Chapter 44: Night Kiss

20 1 1
                                    

[Megan's POV]

"Ate Megan, sundan mo."

"Ha? A-ah, bakit ko naman susundan yong kuya mo? May kasalanan ba ako?" Tanong ko.

"Wala naman Ate Megan, pero please? Sige na, sundan mo na si kuya." Pag mamakaawa niya. "Sige na oh, pag bigyan mo na 'ko."

"Aosh, kung hindi lang talaga kita mahal." Sagot ko. "S-sige, susundan ko na yong kuya mo."

Naglakad ako palabas sa party na yon. Hinanap ko sa malapit don si Darren pero hindi ko siya makita. Tinakbo ko na din yong iba pero wala pa din siya. Aish, nasaan ba yon? Tumakbo ako sa may ilaw na waiting shed. At buti nalang siya ang lalaki na nakaupo don, hays pinahirapan pa 'ko. Ano ba kasing ka-artrhan ang nangyari sa loob ng party na yon?

"Darren.."

"Anong ginagawa mo dito? Hindi mo ba alam na pwede kang mapahamak sa psg-punta lo ng mag-isa dito." Sambit niya.

"Kasi ano, eh. Sinundan kita." Sagot ko.

Umupo ako sa upuan malapit sakanya. "Bakit ka umalis don, ano bang problema? Bigla nalang kayong nag-away ni Chasey, nakakapang gulat."

"Tss, wala yon." Tipid niyang sagot. "Diba galit ka sakin? Bakit ngayon parang nag concern mo sa nararamdaman ko."

"Hindi ba pwedeng magbago ang isip ng tao? Nasa mood lang naman ako ngayon, eh. Tsaka, nagtataka lang talaga ako sa nangyari kanina." Nakatingin lang siya sa daan, habang nakaupo. "Okay ka lang ba, Darren?"

Tumango lang siya.

"Alam mo, mas masarap sa feeling kung may napag sasabihan ka ng nararamdaman mo. Minsan kasi, mahirap din kung sosolohin lang natin." Napangiti siya kahit bahagya lang.

"Wag ka ng makulit." Ginulo niya ng kaunti yong buhok ko. "Basta pag hindi ko na kaya 'to, alam ko na kung sino ang tatawagan ko, ikaw. Haha." Sambit niya. "Sige na, bumalik kana don."

"Sasamahan muna kita dito kahit ilang minuto lang." Tumingin nalang din ako sa daan.

Walang ganogn tao dito, malinis at tahimik lang. Pero magaganda dahil sa mga ilaw, ang sarap sa pakiramdam na tignan sila. Napangiti nalang ako.

"Ang ganda mo pala talaga."

Tinignan ko siya at nawlaa yong ngiti ko ng makita kong nakatitig pala siya sakin, umiwas agad ako ng tingin. Naiilang ako.

"Wag ka ngang mambola." Sagot ko. "Hays, sige. Una na ako, bumalik kana din agad ha. Mag-aalala sayo si Dorries." Tumayo na ako at naglakad palayo sakanya.

Nagulat ako ng may biglang humila sakin, napaharap ako sakanya at nakita ko si Darren na seryoso yong mga tingin sa mata ko. Hindi ko mabasa yong mga nasa isip niya, ang talas niyang tumingin. Nakakatakot..

"Darren?"

Bigla niya kong hinila sakanya, konting galaw nalang ng isa samin. Mahahalikan na niya 'ko. Napaka-seryoso ng mga tingin niya sa mata ko na parang malulusaw na 'ko. Bigla nalang niya 'kong hinalikan kaya napahinto ako.

Halos lumuwa ang mata ko dahil sa ginawa niya. Hindi ako makagalaw, hindi ko alam yong gagawin ko. Nab-blangko yong utak ko. Paano na ba 'to?

Hindi ko alam pero parang lahat ng bagay huminto, at tanging kami lang ngayong dalawa ang nage-exist. Hindi ako makapalag sakanya dahil sa gulat, sobrang nanlalamig yong katawan ko. Hindi ko na ata 'to kaya.

Ang huli ko nalang nalaman ang pag bagsak ng ulan.

~~
Nagising ako dahil sa liwanag sa labas. Napa-dilat agad ako at hinawakan yong labi ko.

Totoo ba yon? Baka panaginip ko lang yon? Imposible naman mangyari yon dahil nandito ako sa kama ko. Aish, ano ba 'to? Baka guni guni ko lang din yon. Kung ano ano na ata ang nangyayari sa sarili ko. Hindi ko na maintindihan.

Hays, Megan. Relax.

Tinignan ko yong suot ko at ganon pa din naman, totoo ang mga nangyari kagabi pero yong pinaka-huli hindi. Napahawak nalang ako sa labi ko habang nag-iisp. Aish, hindi. Hindi pwede! Hindi yon mangyayari, never!

Inalis ko yon sa utak ko at dumeretso sa banyo. Maliligo muna ako bago bumaba. Sinuot ko lang yong long Sleeve at leggings na black. Nag desisyon akong bumaba papuntang kusina, akala ko nandon si manang pero wala. Linggo pala ngayon, day off nila.

Nagka-salubong kami ni Shanna sa Sala at halatang may tsismis nanaman siya.

"Ahm, Shanna sino ba ang nag uwi sakin dito?" Tanong ko.

"Hmm, Si kuya Kevin pa din naman Ate. Ang weird nga ate, nakita ka nalang daw niyang tulog kaya inuwi kana agad dito." Sambit niya. "Ano bang nangyari ate?" Umiling lang ako skaanya at dumeretso sa garden.

Pagka-tapos nung halik na naramdaman ko, bigla nalang bumuhos nag malakas na ulan. At hindi ko na alam kung ano pa bang nangyari kasunod non.

Ang weird nga talaga.

Biglang tumunog yong tyan ko, hindi pa pala ako kumakain. Buti nalang talaga nagka-gana ulit ako,  pati ba naman kasi pagkain nawawala sa isip ko. Hays.

Nag drive agad ako papunta sa isang Restaurant malapit sa bahay. Sinuot ko muna yong salamin ko at cap, buti nalang talaga merong ganito sa kotse. Nag-order agad ako ng makakain.

Buti nalang hindi nila ako nakikilala dahil nakaka-takot na din minsan psgka-guluhan lalo na kung mag-isa lang ako ngayon tapos sumasakit pa yong ulo ko.

Ang sakit ng ulo ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Ang daming pumapasok sa isip ko.

Hindi malinaw sakin kung ano yong mga nangyari kagabi. Parang na-memory lost ako, hindi ko alam hays. Hindi naman ako uminom para malasing at sumakit ng ganito yong ulo ko pero parang binabagsakan ako ng mga bato.

Sobrang sakit.

Kumain agad ako pag dating ng pagkain. Hindi ako mapakali dahil sa kirot sa ulo ko, sobrang sakit niya talaga. Parang hindi ko na kaya na ewan. Dahil siguro 'to sa pag-iisip ko ng madami, aish.

Dumeretso agad ako sa bahay pagkatapos kong kumain. Umakyat agad ako sa kwarto ko para makapag pahinga. Naiiyak na 'ko sa sobrang sakit, hindi ko na talaga kaya. Parang nang mamanhid na yong katawan ko.

Naiiyak ako sa sarili ko.

Ano bang nangyayari sakin? May nagawa ba 'kong mali kagabi kaya nagkaka-ganito 'to? Bakit napaka-sakit naman na parang binibiyak na yong ulo ko? Kailangan ko bang maramdaman 'to? Hays, ayoko na.

Kung isa lang 'tong pagsubok, talo na 'ko.

Naluluha na 'ko dahil sa pag kirot ng ulo ko. Hindi ko na talaga alam yong gagawin ko. Basta ang kaya ko alng gawin ngayon ay umiyak dahil ayun lang ang makakapag alis ng sakit sakin.

Iyak na kong ng iyak, basang basa na yong isa kong unan dahil sa mga luha ko.

Pinilit kong tumayo sa pagkakakhiga ko at nag punad ng mga luha ko. Baka siguro naulanan ako kagabi kaya ganito yong nararamdaman ko. Nag relax muna ko para kahit papaano mabawasan yong sakit ng ulo ko.

Dumeretso ako sa isang park at bumili ng ice cream, sa paraan na 'to tingin ko aayos yong pakiramdam ko. Nakatingin lang ako sa mga bata habang naglalaro.

Biglang may humila sa brado ko kaya nalaglag yong ice cream ko. Tinignann ko agad siya ng masama, nagulat ako ng makita ko kung sino siya. Halos mawala yong sakit ng ulo ko dahil sakanya.

"Darren."
-------------------
Vote and comments are really appreciated, thank you! Enjoy reading babies! Loveyah all.

Lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon