[Megan's POV]
Nagpalagay ng mas malaking table si Kevin para sa aming apat. Medyo naiilang lang ako kasi akala ko para sa amin lang 'tong araw at gabi ni Kevin, yon pala hindi. Hays, sulpot nalang kasi ng sulpot itong dalawang mag-fiancé.
Kumakain lang ako ng tahimik dito habang yong dalawang lalaki nag-uusap, naiilang lang kasi talaga akong kasama yong dalawa ngayon. Hindi lang ako sanay at maka-sabay na kumain si Chasey. Naiinis at naiirita pa din kasi ako sakanya.
"Okay ka lang ba, Megan?" Bulong niya. Tumango lang ako at ngumiti para hindi na siya mag-alala. "Sabihin mo lang sakin kung may problema." Nginitian niya 'ko kaya medyo gumaan yong pakiramdam ko.
"So, Megan, kailan ang kasal?" Bigla kaming sinamid ni Darren kaya napatingin kami sa isa't-isa. "Oops, may nasabi ba akong mali?" Pabebe niyang tanong. "Basta, invited kami ni Darren my hubby ha?"
"Ahm, Chasey hindi pa naman kami ni Megan." Sagot ni Kevin at tumingin sakin, hinawakan niya yong kamay ko kaya napatigil ako agad. "Basta masama kami kung anong meron kami ngayon." Tumingin siya sakin at ngumiti, ganon din ako. "Hindi pa kami masyadong nagp-plano sa future."
"Ah, oo. Tama si Kevin." Sambit ko.
Kumain nalang ako habang sila nagk-kwentuhan, ayokong sumali dahil gusto ko lang kumain ng kumain. Ang sasarap kasi ng pagkain dito at ayoko lang din makausap sila. Okay na kong si Kevin lang ang makausap ko.
Random topics lang naman sila, walang kwenta yong iba. Hindi naman nila ako sinasali kaya kampante lang akong kumain dito. Napansin siguro ng dalawa na naiirita ako sakanila psh, buti naman kasi kung ganon.
"Excuse me, don muna 'ko." Singit ni Darren.
"Sama na ko brad." Sambit ni Kevin."Megan, okay ka lang ba dito? Sasamahan ko lang si Darren, okay? Hindi kami magtatagal."
Tumango lang ako at ngumiti. "Okay lang Kevin, sige na. Naghihintay pa sayo si Darren oh." Sambit ko. "Ingat kayo."
Nang makaalis na yong dalawa, binitawan padamog ni Chasey yong kutsara. "Ohmygoah, natagalan ko yong pagiging mabait sayo ha. Hindi ko masikmura, yuck! Isang Chasey Mendoza, napaka-bait sayo? Ohmygosh, kung hindi lang dahil kay Darren." Maarte niyang sinabi. "Nakaka-kilabot."
"Wag kang maarte, Chasey. Psh, kung umasta ka akala mo naman kaya mo na buto mo." Sagot ko. "Excuse me lang ha, hindi ko sinabi sayong maging mabait ka sakin dahil hindi ko kailangan ng ugaling peke at pakitang tao na katulad mo. Kung dahil ba kay Darren 'to, edi salamat sakanya at tumagal ang ugaling bait baitan sa isang Chasey Mendoza." Bigla siyang nagulat sa sinabi ko. "Ako nga dapat ang nagsasabi nyan, hindi ko masikmura yong ugali mo kanina. Baka nga masuka na 'ko maya-maya, eh."
"Ang lakas na ng loob mo ngayon ha! Dahil ba nililigawan kana ng isang Kevin Garcia kaya ganyan ka maka-asta? Psh, hindi bagay sayo. Baka gusto mong ingudngod ko yong mukha mo ngayon sa lupa ng malaman mo kung sino ka ba talaga."
"Excuse me lang ulit ha, hindi ako nililigawan ni Kevin at hindi ko din makakalimutan kung sino ako. Dahil ako lang naman ang panganay na anak ng sikat na business man na may surname na Castillo." Sambit ko."Kung nananakot ka, gawin mo na ang lahat. Dahil konting inis ko nalang sayo, ibunuhol ko yang nangingintab mong buhok sa tinidor at ipakain ang buto buto mong katawan sa mga asong gutom na pakalat kalat sa kalye ng makita mo ang hinahanap mo." Nginitian ko lang siya. "Wag ako, Chasey."
Biglang tumigil si Chasey ng makita niya yong dalawa. Tinignan agad ako ni Darren pero umiwas lang ako, ayoko lang na magkaroon kami ng eye contact sa isa't isa.
"Brad, una na kami ni Chasey." Mukhang nagulat si Chasey sa sinabi ng kasama niya. "Nakaka-abala na kami sa inyo, sorry. Salamat pala sa oras na nakasama namin kayo, Megan." Ngumiti lang ako. "Enjoy the night." Sambit niya.
BINABASA MO ANG
Lost stars
Ficção AdolescenteAkala niya nagmahal siya sa maling tao. Pero, yung tadhana lang talaga yung mali sadyang hindi niya lang inisip na mapaglalaruan sila. Masyado siyang nagseryoso sa isang bagay na walang kasiguraduhan na tatagal. When Darren Lim love the girl.
