yong loob ko, nabawasan yong mga negative thoughts ko.

Sana talaga gumaling na 'ko.

Uminom na ako ng gamot ko at humiga. Hays, ang daming gumugulo sa isip ko. Nag aalala ako kay Darren kung ano na bang lagay niya don sa Tagaytay, wala pang text sakin hanggang ngayon. Naiinis na ako pero iniintindi ko nalang siya. Baka wala lang siyang signal.

One week nalang Anniversary na namin. Hindi ako makapaniwala na tumagal kami ng ganito. Lagi nalang, 'Seryoso ba 'to? Ang tagal na namin.' Nakakatawa lang na tumagal sakin si Darren. Sa isang tulad ko ba naman? Hays, ang swerte ko na si Darren yong boyfriend ko.

Nag iisip na ako ng pwedeng iregalo sakanya, may mga ginagawa na akong crafts para sakanya. Pero andyan nanaman yong negative thoughts ko, baka kasi hindi niya magustuhan o kaya baka hindi siya mahilig sa mga ganon.

Hays.

Oops, may idea ako!

Kinuha ko agad yong phone ko at cinontact si Dorries. Mag papatulong ako sakanya para sa kuya niya. Sigurado akong alam niya yong mga ibang hilig pa ni Darren.

Ilang beses ko siyang tinawagan pero walang sumasagot. Puntahan ko nalang kaya siya? Hm, tama!

Nag bihis lang ako ng simple at nag ponytail, kinuha ko yong bag ko at yong phone ko. Is-surprise ko na din si Darren sa bahay nila. Gusto ko agad siyang makita pag uwi niya galing sa Tagaytay. Jusko, nababaliw na ako ni Darren. Miss na miss ko na siya.

Mood swings? Hahaha kanina ang drama drama ko ngayon naman ang hyper na.

Kumuha ako ng mga cupcakes na ginawa ko kanina at nilagay sa upuan sa likod. Nag drive agad ako papunta sa bahay nila Darren. Miss na din siguro ako ng kapatid non? Sila Dorries at Dean hahaha.

Hindi naman traffic kasi hapon na kaya mabilis lang akong nakadating aa bahay nila.

Nakita ko agad si Manong Jose at pinasok naman niya agad ako. Wala dito yong parents nila at sila sila lang lagi dito nila Dorries. Pinaderetso ako nung babae sa Living room at nakita ko don yong dalawa.

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon